Chapter 2

453 10 12
                                    

"So how's your day?" Tanong ni Gabrielle sa dalawang kaibigan na ngayon ay nasa kotse na. Adrienne just nodded with a long face. She didn't bothered her when Edziek answered.

"Great but exhausting." It must be because of Fred. Kaibigan din nila ito at nasa parehong pinapasukang kompanya ni Ziek. Hindi niya ito masisi. Iniisip pa lang niya ang pangungulit ni Fred, napapagod na rin siya. Pero hindi na ito bago sa kanilang magkakaibigan.

"Eh ikaw? How's your day with your Yohan?" Tanong naman nito at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti. Doon na siya nag-umpisang umirit. Hindi na niya napigilan ang sarili na kiligin. Napagsabihan pa tuloy siya ni Adrienne dahil nagmamaneho siya habang pinagtatawanan naman siya ni Edziek sa kanyang reaksyon.

Nagsimula na rin siyang magkwento. Mula sa pag-uusap nila ni Yohan, sa bago nitong glasses at pati ang paghawak ng binata sa kanyang kamay ay hindi niya pinalagpas. Detalyadong-detalyado pati ang bawat reaksyon niya sa mga kilos nito.

Nakita na ng mga kaibigan niya si Yohan, pero sa litrato lang. Nang minsan kasing ihatid siya pauwi ng binata ay wala ang mga kaibigan niya sa bahay. Hindi niya ito napakilala sa dalawa.

Wala namang problema ang dalawa niyang kaibigan kay Yohan. Basta maipakilala lang niya at masigurong mapagkakatiwalaan ito ay ayos na sa kanila. Pinagmamadali na rin kasi siya ng dalawa na mauna nang magkanobyo.

Nakatira silang tatlo sa isang apartment na kanilang nirerentahan. It was a two-storey building with three bedrooms. Naghahati-hati sila sa gastusin sa bahay kaya hindi sila nagkakaroon ng problema. Same with their car, a black Cadillac CT6. Naghati rin silang tatlo para mabili ito and they made a schedule. Gabrielle will use it during Monday and Wednesday. Adrienne is during Tuesday and Friday. While Edziek will use it during Thursday and Saturday. No one will use the car during Sunday because they have different churches to attend.

Gabrielle parked the car inside the garage and luckily, she finished her stories right on time. Ang mga kaibigan niya ang nagdala ng take outs nila para sa hapunan. As if on cue, her phone starts ringing. Napatakip siya ng bibig nang makita kung sino ang tumatawag.

"Si Yohan, tumatawag! Anong sasabihin ko?" Sabi niya habang sinusundan ang mga kaibigan sa pagpasok sa bahay.

"Sagutin mo na lang kaya," sabi naman ni Adrienne na agad din niyang sinunod. Hindi pa niya naririnig ang boses nito ay bumilis na ang tibok ng puso niya.

"Hello?"

"Hi Gabrielle," Bakit pati ang boses niya sa phone, napakagwapo?! Pinigilan niya muna ang sarili sa mga naiisip at baka masabi pa niya ito. "Sorry kung biglaan ang tawag ko."

"Ayos lang," Ayos na ayos pa nga ito para sa kanya. Nakangiti siya ngayon habang pinapanood siya ng mga kaibigan. Tumalikod siya sa mga ito bago nagtanong. "Is it something important?"

Napag-usapan na nila kanina ang tungkol sa photoshoot. He also explained the desired theme of the designer for her clothes. Nagpakita rin ito ng halimbawang mga damit na ifi-feature sa magazine. Pati location ng shoot ay nabanggit nito. Maayos na ang lahat at hindi lang talaga niya inaasahan ang pagtawag nito.

"I just want to inform you na nag-iba ang schedule at location for the shoot. Nagkaroon lang ng conflict with the client. Is it alright for you? Wala ka bang ibang sched na masasagi next week?" Tanong nito.

"It's okay. Itong photoshoot pa lang din naman ang may sched ako for this month," nang sabihin ni Gabrielle iyon ay parang narinig niyang nakahinga ng maluwag ang binata. The guy's tone suddenly changed.

"That's good to hear. I'll send you the details later," sabi ng binata. Akala niya ay tatapusin na nito ang tawag pero ilang segundo na ay hindi pa rin nito binababa. Napaisip si Gabrielle kung siya na ba ang gagawa nang bigla ulit itong nagsalita.

Let Me Beحيث تعيش القصص. اكتشف الآن