Chapter 15

27 3 1
                                    


Imbes na bumalik na ako sa room ay pumunta muna ako sa likod ng building, may bench kasi doon at bihira lang tambayan yun. Vacant naman kami kaya okay lang na mag emo muna ako kahit sandali.

Nang makarating na ako dito ay umupo na ako, mahangin dito at marami ding mga puno, walang mga katao tao kaya free ako kahit na sumigaw o umiyak ako dito.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagpatugtog ako ng kanta ng the chainsmokers.

♬♬ Fighting flames of fire
Hang on the burning wires
We don't care anymore ♬♬

♬♬ Are we fading lovers?
We keep wasting colors
Maybe we should let this go ♬♬

♬♬ We're falling apart
Still we hold together
We've passed the end so we chase forever ♬♬

♬♬ Cause this is all we know
This feelings all we know ♬♬

Sinasabayan ko lang ang kanta at nakapikit rin ako para dama. Kahit kailan nakaka relax talaga ang music.

Kanta pa rin ako ng kanta pero natigilan na lang ako ng may biglang pumalakpak. Teka, akala ko ba walang tao dito? Nilibot ko naman agad ang tingin ko ng makita ko si Zane.

Teka, si Zane?!

Ow. Why o why..

Nakasandal siya sa likod ng puno at nakatingin siya saakin. Actually medyo katapat ko lang yung punong pinepwestohan niya kaya siguro hindi ko siya napansin. Akala ko pa naman walang ibang tumatambay dito, atska nakakahiya. Huhuhu

Narinig niya akong kumakanta na para pa akong baliw dahil may papikit pikit pa akong nalalaman.

"Kanina kapa diyan?" Nag ipon muna ako ng lakas ng loob bago magtanong sakaniya.

"Oo." Maikli niyang sagot.

'Talaga.." Bulong ko sa sarili ko, hayst nakakahiya talaga. Lupa kainin mo na ako!

"Nagka gising nga ako dahil narinig kung kumakanta ka." Tiningnan ko siya, medyo nakangiti yung itsura niya. Hayst wrong timing naman ohh, sa dami ng estudyante dito na pupunta si Zane pa yung nandito.

"Naistorbo ba kita? Sorry." Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil medyo malayo layo ang distansya naming dalawa, pero kahit ang layo namin sa isa't isa kinakabahan pa rin ako, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi naman, ang ganda nga ng boses mo ehh." Tumayo siya at pinagpag ang damit niya. Omo! Wag mo sabihing lalapit ka dito, no!

"Pwede patabi?" Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya, hayy kainis.

"Sige." Umupo na siya sa tabi ko, kung kanina ang layo namin. Ngayon magkatabi na kami, 1 inch na nga lang ata ang pagitan namin. At yung puso ko naman nagwawala na.

"Kung kanina kapa dito, so ibig sabihin hindi ka pumasok?"

Umiling siya. "Hindi eh." So, dito pala siya tumatambay kapag nagka- cut siya.

"Bakit hindi ka pumasok? May ginawang activity kanina, sayang rin yung points dun." Nakatingin lang ako sa harap habang kinakausap siya, hindi ko kayang tingnan si Zane.

"Okay lang." Ngumiti siya at umiling. "Anong okay dun?" Curiosity kills.

"Hindi rin naman ako pasado sa subject na yun, kaya kahit anong gawin ko bagsak pa rin." Kahit kailan ang mga lalaki talaga ang bilis sumuko, hindi lang naman nila pinapahalagahan ang pag aaral.

"Hindi naman ibig sabihin na kapag bagsak ka yun na talaga yung final grades mo, malay mo pumasa pa, ikaw talaga." Tumingin ako sakaniya at ngumiti at ganun din naman yung ginawa niya.

Ngayon ko lang narealize na ang cute niyang ngumiti, iba kasi ang impact kapag ang masungit ngumiti, perfect.

"Mahilig ka sa music?"

Napatingin ako kay Zane, hindi ako sanay na siya ang unang nagtatanong sa aming dalawa. Pangalasang beses pa lang kaming nag uusap ng maayos kahit na matagal na kaming magkakasama at ngayon hindi ako sanay na ganto na kami mag usap, parang wala ng ilangan.

"Oo, kami ni papa." Sagot ko sakaniya.

"Marunong ka mag gitara?" Yun lang. "Hindi eh." Gusto kung matuto pero wala naman sakin magtuturo kaya wag na lang.

"Magkasalungat pala tayong dalawa. Marunong akong mag gitara pero hindi ako marunong kumanta." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ako naman, medyo marunong kumanta, medyo lang naman. HAHA tapos hindi ako marunong mag gitara." Tumawa kaming dalawa, hindi ko alam pero may nararamdaman ako sa tiyan ko na parang may butterfly.

Nababasa ko 'to sa libro eh, kapag kasama mo yung taong importante sayo may mararamdaman kana lang na parang butterfly sa stomach mo.

"Magaling kang kumanta Yesha."

Natigilan na lang ako sa sinabi niya lalo na yung tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Thank you."

"You're always welcome."

Yumuko na lang ako at pinipigilan ang kilig ko. Omygosh Zane ikaw ba yan? Bat ka biglang nagkaka ganyan? Aish, kinikilig ako eh tigilan mo yan please..

"Yesha.." Sambit niya.

"Bakit?"

"Pwede bang --"

Sige Zane wag mong ituloy, ayokong umasa diyan sa mga sasabihin mo..

"Pwede ba tayong --"

"Ano?"

"Pwede ba tayong lumabas mamaya?"

SERIOUSLY ZANE?

Magpapa choosy pa ba ako?

"Okay." Sagot ko.


***

HELLO! :D next update ko po ay sa Christmas! Pamasko ko na po yan sainyo. Hahaha btw hindi po ako marunong magpakilig, naisipan ko lang po itong isulat dahil nainspired ako sa "Legend of the blue sea" Okay yun lang! Advance Merry Christmas!

One of the boys (ON GOING)Where stories live. Discover now