Chapter 9

25 3 0
                                    


Yehey weekend ngayon :) pagkatapos ba naman ng weekdays na maraming nangyari may time na rin ako para makapag pahinga. Although meron kaming group activity sa English na dito namin gagawin sa bahay! Yeah. Dito mismo sa bahay! Nakakainis kasi si Brent pinilit niya pa akong dito na lang kami gumawa ng activity namin eh pwede naman sa bahay nila. But not bad, atleast hindi na ako gagastos ng pamasahe para pumunta pa sa isa sa mga bahay nila, so good idea na rin.

Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko, mahal na mahal ko 'tong hair ko kahit napapabayaan ko na siya. Pagkatapos bumaba na ako at nakita ko naman si mama na nasa sofa at kaharap ang laptop niya.

"Hi ma!" Lumapit ako sakaniya at umupo sa katabi niya. "Stress?"

"Slight." Ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa noo. Weekend naman ngayon kaya dapat mag relax muna si mama.

"Uhm ma, may tanong po ako." Tumigil muna siya sa pagpindot sa laptop niya at tiningnan ako. "Ano yun baby?" Sumandal siya sa upuan at hinihintay ang sagot ko.

"Paano po kayo nagkakilala ni papa?" Hindi ko alam kung bakit ko sakaniya 'to natanong pero ngayon na lang kami nagba- bonding ni mama eh, so I want to spend my time with her.

"Simple lang baby, mag classmate kasi kami ng papa mo since high school tapos noon tahimik lang siya and then na curious tuloy ako sakaniya kasi turn on ako sa mga boys na tahimik. So ayun, in-entertain ko siya.."

Natigilan si mama sa pagkwento at tiningnan ako ng nakakaloko. "Teka nga, bakit mo pala tinatanong baby?"

"Ayiiee. May boyfriend kana ata noh?" Pinindot ni mama ang tagiliran ko kaya napatalon na lang ako. "Wala mama ha, nagtatanong lang naman." Tumawa ako ng malakas pero hindi pa rin naniniwala si mama. Wala naman talaga akong boyfriend, si mama talaga.

"Hmmn, okay lang kung ayaw mo mag share. Pero I'm always here Yesha, don't forget I'm your mom."

"Opo ma, thanks. I love you!" Lumapit ako sakaniya at niyakap siya. Ngayon ko na naman lang naramdaman ang presence niya dahil nga busy siya sa trabaho nila pero ang swerte swerte ko dahil may magulang ako na kagaya nila.

"By the way ma, pupunta dito sina Brent. Gagawa kami ng group activity." 1:00 na, kaya baka maya maya nandito na sila. Ang usapan kasi namin quarter to two.

"Brent? Siya ba yung kaibigan mo nung elementary ka?" Tumango ako kay mama. "Hanggang ngayon mag kaibigan pa rin kayo? It's good. Gusto ko na siya uli makita."

Nag beep ang phone ko kaya tiningnan ko kung sinong nag text.

Hello Yesh! :) on the way na kami, maglinis kana okay? Haha.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, kasama ba nila si Zane?

My gosh. Inaalala ko ba siya? Malamang group mates kami kaya kasama rin siya.

Ugh. Stupid Yesha!

Umakyat muna ako sa kwarto ko at humarap uli sa salamin, tiningnan ko yung suot ko kung okay lang tapos yung buhok ko kung magulo ba. Kinuha ko yung powder tas nilagay ko sa mukha ko, duh. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, masyado na akong conscious sa sarili ko.

Bumaba na ako ng makita ko sina Brent na kaharap na si mama. Mukhang kakadating lang nila dahil malapit lang sila sa pinto.

Dug dug dug. Parang sasabog yung puso ko, tutuloy pa ba ako? Nakita ko si Zane nasa likod nila, mukhang wala siya sa sarili kaya lumapit na ako sakanila.

"Nandito na pala kayo.." Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sakanila.

"Mama siya po si Brent, si Grey, si Ryle at si Zane po. Sila po yung ka group mates ko." Tinuro ko sila isa-isa tas nag 'hi' sila kay mama. Medyo awkward nga lang dahil ngayon lang ako nagdala dito sa bahay ng apat na lalaki, at eto namang si Brent over react.

