Chapter 17

168K 5.1K 595
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'The Punishment'


Nakahiga si Saph sa sofa sa bahay niya habang nanonood ng TV. Palipat-lipat lang siya ng channel dahil nababagot na siya kakahintay sa oras. She looked at the clock again. It was already 11:45 PM. She was giddy for the clock to hit midnight.

Hinawakan niya na lang ang batok niya at nag-inat. She got up from the sofa and went to the kitchen. Kumuha siya ng tubig sa fridge at tiningnan na rin ang laman ng ref niya. She noticed a few packs of yogurt that Nyx bought for her.

Sinara na niya ang pinto ng red pero may naramdaman siyang gumagalaw sa paligid niya. Umangat ang gilid ng labi ni Saph at sumulyap muli sa orasan. Ten minutes left before midnight. She played dumb at pamuni-muni lang nang maramdaman niyang may papalapit.

Hinarang niya kaagad ang pinto ng ref at tiningnan kung ano man ang tumama doon. Kumunot ang noo niya noong makita ang isang injection na nakaturok doon. She wanted to fight back but then she remembered Zero's words. That she has to let it happen.

Saglit siyang napapikit noong may maramdaman siyang tumama sa braso niya. Tumingin siya rito at kunot-noong tiningnan ang injection na nakaturok doon. Kulay itim ang likido na nasa gilid nito. She cursed under her breath at tinanggal ang injection.

"Will this work? With the body enhancement?" tanong niya sa sarili.

Hindi niya alam kung anong laman ng injection pero nahulaan niyang baka pampatulog ito. She was concerned that it might not work due to the body enhancement pero maya-maya ay naramdaman niyang nahihilo na siya.

"Oh yay, it works." Natawa si Saph sa sarili at naramdaman niyang nanghihina na ang braso at binti niya. Napahawak na siya sa kitchen counter and umiling hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak.

"Down goes the lion," ani Evo habang nakatingin sa binoculars. Nasa tabi niya si Zero na katabi rin si Akio. "Please make it quick," Akio said and left.


✥✥

"Gising na ba siya?"

Naramdaman ni Saph na nakatali ang mga kamay niya sa kanyang likuran. "Looks like it."

Rinig niya ang boses ni Zero. Nagmulat siya ng mga mata at tumingin-tingin sa paligid. Her vision was a bit blurry at first pero noong nag-adjust na ang pananaw niya at nakita niya ang mukha ng mga lalaking nasa harap niya.

She saw Zero standing on her left side and Nyx on the right. Nakita niya rin si Ice malapit sa pinto. Nakasandal ito rito at nakapamulsa. Saph scoffed, thinking her friend looks like an idiot trying to be cool. Nakita niya naman si Stone na nakaupo sa isang silya sa may kanan at nakatingin sa kanya.

Saph shook her head once more at pumikit-pikit. Nahihilo pa rin siya pero nawawala na ang epekto ng pampatulog. Ginalaw niya ang kanyang kamay at nag-inat. Medyo bumabalik na rin ang lakad niya at naikuyom na niya ang kamao niya. Parang nakita ito nina Zero at Nyx kaya dahan-dahang naglakad palapit si Nyx sa kanya.

"Parang nawawala na ang epekto ng injection," ani Nyx at inangat ang mukha ni Saph sabay tingin sa mga mata nito. Umiling si Saph dahilan para mabitawan ni Nyx ang mukha niya.

"Let's give her another one," sabi ni Zero na nakatingin lang kay Saph. Nyx clenched his jaw and eyed Zero.

"Are you trying to get on my nerves, Natsugawa?" tanong nito. Zero scoffed.

Fukitsu AcademyWhere stories live. Discover now