Chapter 21

24 1 0
                                    


A/N: Sana magustuhan niyo 'tong chapter na 'to :)

Yesha POV

Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako kay Zane, naiinis ako sa lahat.

Naiinis ako sa kapatid ni Grey, si Gia.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, basta nung pagpasok kanina ni Gia at mula sa pagyakap niya sa braso ni Zane at ang pangungulit niya kanina pa ay dun ako nagsimulang mainis.

Syempre naiinis din ako sa sarili ko kasi hindi ko naman dapat agad husgahan si Gia dahil ngayon ko pa lang siya nakikilala, pero dahil sa nakikita ko hindi ko mapigilan.

Bakit nga ba ako naiinis? Bakit nga ba kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kung kinukulit ni Gia si Zane? Niyayakap niya, kinakausap, binibigyan ng pagkain, juice o kung ano pa man ang naiisipan niyang ibigay. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko.

"Oy Yesh." Kinalabit ako ni Brent kaya tinagilid ko naman ang ulo ko para tingnan siya. "Huh?"

"Okay ka lang? Mukha kang wala sa sarili." Ngayon ko lang napansin na nakaupo lang pala ako sa sahig at nakatingin sa phone ko pero wala naman akong ginagawa habang yung apat kasama si Gia ay nagkukulitan, break time kasi kaya ayan.

"Inaantok lang ako." Palusot ko sakaniya, inunat ko ang balikat ko at minassage ang leeg ko. "Gusto mong kumain?" Inabot niya sakin ang chicken wings na isa sa paborito ko kaso wala talaga ako sa mood kaya umiling ako sakaniya. "No, thanks. Busog pa ako." Binalik ko ang tingin sa phone ko at nagkulikot ng kung anu-ano.

"I think nagseselos ka." Muntik ko ng malaglag ang phone ko dahil sa narinig ko. Ako nagseselos?

"Asa pa." Inirapan ko si Brent at hindi na pinansin, kanino ba ako nagseselos?

Teka..

Alam niya ba na may gusto ako kay Zane?!

"Hoy, anong pinagsasabi mong nagseselos ha?!" Hinarap ko uli si Brent, halata namang nagulat siya at pagkatapos ay natawa.

Pagtawanan daw ba ang bestfriend niya? Bestfriend ko ba talaga 'to? Tsk.

Pero masyado atang harsh yung pagtanong ko sakaniya kaya ayan natawa sa reaksyon ko. Sana hindi niya ako mapaghalataan! Huhuhu pag pray niyo ako please.

"Kanino ka nga ba nagseselos?" Ngumiti siya ng nakakaloko at tumingin sa direksyon nina Zane at Gia na kanina pa nagkukulitan.

Aish, bwisit.

"Wala, wala naman akong dapat pagselosan, baliw mo talaga. Diyan kana nga!" Tumayo ako at hinampas siya ng throw pillow. "Aray ko Yesha, ang sama mo." Hindi ko siya pinansin at lumabas na lang ako, kailangan ko ng hangin, I need to relax.

I just want to be away from that place.

Napunta ako dito sa may swimming pool nina Grey, malaki ang bahay nila at ang gandang tingnan. Kung akin lang nga 'tong bahay, kanina pa ako naligo dito sa pool.

Inalis ko ang sandals ko at binabad ang paa ko sa tubig, tulala lang ako, kung anu anong iniisip.

I don't know what to do, I can't control my feelings, bakit ko ba 'to nararamdaman? Nagseselos nga ba ako? Kanino, kay Zane at sa Gia na yun?

Oh my gosh Yesha, she's still 14 years old, why I act like a selfish? Hindi sa akin si Zane, kaya wala akong karapatan kung may lumapit sakaniya.

Hayst, bakit ba ako nagkakaganito?

Mahal ko na ba siya?

Nahuhulog na nga ba ako sakaniya?

Kung oo ang sagot ko..

One of the boys (ON GOING)Where stories live. Discover now