Chapter 13

159 4 2
                                    

Nakabalik agad silang tatlo sa Maynila. They only spent three days in Boracay but they still enjoyed. Tapos na ang prenuptial shoot nila pero inimbitahan siya ng dalawa sa kasal.

Of course, she would be there. Siya na rin kasi ang photographer sa mismong kasal kasama ang ibang videographers. Pero gaya ng sinabi nila, she's also invited so she should enjoy the wedding. May iba pa naman daw na photographer kaya hindi siya pagtatrabahuin ng dalawa sa reception. Bilang pambawi, tinapos na rin niya agad ang pag-eedit ng mga litrato at binigay sa kanila.

Pagkabalik niya ay agad rin siyang bumisita sa pamilya niya kinabukasan. Na-miss talaga niya ang mga magulang. Pagkadating niya ay sinalubong niya ng halik ang nanay at mahigpit na yakap sa kanyang tatay. Tanging ang kuya Peter niya lang ang nasa bahay dahil parehong seaman ang dalawa pa niyang kuya.

Pangatlo si Peter sa kanilang apat at ito ang madalas na kaasaran ni Gabie. Ang kuya James niya naman ang pinaka-clingy sa kanya. Kapag ito ang kasama niya, lagi siyang inuulanan ng halik nito na ginagantihan niya rin ng pang-aasar. At ang panganay, ang kuya Daniel niya ang pinakamalapit sa dalaga. Ito ang pinakamaalaga sa kanilang apat.

Sinamantala niya ang pagkakataon na makapag-Skype silang lahat. Nakausap niya ang dalawang nakatatandang kapatid at nangakong makakabalik sila bago mag-Pasko. Natuwa si Gabie dahil doon. Hindi man sila makapunta sa kaarawan niya, mayroon pa naman silang mahabang panahon sa Pasko.

On Sunday, they attended church together. Isa rin ito sa na-miss niya. Mas naging masaya siya pagkatapos niyon. At ngayong araw na ng kaarawan niya, nangako siya sa kanila na babalik para sumalo sa hapunan.

Nagmamaneho si Gabrielle galing sa grocery store dahil sa mga pinabili ng kaibigan niyang si Edziek para sa ihahanda. Katulad ng nakagawian, laging may salu-salo sa kaarawan nilang magbabarkada. It was requested by Edziek before that they eventually adopted. Kaya naman hangga't kasama nila ito, laging may maliit na selebrasyon. Madalas din na ito ang nagluluto para sa kanila. Humihingi ito ng tulong kay Lance.

She was in the middle of driving when her phone starts to ring. She answered it but still have her focus on the road. Mahirap na kapag naaksidente siya sa mismong kaarawan niya pa.

"Oh? Bakit?"

"Happy birthday! Nabili mo lahat?" It was Edziek. Sigurado siyang nagluluto na ito dahil sa ingay ng kawali.

"Yeah. Don't worry. Pabalik na rin ako," sagot niya at sakto namang narinig niya ang boses ni Adrienne sa kabilang linya. Naghahanap ito ng kape.

"Hey, Ziek! Naka-loudspeaker ba ito?"

"Oo. Rinig na rinig ko ang boses mo. It made me woke up," Adrienne said that made her smirked. Birthday niya pero heto pa rin ito at tinatarayan siya.

Parang hindi na ako nasanay... Sa isip ni Gabrielle. Natutuwa pa naman siya kapag naaasar ang kaibigan.

"Ikaw ba si Ziek ngayon?" She looked at her watch. "Alas nueve na pero ngayon ka lang nagising?"

"5 am ako nagising. Natulog lang ulit ako"

"Duh. Ganoon pa rin iyon!"

She heard Adrienne cursed that made her laugh. Sa kanilang tatlo, si Gabie ang pinakamalakas mang-asar. Wala ring takas ang mga kaibigan niya.

"O tama na! Ang aga-aga naglalambingan na kayo," Edziek said. Tumigil na lamang din siya nang tumahimik na rin si Adrienne. She just change their topic.

"Who's invited, by the way?" Gabie asked and she heard Adrienne cleared her throat. Pati si Edziek ay tumahimik sandali. Kumunot agad ang kanyang noo sa mga reaksyon nila.

Let Me BeWhere stories live. Discover now