Chapter 5

31 2 0
                                    


"Gusto mo?" Inalok ako ni Ryle ng chichirya pero tumanggi ako. "Masyadong maalat." Tumango naman siya kaya siya na lang ang kumain.

Nandito pa rin kami sa tambayan nila, kanina pa kami tawa ng tawa dahil kay Grey at Ryle, joke kasi sila ng joke.

"Eto gusto mo?" Inabot sa akin ni Zane ang isang plain na biscuit. Medyo nagulat pa nga ako dahil hindi ko inexpect na papansinin ako ng isang 'to. "Hindi yan maalat." Dagdag pa niya. Kaya wala na akong nagawa kaya kinuha ko na lang.

"Mabait naman pala." Bulong ko sa sarili ko. "May sinasabi ka?" Muntik na lang ako mapatalon ng nagsalita si Zane. "Ha? Wala -- sabi ko thanks."

Hindi na siya nagsalita kaya humiga na lang siya sa sofa, hayy buti naman hindi niya narinig! Hindi naman ako nainform na matalas pala ang pandinig niya.

Sa kanilang apat, sakaniya lang ako pinaka iilang, ang hirap kasi niyang basahin. Mukha siyang misteryoso na ewan, basta! Yun na yun.

"Your welcome." Sarkastikong sabi sakaniya, kasi naman hindi na nagsalita.

Kinain ko na yung biscuit na hawak ko. Hindi naman na niya ako pinansin bagkus kinuha niya ang cellphone niya at dun na tumutok.

Natahimik na lang kaming lahat, sina Grey at Ryle ay hindi na nagsasalita dahil napagod ata, nakapikit sila pero ewan ko kung tulog, kasi ba naman kanina pa kasi sila tanong ng tanong sa akin kung sinong magulang ko, kung may kapatid daw ba ako, paano ko naging kaibigan si Brent, kung may naging ex na ba ako. Basta lahat na! Para silang imbestigador dahil lahat na nila ata alam tungkol sa buhay ko.

Si Brent naman eto tulog na talaga, kanina pa raw kasi siya inaantok, kami na lang ni Zane ang buhay ang kaluluwa. Pero feeling ko, ako na lang ang gising dahil hindi naman nagsasalita ang isang 'to.

Siguro kung kami lang dalawa ang magkasama, panis na parehas ang laway namin dahil ang tahi-tahimik namin.

Sinandal ko na lang ang likod ko sa upuan dahil naka upo lang ako ngayon sa single sofa, meron kasi ditong dalawang mahaba na sofa na pwedeng higaan pero naka pwesto naman si Brent at dun sa isa ay si Zane.

Nakaramdam naman ako bigla ng antok kaya pinikit ko ang mata ko, inaantok na talaga ako kaya feeling ko anytime babagsak ang ulo ko dahil wala naman akong sandalan.

Pinikit ko na ng tuluyan ang mata ko at maya maya ay may sumambot ng ulo ko, binuksan ko naman ang mata ko ng makita ko si Zane na inaalalayan ako. Aish, diko namalayan nagkatulog na pala ako.

"Dito kana sa sofa, diyan na ako." Sambit ni Zane. Tumanggi naman ako sakaniya "Wag na." Inalis niya na ang kamay niya sa ulo ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at nagulat na lang ako dahil pumunta siya sa harap ko at binuhat ako ng isang parang bagong kasal. Hindi ko naman mapigilan ang mapasigaw kaya binaba niya na ako dito sa mahabang sofa.

"Ang kulit mo kasi, diyan kana lang matulog." Umupo na siya sa dati kung inuupuan at nandito na ako ngayon sa hinihigaan niya kanina.

Huminga na lang ako ng malalim. Pffftt awkward.

Wala na akong nagawa kundi humiga, nawala na tuloy yung antok ko kasi naman, bakit ba kasi kailangan pa akong buhatin ni Zane. Pshh

---

Pauwi na kami ngayon dahil mag-gagabi na rin, naglakad na kami palabas at nilock na rin ni Ryle ang magara nilang tambayan.

"Grabe, sumakit yung batok ko." Sambit ni Grey at hinimas-himas pa ang likod ng leeg niya. Nagsimula na rin kaming maglakad kaya pati ako ay sumunod na.

"Yesha, may tanong ako." Tumingin ako kay Grey na ngayon ay nakangiti na. Hindi ba siya nauubusan ng tanong sa akin? Kanina pa siya ha.

"Ano yun?" Sambit ko. "Diba matagal na kayong mag kaibigan ni Brent? Pero may time ba na na-inlove kayo sa isa't isa?" Napatingin naman ako bigla kay Brent at parehas na nagtama ang mata naming dalawa.

"Anong klaseng tanong yan Grey? Tumigil kana." Inis na sambit ni Brent, oo nga naman anong klaseng tanong yan? Elementary pa kami nun. "Nagtatanong lang naman eh." Napakamot na lang ng ulo si Grey at ngumiti na naman ng nakakaloko.

Nanahimik na lang kaming lahat at nagpatuloy na sa paglalakad, tanging paghampas lang ng dahon sa puno ang naririnig ko dahil sa lakas ng hangin at paghikab lang ni Ryle.

