SEEKING JUSTICE=(Felicia's case)part2 the surrender=FINALE

1.3K 46 1
                                    

(Seol's POV)

Naisipan kong sundan si third,,agad akong pumara ng taxi

"Miss, san tayo?!"

"Manong dalhin moko sa abandonadong compound sa orlando street paki-bilis lang po nagmamadali ako!",natatarantang sabi ko kaya agad na nyang pinatakbo ang cab.habang nasa byahe ay paulit-ulit akong umuusal ng dasal sa itaas na sana ay huwag nyang hayaang lamunin ng matinding galit si third at wag din sana nyang gawan ng hindi maganda ang katatagpuin nya,,alam kong sukdulan hanggang langit ang galit nya sa gumawa noon sa mama nya pero hindi tamang pagpatay din ang magiging kabayaran


Ng makarating ay tahimik sa paligid,hanggang bukana lamang ako dahil hindi kakasya ang sasakyan kaya nilakad ko nalang,,



Sa di-kalayuan ay nakita ko ang isang pamilyar na black porsche sports car na naka-park sa gilid,,mukang hindi na nya nakuhang i-park ito ng ayos dahil sa sobrang pagmamadali,,naglakad na ko hanggang sa makakita ako ng dalawang taong magkaharapan ngunit malayo ang agwat ng pwesto sa isa't-isa,,ang tangi ko lang nakikita ay ang isang medyo may edad ng lalaki na maraming tattoo.muka syang mabait na tao habang nakaharap sakanya ang sinusundan ko..si third



Nakatalikod si third sa pinagtataguan ko kaya hindi ko makita ang reaksyon nya pero ramdam kong nagtatangis na ang panga nya sa sobrang galit,,nakita kong saradung-sarado ang mga kamao nya na syang ikinabahala ko



"Finally nagpakita ka rin sakin,mukang sawa ka na sa pagtatago at naisipan mo ng magpakita,,bakit inuusig kana ba ng putang ina mong konsensya?let me guess..yung mga kasama mo dati sa pananarantado sa mama ko e patay ng lahat tama?fiftheen years na ang nakalipas kaya malamang patay na silang lahat at sinusunog na ang mga kaluluwa nila sa impyerno,,tignan mo nga yang sarili mo..napakatanda mo na,isang uugud-ugod na matandang hukluban,hanggang ngayon matapang ka parin at nakuhang makipagkita sakin,,bakit excited ka na bang makita si satanas?wag kang mag-alala lolo magkikita rin kayo soon,!"




"Isa lang ang nais ko kaya ako muling nagpakita sayo,,gusto ko munang humingi ng tawad,,alam kong sobra kitang nasaktan,,isa akong gangster at alam kong mali ang ginawa ko,,bago man lamang ako sumuko sa mga pulis ay nakipagkita ako sayo para humingi ng tawad,,alam ko ring lubos mong dinala ang insidenteng yun hanggang ngayon kaya ka nagkaganyan,,nabalitaan ko sa apo ko na isa ka raw gangster leader,,ang apo ko ay nag-aaral sa eskwelahang pagmamay-ari ng tito mo"




"Alam kong labis kang nasaktan at alam ko ring habang lumalaki ka ay hindi mo nakakalimutan ang ginawa namin sayo at sa mama mo,,pero totoong sincere ang pagpunta ko dito at pakikipagkita sayo para humingi ng tawad.a---




"PUTANG INA TAMA NA TANDA,,!..ano ba yang ginagawa mo?nagpaawa ka ba sakin?kahit matanda ka na wala akong pakialam..mercy is not the words that fits on you.duduraan lang kita dahil sa kahayupang ginawa ng mga kasama mo lalo ka na..at ano to?nagpapatawa ka ba?,,sige tatawa ako,,HAHAHAHAHA..bobo ka ba o ano?bakit ka pa kasi nakipagkita sakin kung pwede ka naman ng sumuko sa mga pulis?.pero sige since nandito ka na alam mong hindi na kita paaalisin ng buhay dito..baka kasi mainip si kamatayan kapag binagalan ko ang pagkitil sa buhay mo,,i'm sure magkakaroon kayo ng reunion ng mga ka-tropa mong demonyo!"..




Si third!!paano nya nasasabi ang mga ganyang bagay?.ganito na ba talaga sya kagalit sa kaharap kaya ganun narin kasama ang mga lumalabas sa bibig nito?



"Kung dyan ka sasaya at kung ito lang ang paraang pwede para malaman mong nagsisisi na ko sa ginawa ko noon sige,,patayin mo na ko!",ani lolo,.bakas na talaga ang katandaan nya at panghihina kaya naawa ako,,kahit gaano pa ka-hayop ang ginawa sakanila ng mama nya still..hindi solusyon ang pagpatay sakanya para masabing makamit ang hustisyang hinihingi nya



The Badboy And IWhere stories live. Discover now