Chapter 5

265 15 4
                                    




Tinitigan ko si Erik habang naglalakad kami palabas ng school. Hindi pa rin nawawala ang pagkapula ng kanyang mukha. Nagpupuyos siya na tila gusto niyang manuntok. Sa sinabi kanina ni Erik ay bigla akong tinakluban ng takot. Nanginig ang kalamnan at nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko pa ang kanyang init sa aking skin. Ngunit, sa pagdampi ng kanyang kamay sa akin ay nawala lahat ng pag-aalinlangan ko at takot. Napalitan ito ng ginhawa na hindi ko alam kung para saan.

Dumaan kami sa main gate. Akala ko nga ay uuwi na kami subalit tumigil siya sa harap ng waiting shed. Kumunot ang noo ko at magtatanong sana subalit hinila ako ni Erik papaloob at kasabay nun ay ang tila pagbagsak ng ulan. Hindi ko man lang namalayan at napansin na uulan. Too caught of what happened kase.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Erik sa akin at itinabi niya ako sa kanya. Sinipat niya ang likuran ko, "Nasaktan ka ba ni Dianne?" Nang dumako ang kanyang tingin sa braso ko ay hinawakan niya ito ng dahan-dahan at sinuri ang sugat ko sa braso.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Mapula ang kanyang mga labi na para bang nang-aakit. Yung mukha niya para bang hindi talaga dadapuan ng mga tigyawat dahil sa sobrang baby face nito. Ang kanyang mga pilik-mata ay tama lang sa haba. Ang kanyang mga mata habang sinusuri ang aking brasong nagkaroon ng sugat ay maraming mga emosyon ang pinaparating nito. At isa rito ay ang katangungang, Concern ba si Erik James sa akin?

Hinipan niya ang sugat ko.

"Aray. Masakit," angal ko.

Tumaas ang kanyang ulo at nagtama ang mga mata naming. "Sorry. Halika, punta tayo bahay. Malapit lang dito. Para malinis natin yang sugat mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi! Huwag!" Inagaw ko ang braso ko sa kanya at lumayo sa kanya ng konti. "Ibig kong sabihin—"

"Bakit? Anong problema?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Tumgin ulit siya sa braso ko. "Lilinisin lang natin yan para hindi mainpeksyon."

"Aahh, uhmmm, wag na lang, Erik. Sige uwi na lang ako. Ako na bahala sa sugat ko." Sana naman huwag niya akong kulitin. Ayoko pumunta sa bahay nila.

Nahihiya kase ako.

Akmang aalis na sana ako sa waiting shed nang maramdaman ko ang marahas na kamay na bumalot sa aking braso at pinaharap ako. Nanlaki angmga mata ko at napatili nang buhatin ako ni Erik at inilagay niya ako sa braso niya. What the—

"Erik, ibaba mo ako!" Nagpapapadyak ako. Nagulat ako nang sipatin niya ang pang-upo ko.

"Huwag kang malikot. Yung sugat mo."

"Ibaba mo ako,Erik. Ibaba mo ako. Ahhhhhh," 😂😂napaungol na lang ako sa sakit nang masanggi ang sugat ko sa braso ang ulo at likuran ng taong bumubuhat sa akin ngayon.

Ibinaba niya ako. Hinawakan niya agad ang braso ko at tiningnan ang sugat. Hindi naman nag dugo pero angsakit. Parang nalagyan ng alcohol. Ganun ang feeling.

"Sabi ko naman sayo, eh."

"Eh kase naman, bakit mob a ako binuhat? Kaya ko naman sarili ko." Okay. That was a wrong choice of words.

"So sasama ka nga papunta sa bahay?"

"Ha?"pagmamaang-maangan ko. "May sinabi ba ako?" Tumingin ako sa tabi ko at sa kabila. "Sino kausap mo?"

Nasilayan ko na lamang ang pagkurba ng labi ni Erik paitaas at isang di kilala boses ang tumili pailanlang sa paligid nang buhatin ulit ako ni Sehun. Habang paalis na kami sa Waiting shed ay nakita kong may lumabas sa main gate at nagtama ang mga mata naming ni Dianne. She stared at me like she wanted to kill me. Buti na lang hindi niya kaya. Sana lang hindi ako mapahamak.

