Napatingin ako sa kay Nowah at Blake, mukhang nasanay na sila sa inaakto ng dalawang taong nakaposas, parang ordinaryo nalang sakanila ang mga naririnig at nasasaksihang ala-himalang kaganapan.

Pero ako . . . Hindi pa rin ako makapaniwala!

"Ice, nangangati ang ilong ko."

Katulad nyan. Biglang nagtumindigan ang mga balahibo ko sa katawan.

Nakangiwi kong tinapunan ng tingin ang dalawang nasa harap namin ngayon, mula sa pagkakayuko sa harap kong drums, nasa kalagitnaan kami ng pag-iinsayo, at ngayon ay nagbreak dahil sa mga kapritso ng isang weirdo!

Yung kanina pa yelo ng yelo ay Chizu!

Kitang kita kong paano kinuha si Ice ng sariling panyo sa bulsa NA WALANG IMIK, NA WALANG REKLAMO at WALANG INGLES NA MURA sa mga iniutos rito ni CHIZU. Mukhang kelangan kong lagyan ng emphasis ang bawat salitang gagamitin ko rito, dahil talaga namang tinatawag iyon ng sitwasyon.

Gamit ang malayang kamay na may hawak na panyo ay nasaksihan kong inalapit ni Ice iyon sa ilong ni Chizu, na syang sininghan ng huli.

"Salamat." ngiting ngiti pa ang weirdo.

Taeng pechay na mayroong mahabaging Panginoon! May himala!

Ito ba?

Ito ba ng epekto ng pagkakaposas nila ng pitong araw? Ito ba ang inaasahan ni Dos na resulta? Dahil ba lagi silang magkasama simula noon?

Dahil simula din ng araw niyon at sa bahay na ni Chizu umuuwi si Ice?

Nung araw na iyon dahil sa nakaposas silang dalawa at walang plano si Dos na alisin iyon ay sinabihan na sila ng babae na kelangan nilang magsama kahit saan, and the rest goes on and become history.

Hindi ko aakalaing sa mga unang araw ng nilang pagsasama na halos gilitin na nila ang isa't isa dahil hindi sila makatagal, pero habang lumilipas ang bawat araw, maikli man kapansin pansin namin ang mga unti unting pagbabago nila... hanggang ito.

It become full blown!

At may isa pa akong gustong malaman, sabay rin ba silang naliligo?! Pupwede!

Naramdaman ko may kung ano namang bagay sa tyan ko, mga kulisap hanggang sa animo napuno iyon at umakyat sa dibdib ko, parang... parang..

Bigla akong nakaramdam ng pagkabikig sa lalamunan, nabitawan ko ang drumsticks, napatayo rin ako at napatakbo ng banyo na nasa loob rin ng pribadong silid na iyon.

Rinig kong pagtawag sakin ng mga kasama ko roon.

"Nam, anong nangyari? Okay ka lang ba?" nasa tabe ko na si Nowah at magkasabay nilang tanong ni Chizu "May sakit ka ba?"

Napaupo naman ako sa malamig na marmol ng banyo.

Nakakapanghina pala makasaksi ng isang himala.

Napapikit ako.

Naramdaman kong may nagpupunas na ng panyo sa mukha ko dahil sa pawis roon gawa ng pagsusuka. Kayat napa angat ako ng tingin...

At mabilis kong tinabig ang kamay na yun.

Si Yelo!

Binigyan ko sya ng masamang tingin. Ang lakas ng loob!

"What the fvck?!" singhap pa nito.

Mas sumama ang tingin ko sa kanya.

A fine young lady does not curse out loud.

Lecheng pechay ka rin!

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now