"Hello tita Ali! Naaalala niyo pa ba ako? Diba ako po yung sinasabihan niyo na pogi noon?" Nag pogi sign pa siya kaya natawa na lang si mama.

"Ikaw talaga Brent wala kang pinagbago. Oo naman naaalala kita, mas lalo ka ngang pumogi ngayon eh."

Napasuntok naman sa hangin si Brent. "Yohhoo! Thankyou tita Ali." Ang lakas talaga ng topak nitong bestfriend ko, sobrang kulit.

"Tama na yan Brent napuri kana ni mama okay? Tara na, gawa na tayong activity." Naglakad na kami at pumunta kami sa terrace, mahangin naman dito kaya okay lang.

"Ang ganda pala ng bahay niyo Yesha!" Nilibot ni Grey ang tingin niya sa bahay namin. "Mayaman pala kayo." Napangisi naman ako sa sinabi ni Grey. "Baliw, hindi kami mayaman noh."

Nilapag ko na ang manila paper sa table, katabi ko si Brent at katabi niya si Zane at sa kabila ko naman ay si Grey at Ryle.

"So ayan, ano ng gagawin natin? Kailangan kasi nating lahat na magbigay ng opinion about family kaya dapat meron tayong cooperation."

"Nakiki operate ako ha!" Tinaas ni Grey ang kamay niya tas nag pout pa. "Wala namang may nagsasabing hindi diba?" Binatukan ni Ryle si Grey kaya ayun may tensyon na naman sakanila. Tsk, tsk..

"Pogi daw ako sabi ni tita Ali kaya makiki operate ako." Ngumisi si Brent kaya inirapan ko siya. "Whatever." Masyado niyang kina- career yung kapogian niya, ew.

"Ikaw Zane makiki operate ka ba?" Lahat kami nakatingin kay Zane, naka cross arm lang siya at blank emotion yung pinapakita niya. Ewan ko ba pero parang andami niyang problema, gwapo naman siya kaya dapat wag siyang mamroblema.

Psshh. Gwapo siya okay? Oo na gwapo na siya.

"Yes."

Yun lang yung sagot niya sa amin, grabe sobrang haba nung sagot niya! Nakakatouch!

"Okay, so ayan magsimula na tayo." Nagkaroon ng unting katahimikan at nag isip muna kami kung anong pwedeng meaning ng family sa amin.

Family is a single word with many different meanings, so lahat naman pwede mong i- define pero dapat yung meaning na yun, importante talaga. Yung mismong point talaga.

"People have many ways of defining a family. Para sa akin, marami akong idea about family pero gusto ko yung unique na talaga." Tumango naman ako sa sinabi ni Ryle, matatalino naman sila eh ayaw lang nilang ipakita.

Boys will be boys.

"May naisip na ako." Tumingin naman kami kay Brent. "Family is my everything. Yun lang yung sagot ko dahil wala naman ako dito kung wala sila."

Kinuha ko yung pentouch at sinulat yun sa manila paper. "Ako rin, meron na." Sambit ni Ryle.

"Family don't end in blood. It's about who stuck by you and never left you."

Hangang hanga na talaga ako dito kay Ryle. Galing niya mag english eh.

Actually may naisip na rin ako kaya ako na ang nagsalita. "For me, family means love. Family can be your church family, friends from school and others and family has a special ring to it."

Pumalakpak naman si Grey. "Tama si Yesha! Galing mo." Natawa na lang ako sa ginawa ni Grey, childish talaga.

"Meron na kong idea. Family is always support and love you no matter what and will be there for you through the good and bad times."

Napanganga naman ako sa sinabi ni Grey. Hala siya, may tinatago rin naman pala 'tong angking talino.


"There is no perfect family."

Natigilan naman kaming lahat ng magsalita si Zane, kanina pa siya tahimik at ngayon lang siya nagsalita. Tiningnan ko siya sa mata pero wala akong nakikitang emosyon.

Ganun ba talaga kagulo ang family nila kaya ganun niya i- defined yun? Okay, wala na akong magagawa dun.

Family is a family.

One of the boys (ON GOING)Where stories live. Discover now