"Ayan, okay na," nakangiting balita sa akin ni Erik nang matapos siya sa paglilinis sa sugat ko. Nang tumingin siya sa mga mata ko ay natawa siya nang makitang may mga luha na nasa pisngi ko. Eh masakit naman kase yung alcohol na ginamit niya! Sino hindi maiiyak dun sa sakit? Nakakainis naman oh!

"Ba't ka umiiyak? Okay na. Tapos na," natatawang wika niya kaya napairap ako. Pupunasan ko na ang aking pisngi nang isang kamay ang dumampi sa aking pisngi. Natigilan ako at biglang may naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa akin katawan. Parang tumigil ang oras sa paligid at kahit malakas ang ingay na nanggagaling sa kusina nila ay parang kami na lang ang naririto. Naging slowmo ang lahat. Hindi ko alam pero dahan-dahan kong itinangala ang ulo ko. Nagtama ang mga mata namin ni Erik at ang lapit ng mukha naming sa isa't isa na kung ime-measure ay kissing range na. Di pa nakatulong ang daliri niya sa aking pisngi. Tumagal ang aming pagtitinginan.

"Anak, heto na ang meryenda ninyo. Pasensiya na at maingay sa kusina." I blinked my eyes several times. Maski si Erik ay napapikit-mata at dahan-dahan siyang lumayo sa akin. Nakatingin pa rin si Erik habang siya'y lumalayo sa akin kaya hindi ko na maiwasan ang pag-init ng aking mukha. Nag-iwas ako ng tingin.

He giggles. I blinked my eyes and look at his face. Narinig ko yun di ba? Erik just giggled. Pa... An..

"Punta kayo sa garden, Erik, anak. Maingay dito. Sige na. Kukunin ko lang yung mga meryenda ninyo. Heto, kunin mo na tong juice," sabi nung matanda kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin at yung mga mata niya. Parang crescent moon. Ang gandang pagmasdan kahit na matanda na siya. Ngumiti ako pabalik sa kanya.

Habang papalabas kami sa bahay ay hindi ko maiwasang mapatingin ulit. Malaki ang bahay at masasabi kong mayaman talaga ang may ari ng bahay na ito. Maaliwalas ang salas at maraming mga larawan ang nakapaskil sa dingding maging sa bawat mesa, sa maliit na wardrobe kung saan nakaupo ang lampara at iba pa. Maganda, iyon ang masasabi ko para sa bahay nina Erik at kahit di ko nakita ang iba pang sulok ay masasabi kong parang palasyo ito.

Natigil ako nang may Makita ako sa isang gilid kung saan malapit sa pintuan palabas. Isang malaking litrato. Tumgil ako at pinagmasdan ang larawan. Ang pamilya ni Erik James.

Isang magandang babae ang nakaupo sa isang silya. Sa gilid-likod nito ay isang matangkad at makisig na lalaki na nakasuot ng blue suit. Nakahawak ito sa ulo ng upuan ng silya ang lalaki at sa harap nito ay ang isang lalaki na matangkad din na hanggnag dibdib ng ama nila. Tas sa kabilang gilid namay ay si Erik na nakahawak sa kamay ng ina niya. Lahat nakangiti. Maliban sa kanilang ama na nakasimangot sa picture. Masasabi kong ang pinagmanahan ni Erik sa pisikal na anyo ay sa kanyang ama. Kitang-kita ang pagkakapareho ng mga mukha nila. At ang kanyang panganay naman na kapatid ay parang pinaghalong mukha ng ama at ina niya. Ang gandang litrato. Parang masayahing pamilya. My lips lifts upward.

But then I heard Erik speaks.

"It was one happy family before. But now, it is a broken one."

I looked at him. Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"

He looks at me. Napatingin siya sa aking labi at muli as buong mukha ko. He chuckled while shaking his head. "Wala. Hahaha. Halika na, dun na tayo sa garden. Alam kong gutom ka na." Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo sa garden na tinutukoy niya.

Pero may sinabi siya talaga. Ang naintindihan ko, broken tapos family. Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba tong iniisip ko?

Waiting ShedWhere stories live. Discover now