Tumikhim ang lalaki at nag-angat ng tingin sa aking mga mata. Tumango siya sa akin at bumaling siya kay Erik. "Kunin mo yung pasalubong mo sa kwarto tapos sabihin mo kay manang, ihanda yung mga chocolate. Nakakahiya sa bisita kung hindi siya magmemeryenda..."

Kunot-noo si Erik na tumango. Napatingin siya sa akin at binigyan ko siya ng ngiti. Tumango siya sa akin at lumapit. Hinawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kamay niya. Hinila niya ako sa single sofa nila at pinaupo. Kumakabog ng matindi ang puso ko. Pakiramdam ko parang di ako welcome sa mga oras na ito. Iyong titig ng kuya niya ay parang may ibig sabihin. Pero sana lang mali ang iniisip ko at maging ang iniisip niya.

"Dito ka lang muna. Palit lang ako ng damit at kunin yung sinabi ni kuya," wika niya saka hinintay na makaupo ako sa sofa. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng maliit bago siya tuluyang umalis. Tumungo siya sa hagdanan. Nanindig ang mga balahibo ko nang tumikhim ang kuya niya kaya napabaling ako sa kanya.

"Kristian..." tawag niya sa isang mahina ngunit makikitaan ng seryosong tono.

"P-po, k-kuya?" Kalma, Ian. Kalma.

"Kamusta si Erik na maging schoolmate?" Nagtaas siya ng kilay sa akin. Sinara ko ang kamao ko dahil nanginginig ang mga daliri ko. Relax lang dapat ako. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Maayos naman po siyang schoolmate. Mabait po siya at m-matulungin. K-kung uso lang po ang hearthrob-hearthrob sa school, ituturing ko po siyang ganun."

Itinagilid niya ang ulo niya sa akin at tiningnan ang kabuuan ko. B-bait ba ganyan niyan makatingin? M-may mali ba sa akin ngayon? Gusto ko mang kilatisin ang itsura ko ngayon ay di ko magawa dahil sa mapanuring tingin ng kuya niya. Mayroon din kase itong, ewan ko, parang di ko maalis ang tingin ko sa kanya.

"Umiyak ka ba?" tanong niya kaya nabigla ako. Nag-iwas ako sa mga mata niya at napatingin sa lap ko. Oo nga pala, namumugto pala ang mga mata ko. Kakagaling ko lang pala sa pag-iyak.

"P-po? O-opo..." tugon ko kahit na kinakabahan na talaga ako. Ano ba to? Anong klaseng interview na to?

Ramdam kong naningkit ang mga mata niya kaya mas lalong tumindi ang nararamdaman ko. "S-sinong nagpaiyak sa yo?" Naging mahina ang pagsambit niya sa mga salitang ito.

"Uh..." lumunok ako dahil pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. Iniisip ko kung sasabihin ko ba yung katotohanan o magsisinungaling ako. Pakiramdam ko nawala yung pagiisip ko dahil sa tanong niyang iyan. Paano kung malaman niyang pinaiyak ako ng kapatid niya? At sabihing mahal niya ako? Napakagat-labi ako. Mahal nga ba talaga ako ni Erik? Sincere siya di ba? Umamin siya. Pero di ko maiwasan na magdalawang-isip. Ian, umamin siya. Iyon lang ang isipin mo.

"K-kase po... a-ano..." Ano bang dapat irason? "a-ano po..."

Nakarinig kami ng yapak pababa ng hagdanan kaya napatingin ako roon at nakita kong nakasuot na si Erik ng dilaw na v-neck shit at isang short na maong. Maayos din ang buhok niya at dala niya ang isang box na kasing laki ng upper body niya. Sa torso hanggang sa dibdib niya. Tumingin siya saamin at nagpapasalamat ako dahil di ko nasagot ang tanong ng kuya niya. Huminga ako ng malalim at binuksan ang kamay ko. Ginalaw-galaw ko ito para makalma ang panginginig ng sarili ko.

"Heto ba yun, kuya?" tanong niya sa kuya at inalapag ang dala niyang karton sa mesa. May nakasulat na pangalan niya at ng lugar sa gilid ng karton kaya tama ang kinuha niya. Napatingin ako sa kuya at tumango siya. Pero di niya binigyan ng tingin ang kapatid bagkus ay sa akin pa rin ang atensyon. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Bakit ba ganyan siya makatingin sa akin?

"Erik, bakit mugto ang mga mata ng kasama mo? May nangyari ba?"

Sh-- akala ko makakatakas na ako sa katanungang iyan.

Waiting ShedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt