Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I

Start from the beginning
                                    

As we arrived inside the Duncanville, there are few cops roaming around for the safety of the students of course and they do not want another shoot out incident again, that would cause the students to panic. Count me in.


Sa loob ng gymnasium ginaganap ang Ball. May red carpet pa at photo booth on the side.


Nanatili lang akong nakatayo sa harapan ng gym habang nakaka ilang hakbang na si Brylle.


Muli niya'kong binalingan. "Ano pa bang ginagawa mo diyan? Don't tell me hinihintay mo pang hawakan ko yang kamay mo? Seriously, hindi ko gagawin 'yon. I'm not a romantic person."


"Huh! I know the word romantic is not in your vocabulary." Linapitan ko siya. "Pero alam mo ba kung ano ang nasa vocabulary ko? That is to HURT you, ah no, to INJURE you!" Pasigaw kong sabi sa mukha niya tsaka ko siya inapakan ng malakas sa paa sa pamamagitan ng pointed heels ko.


"Aaaaahhhhhh...." Sigaw niya sa sakit. Hahaha buti nga sa kanya.


Naglakad nako ng mabilis sa loob para hindi niya'ko maabutan. Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko. Kung hindi lang ako naka heels kanina pako tumakbo. Sino ba kasing may sabing mag heels ako? Mas komportable pa'ko kung yung converse ko ang suot ko.


Paghakbang ng isang paa ko tila ayaw sumama ng gown ko, yun pala may naka apak ng gown ko. Langya! Ngayon paba ako mapapahiya? Kung saan lahat sila nakatingin, kung saan ang gara ng suot namin. Okay sige na nga, tatanggapin ko na ang kahihiyang ito. Kung saan matutumba ako sa harapan nilang lahat, kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko.


When I thought I'm about to fall, someone grab my waist at iniharap niya'ko sa kanya at napakapit ako sa batok nitong sumalo sakin.


Thanks to this person who saved me. Hindi pa rin ako napahiya. Kung sino man tong taong 'to promise isasayaw ko siya mamaya, kahit na sino pa siya.


Then I gently open my eyes and to my surprise, it's the devil who saved me. It's Brylle. Okay binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Siya na lang lagi ang nagliligtas sa akin kung saan siya naman ang dahilan kung bakit ako napapahamak.


"Say thanks to me, you badass!" Seryosong sabi nito.


"No. You say thanks to me. You got what you want. Center of attention huh!" I said in a sarcastic tone.


Napansin ko kasi na lahat halos ng mg estudyanteng nando'n ay nakatingin samin. They are wearing their masks and we are also wearing our masks.


"Nice! Grand entrance huh!" Saka lang naming napansin na nakatingin din sa'min ang nagsalitang si Venice kasama si Bryant.


Kaya agad kaming nag ayos ng tayo ni Brylle. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso kay Bryant.

"You look gorgeous, Elle." Komplimento ni Bryant. Namula ata ako sa sinabi niyang 'yon.

"Sa—salamat, Bryant." Tangi kong nasambit sa kanya tsaka ko siya nginitian.

"Yeah right. Buti na lang at bumagay sayo yang gown mo. Dahil kung hindi mag mumukha ka lang suman na binalot sa pulang papel." May pang iinsultong sabi ni Venice. Ayaw ko na lang siyang patulan sa sinabi niyang 'yon, kaya tumahimik na lang ako.


"I know she's gorgeous, Bryant, but I'm sorry she's mine." Nabigla na lang ako sa sinabing 'yon ni Brylle at lalo akong nabigla sa sunod niyang ginawa, hinawakan niya ang kamay ko as in holding hands talaga and I saw him smirking at Bryant.


"I hope you enjoy your time together." Ani Bryant. "Excuse us." Tsaka na sila pumunta sa loob ng gym ni Venice.


"You're a good liar you know?" Inis na sabi ko kay Brylle at binawi ko ang kamay ko sa kanya.


My Guardian DevilWhere stories live. Discover now