Chapter 5

356 10 2
                                    

Gusto na lang maglaho ni Gabrielle.

Ang magaling niyang barkada, kinausap nga ang banda at inimbitahan pa sila. Hindi naman tumanggi ang mga ito lalo na nang malaman nilang magkakilala sila ni Zion. Hindi rin siya pinaalis ng mga kaibigan kahit ilang beses siyang nagdahilan. At ngayon, nasa iisang lamesa sila ng lalaking gusto niyang iwasan.

Pinagdugtong nila ang mga lamesa kanina para magkakasama sila. Sigurado siyang agaw-pansin sila ngayon dahil kasama nila ang banda. Nakikipagsabayan din ang mga ito sa ingay ng barkada niya. But she stayed silent while the people around her are having a nice conversation. Sumasagot lamang siya kapag tinatanong ng mga ito at tatango naman kapag sasang-ayon. Ni hindi siya makatawa sa mga biro ng mga kaibigan niya because of the idea that he is just sitting two chairs away from her.

Hindi talaga siya mapakali. Bukod sa kahihiyan na nahuli siya ni Zion na nakatingin sa kanya habang nagpe-perform, umaarte ang lalaki na parang hindi siya nakikita ngayon. Samantalang ito ang tumawag sa kanya kanina nang akmang aalis na sila.

She stole a glance from him pero agad ding nag-iwas ng tingin bago pa siya mapansin ng lalaki. Nagpapasalamat siya dahil pinapagitnaan sila ni Edziek at Frederick na mukhang nakakasundo na rin ang banda ngayon. Siya na nga lang yata ang hindi kumakausap sa mga ito.

Nakuntento na lamang siya sa pakikinig sa mga kwentuhan nila. Nalaman niya ang pangalan ng mga miyembro sa banda. Ang drummer nila na si Kael ang pinakamaingay sa apat na mabilis nilang nakasundo. Si Cyrus, bassist, ay may pagkapilosopo kaya natatawa sila kapag binabara nito ang mga kabanda niya. Ang bokalista naman nilang si Justin na ubod daw ng sungit noong nagsisimula pa lang sila pero tagasimula na ng kalokohan ngayon.

Pero iba ang inaabangan ni Gabrielle. Gusto niyang may malaman kay Zion at baka sakaling mabawasan ang inis niya sa kanya kapag naintindihan niya ang ugali nito. Kanya-kanyang kwento naman ang tatlo niyang kabanda tungkol sa lalaki. Karamihan ay tungkol sa mga nakakahiya nitong nagawa katulad nang minsang mapatid siya sa stage sa sobrang likot habang tumutugtog. At nagresulta iyon sa malakas nilang tawanan.

Great. Fans na niya ang mga kaibigan ko.

Napaka-kaswal lang ng lalaki habang sumasama sa usapan ng lahat. Tahimik pa rin ito pero ngumingiti at tumatawa siya sa mga kaibigan niya. He seems relaxed and affable. Hindi iyon inaasahan ni Gabrielle dahil laging walang emosyon sa mukha nito kapag siya ang kausap. He left an impression to her.

The mere fact that Zion is very comfortable with her friends doesn't put her at ease. Lalo lang nitong pinatunayan na ayaw nito sa kanya. And another thing that she hates, she's the only one who feels awkward with his presence. It seems unfair for her. She can't enjoy the other member's company.

Iniisip din ni Gabrielle kung nakalimutan na ba nito ang pagtatalo nila sa photoshoot. O kung nakalimutan na rin ba niya ang napag-usapang trabaho.

Bakit kasi hindi na lang siya nagpanggap na hindi niya ako nakita in the first place?

Sana ay nasa bahay na rin siya ngayon at hindi pino-problema ito. Bumabalik na naman ang pagkainis niya sa lalaki.

"Gabrielle, are you okay?" Biglang naputol ang pag-iisip niya nang tanungin siya ni Lance. They are looking at her na parang hinihintay ang sagot niya. Tumango lang ang dalaga at ngumiti.

"Yeah, I'm okay."

"Ikaw 'yung photographer sa shoot nila Zion, 'di ba?" tanong ni Justin sa kanya at lalo siyang hindi mapakali nang sa kanya na nakatuon ang atensyon ng lahat. Tumango ulit ang dalaga at pinigilan niya ang sarili na tignan ang reaksyon ni Zion.

"Magkakilala pala kayo ni Zion. Tamang-tama, magkakasundo kayo," komento naman ni Cyrus.

Gusto niyang tumikhim sa huli nitong sinabi.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon