Chapter 3

355 9 4
                                    

Napayuko si Gabrielle dahil sa tinging binibigay sa kanya ng lalaki. She can't look at him now that he proved she's wrong. She can't even respond because of embarrassment. Kung bakit naman kasi nagmatigas pa siya kanina.

"S-Sorry," sabi niya nang hindi pa rin tumitingin sa lalaki.

"Can I have it now?" Tanong nito at wala sa loob niyang ibinigay ang camera.

That's when she realized that the photos on their shoot were saved there. And it only means she doesn't have a choice.

Maglalakas-loob na siyang kausapin ito. Ayaw naman niyang ulitin ang shoot lalo na't may sinusunod silang schedule at ang iba sa mga modelo ay handa na para sa second set.

"Uhm can I..."

Humarap naman ang lalaki sa kanya nang magsalita siya. Iyon nga lang ay seryoso pa rin ang tingin nito na para bang pinipigilan niyang magalit.

Gabrielle tried her best not to stutter.

"Can I borrow your memory card? Iyan kasi ang gamit ko kanina sa shoot..."

Pakiramdam ng dalaga ay pahina ng pahina ang kanyang boses.

Hindi siya tinignan ulit ng lalaki habang nagdadahilan siya. Nasa camera na ang atensyon nito at sigurado siyang tinitignan nito ang mga litrato. Lalong kinabahan si Gabrielle nang makitang tumigil ito sa isang litrato na siya ang kumuha. Pakiramdam niya ay hinuhusgahan siya nito sa kanyang isip. Hindi niya alam kung naiinis ba ito sa kanya at gustong gumanti o hindi talaga ito nagagandahan sa mga litrato. Bigla siyang nanliit.

"Okay."

Okay? Hindi inaasahan ni Gabrielle ang sagot nito.

"Pumapayag ka?"

Tumango ito. "But you have to pay for it."

Nakahinga ng maluwag si Gabrielle. Madali naman pala kausap ang lalaki. Mabuti na lang din at babayaran niya lang ito. Sana nga lang ay hindi malaki ang singilin. Ilang buwan din siyang walang trabaho.

"I'll pay for it. How much?"

"I didn't asked for money. Madami ako niyan."

Natigilan ang dalaga. Hindi niya alam kung anong unang ipoproseso ng utak niya. The fact that he didn't want her to pay money or the way he just bragged about his rich? Nagsimula ulit siyang mainis dito.

"Then what do you want?" She didn't hide her annoyance this time.

He looked at her as if he's scanning her body. Then he nodded.

Anong iniisip ng lalaking ito?!

Kinabahan si Gabrielle at napaatras. Masama na yata ang iniisip nito sa kanya. Pinigilan niya muna ang sariling tawagan sila Yohan at Ben.

"You'll work for me." Shit.

"Work?" Ayaw niya sa tunog nito. Madami agad ang pumasok sa isip ni Gabrielle at ni isa doon ay hindi niya gusto.

As if on cue, dumating si Ben. Mukhang napansin naman nito agad ang sitwasyon at lumapit sa kanya.

"Gabrielle, may problema ba?"

Hindi sumagot ang dalaga at hinintay na magpaliwanag ang lalaki. Pero wala itong sinabi at akmang aalis na nang pigilan siya ni Gabrielle.

"A-anong klaseng trabaho ba?"

Alam niyang pagsisisihan niya ito. Pero wala siyang maisip na ibang paraan ngayon. Also, she doesn't want to cause inconvenience to everyone because of her mistake. Especially, Yohan.

Let Me BeWhere stories live. Discover now