So for their third encounter, nag-ayos siya. He wore his white long sleeve polo with his new pair of reading glasses. Kaso natagalan siya dahil pagkadating niya sa opisina ay nandoon na si Gabrielle. He was stunned with her look. Sa sobrang tagal na hindi sila nagkita, nagulat siya na ganoon pa rin ang epekto ng dalaga sa kanya.

He took it as his second sign, though.

Sana nga lang ay hindi napansin ng dalaga ang kanyang naging reaksyon.

He was smiling all day kahit nakaalis na ito sa kanyang opisina. Hindi pa niya napigilan ang sarili at tumawag dito. Mabuti na lang at may naisip siyang idadahilan at hindi na rin ito nagtanong pa.

On the day of the shoot, paulit-ulit siyang nagnanakaw ng tingin kay Gabrielle. Alam niya kasing kinakabahan ito at hindi rin niya malapitan dahil sa dami ng aasikasuhin. Nagtama din ang kanilang mga paningin but he gave her an encouraging smiled.

He was busy on checking the list of the models when someone approached him. Nagtatalo daw ang dalaga at ang isang modelo. Dali-dali siyang lumapit kay Gabrielle para tulungan ito. Nagkaroon pala ng hindi pagkakaintindihan sa kanilang camera. Mabuti na lang at napakiusapan niya agad ang lalaki.

But that moment, there's something inside of him that wanted to protect her. He didn't want to make her sad. It was like his body automatic stayed beside her. Hindi na siya umalis sa tabi nito hanggang natapos ang shoot. Pinanuod niya itong magtrabaho at hindi napigilan ang sarili na tumitig sa dalaga.

Yohan confirmed his feelings towards her. Niyaya niya ito sa isang date. Busy siya sa araw na iyon but he wanted to gave his time to Gabie. He wanted to give this feeling a chance. He was sure that it was not just an attraction. It is deeper than that.

Nawala lahat ng katorpehan niya sa katawan nang makasama niya ito. Kahit nasa harap nila ang kanyang team at tinutukso sila, he can't fight the urge to stay beside her. Nagawa pa niyang hawakan ang kamay nito.

Like what he planned, he also enjoy their date. Dinala niya ito sa isang park matapos nilang kumain. Natuwa ang dalaga sa lugar kaya hindi ito tumigil sa pagkuha ng litrato. May litrato na rin sila na hindi wacky.

He was happy to see her smiling. Lalong tumaas ang pag-asa niya. He made a decision. He would asked for her permission to court her. Naging tradisyon na ito sa pamilya nila na manligaw muna sa babae bago pumasok sa relasyon. Gusto ng magulang niya (lalo na ang kanyang nanay) na pinaghihirapan ang puso ng babae. Kaso nang puntahan niya ito sa kanilang apartment, nasa trabaho pala ito at sa Tagaytay nagshu-shoot. Magtatagal din daw siya doon.

Nakilala niya ang mga kaibigan ni Gabrielle. Dahil pinatuloy na din naman siya sa bahay nila, nagpaalam na siya sa mga ito. Nagtaka siya kung bakit parang gulat na gulat ang dalawa sa kanyang sinabi. Inimbitahan siya na pumunta sa kaarawan ni Gabie. Huwag lang daw sabihin ng binata sa kaibigan nila para masurpresa ito. Naguguluhan man, pumayag rin siya.

Yohan waited for that day. Dumaan pa siya sa grocery store upang bumili ng isang basket ng mga prutas para sa dalaga. Naabutan niyang kinakausap ito nila Edziek at Adrienne sa telepono. And he never expected what he will hear.

Abot tainga ang ngiti niya ng salubungin niya ito. Hinintay muna niyang mabawasan ang pagkailang ng dalaga bago niya ito tanungin.

Gabrielle told him the truth that she likes him. Lalong natuwa si Yohan sa nalaman. Pakiramdam niya, kaunti na lang at hindi na siya mahihirapang pasagutin ang dalaga. But Gabrielle is worth it in treating her special so he also asked his idea about courting her. The lady blushed with his sudden confession.

After that day, he always send messages to her. Nag-iiwan pa siya ng mga regalo sa tapat ng bahay nito. Hihintaying makalabas ang dalaga at titingnan ang magiging reaksyon niya. Masaya siyang lagi nitong ipinapasok sa loob ng bahay ang mga binigay niya at nakangiti ang dalaga. Araw-araw niyang ginagawa, walang palya.

He also invited her for a date. Pumapayag naman si Gabie dahil wala pa itong bagong kliyente. Doon niya nakilala ng lubusan ang dalaga. They share their stories with each other. He also shared his.

He told her that he only had an elder brother. Isa itong CPA and their parents support them with their jobs. Humiwalay si Yohan sa pamilya niya ng magtrabaho ito sa kompanyang pinapasukan. Bukod sa gusto niyang mapalapit na lang sa pinagtatrabahuan, he also wanted to be independent as a man. Pero hindi niya nakakalimutan ang pamilya niya. He visits them twice a month.

Kaya ng makauwi siya sa kanila, agad niyang kinuwento ang dalaga sa pamilya. His parents want to meet Gabrielle. Mag-iisang taon na din siyang walang napapakilala dito. Gusto na din nilang magpakasal siya at madagdagan ang kanilang apo.

Iyon din ang balak ni Yohan pero biglang nangyari ito. Ayaw siyang kausapin ni Gabrielle. Gusto na talaga niyang makita ang dalaga.

He snapped out when the door opened. Pumasok si Jade, bagong proofreader sa kanilang team. Pinatuloy niya ito.

"Sir Custodio, here's the article na pinapa-submit niyo po sa akin ngayon. Tapos ko na pong i-proofread," sabi nito at iniabot ang folder sa kanya.

"Thanks, Jade. But please just call me Yohan. We're on the same team now kaya dapat kumportable ka na rin sa akin," he said but the girl just nod.

Ito ang pinakabata sa kanila simula ng mapunta ito sa kanilang team. She's petite at may pagkamahiyain. Inayos nito ang suot na reading glasses bago siya tanungin.

"Uh... Yohan, bakit ang lalim po yata ng iniisip niyo kanina?"

So she noticed. Ngumiti siya pero hindi umabot sa kanyang mga mata. Halata ngang malungkot ang binata.

"Just thinking of someone"

"Someone? Could it possibly be Ms. Sandoval?" Nagulat siya dahil sa tinanong nito. Ganoon na ba siya kahalata para malaman niya agad ang iniisip?

"Hindi na po kasi namin kayo nakikitang kasama siya. Last time na sinabi niyo rin pong may date kayo, isang linggo na po ang lumipas," sabi nito. Naabutan ni Jade si Gabie kaya kilala niya rin ito.

He chuckled with her reasons. "Mukhang madami ka ng alam sa team ha. Hindi ka na rin yata mailap sa akin," the girl blushed because of embarrassment. "I'm just kidding. But yes, I'm thinking about her"

"Papuntahin niyo po siya dito. Hindi ko po siya nakausap last time"

"I hope I can do that. Kaso hindi niya ako kinakausap. But after my work tonight, pupuntahan ko ulit siya"

Napangiti siya sa lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya talaga matiis si Gabie. Pero hindi niya rin hahayaang lumipas ulit ang araw na hindi ito nakakausap.

"Yohan, you're in love"

"Yeah. And I think I'm falling more"

So after his work, dali-dali siyang lumabas ng opisina at sumakay sa kanyang sasakyan. Dumaan muna siya sa isang donut house at bumili ng isang box para sa dalaga. Magbabakasakali na talaga siya.

Still, he was smiling with the fact that he really misses the lady. Naiisip pa lang niya ito, masaya na siya.

Hindi pa siya nakakalapit sa bahay nito ay may napansin siyang nakatigil na sasakyan sa harap. Kahit madilim ay parang pamilyar na sa kanya ito. Lumabas mula dito ang isang lalaki na sinundan ni Gabrielle. Napakunot ang kanyang noo kung sino ang kasama niya.

But what surprised him more is when the guy hugged Gabie before she can open the gate.

He stopped his car.

He felt a stab on his heart.

And rage starts to creep with him.

-----------

Kawawa si Yohan. (p′︵‵。)

But I hope you enjoyed reading his side of the story. Itong chapter lang po na ito ang may naka-focus sa ibang characters. So it means po balik kay Gabrielle ang next update. XD

Iniisip ko pa po kung lalagyan ko rin ng sides iyong ibang characters. Kapag kailangan na po siguro.

Hi po lesanlaine! Miss ko na po kayo. Salamat po mommy sa advice. ヽ(' ∇' )

Let Me BeWhere stories live. Discover now