Maya maya ay may pumatak sa braso ko ng maliit na patak ng tubig kaya tumingin ako sa langit na may makapal na ulap. Magsasalita pa sana ako ng tuluyan ng bumuhos ang ulan, hindi na siya maliit kundi malalaki ng patak ang bumubuhos, kaya naalarma na lang at dali daling binuksan ang bag ko para kuhain ang payong ko.

"Shit! Wala tayong masilungan!" Inis na sabi ni Zane.

"Guys hindi ko mahanap ang payong ko!" Hinalughog ko na ang bag ko pero wala akong makitang ni anino ng payong, at tanging tubig na lang ang pumapatak sa katawan at gamit ko. Nakakainis!

Maya maya ay nakaramdam na lang ako ng kamay na humawak sa braso ko, hindi ko makita kung sino sakanilang apat dahil natatabunan na ng tubig ang mata ko.

"Yung mga bag niyo ipatong niyo sa ulo ni Yesha para hindi siya gaanong mabasa!"

Narinig ko na lang ang boses ni Zane at may ipinatong sila na kung anong bagay sa ulo ko.

Hinayaan ko na lang ang sarili ko na yumakap sa taong nasa harapan ko, nilalamig na ako pero mabuti na lang at medyo nabawasan ang pagpatak ng ulan sa akin.

Mabuti na lang at hindi ko dinala ang libro ko, at wala akong gaanong dalang gamit. Ang lakas kasi maka wrong timing eh! Kung kailan may malakas na ulan walang masilungan at hindi ko pa mahanap ang payong ko.

"Ayan na, tumigil na ang ulan."

Hinarap ko silang lahat ng makita ko bigla sa harapan ko si Zane, bigla tuloy akong nahiya dahil siya pala yung niyakap ko kanina. Psshh ang baliw mo talaga Yesha!

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Brent na ngayon ay basang basa na, actually kaming lahat basa eh. Ako lang yung medyo hindi, kawawa naman ang mga 'to. "Okay lang ako."

"Mga basang sisiw tayo." Sambit ni Grey, mas kaawa-awa ang lalaking 'to dahil pati buhok parang binagyo. "Malay ba nating uulan ngayon, tapos wala pa tayong nasilungan." Sambit naman ni Ryle.

Naglakad na lang kami at inayos ko ang buhok ko, tinanggal ko na rin ang tali ko dahil baka sumakit ang ulo ko, at eto namang bag ko ay hinarang ko sa harap ko dahil baka bumakat 'tong bra ko, wala pa naman akong sando.

"Isasakay kana namin Yesha, sorry kung naging ganiyan ka." Natawa naman ako sa sinabi ni Brent. "Hindi mo naman kasalanan na umulan eh, tska ayos lang." Ginulo ko ang buhok niya, medyo nag enjoy nga ako dahil ang saya palang kasama ng mga lalaking baliw na 'to.

"Baka magalit sa akin si tita Ali dahil pinabayaan ko ang nag iisa niyang anak." Bakas pa rin ang pag aalala ni Brent, jusko naman 'to. Palibhasa lagi siyang pinupuri ni mama noon kaya natatakot siyang magbago ang tingin ni mama sakaniya. "Talaga, magagalit yun sayo si mama." Pang aasar ko pa sakaniya.

"Pakisabi sorry." Nagkamot na lang siya ng ulo at yumuko. "Joke lang!" Pinitik ko ang tenga niya para matauhan naman siya, sus hindi naman yun magagalit si mama eh, unting paliwanag ko lang keri na yun. Haha

"Tama na ang drama, ayan na ang taxi ohh." Singit naman ni Grey, kahit kelan panira siya. Nage- enjoy pa nga akong asarin 'tong si Brent eh. "Sige na, sakay na." May tumigil na taxi sa harap namin kaya isa isa akong nagpaalam sakanila. Tiningnan ko naman si Zane na ngayon ay nakatingin lang din saakin at basang basa ang buong katawan at bakat na bakat pa ang abs. Whhoo!

"Bye.." Nag wave ako kay Zane at pinilit kung ngumiti sakaniya ng simple, hindi pa nga ako nakakapag thankyou sakaniya eh kaya kahit ngiti lang okay na.

"Ingat Yesha!" Sigaw ni Grey at Ryle. Sumakay na mana ako sa taxi at tiningnan na lang sila na nakatayo doon.

Bumaba na ako at nagbayad na sa driver, pumasok na rin ako sa bahay pero hindi ko nakita si mama, siguro nasa kwarto niya yun at nagla- laptop. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at pumunta sa CR para magpalit, at pagkatapos ay sinaksak ko ang blower para magpatuyo ng buhok ko.

Napatingin naman ako sa phone ko ng biglang mag vibrate kaya binuksan ko kung sinong nagtext.

Hi Yesh, nakauwi kana? Anong sabi ni tita Ali?

Napangisi na lang ako sa text ni Brent, hahaha baliw talaga.

One of the boys (ON GOING)Where stories live. Discover now