FIRST DAY OF HER WORK

1.3K 48 0
                                    

(Seol's POV)

"Nasan ka?".tanong ni ace ng sagutin ko ang tawag nya..kasalukuyan na kong nasa taxi papunta sa bahay ng mga Valiente dahil unang araw ng tuitor ko kay Third


"Nasa puso mo nagkakape!".aniko sabay tawa,napatingin pa nga sakin si manong driver sa rearview mirror nya



"Seol pwede ba?!sagutin mo 'ko ng ayos..asan ka nga?",inis na tanong nya



"Ahm papunta lang ng mall.bibili kasi ako ng gatas para kay furry atsaka bibigyan ko narin si skylar"..pagsisinungaling ko,,ang totoo marami pa kong stock sa bahay na milk for them,ayos noh hehe talagang pinapalakas ko buto ng mga alaga ko



"What?.umuwi ka na ako nalang ang bibili ng gatas para sa alaga mong pusa,,kaylan pa nanganak si furry samantalang lalaki yun..wag mo sabihing nag-ampon ka na naman?diba sabi ko sayong wag kang masyadong nag-aalaga ng mga pusa at yung balahibo hihikain ka!".



Ayan na naman sya sa sermon nya..kaylan kaya to mauubusan ng sasabihin si ace?




"Haha ano kaba ace?hindi ako nag-ampon ng panibago at mas lalong hindi nga nanganak si furry..iisa ko lang syang pet,,si skylar kapatid ni vina yun yung bestfriend kong luka-luka.."



I hear his heavy sigh.."Samahan mo ko.umuwi ka na mag-u-u-turn nalang ako papunta sa bahay mo--



"Wag na,,bukas pa ko free e sige na narito na ko sa mall,bye ace take care"



"What?you're unbelievable seo--*TOOT~~ TOOOT~~TOOT*




Whoa save na..tototohanin kasi talaga nyang si Ace ang pagpunta sa bahay ko..e may trabaho ako ngayon at hindi nya alam,panigurado kapag nalaman nya papatigilin nya ko dahil ayaw daw nyang magpa-part time job ako at dapat aral daw muna para hindi ako mapagod..naiintindihan ko naman ang pag-aalala nya pero nakalimutan nya ata na isang dakilang pasaway na si seol ang pinapagalitan nya



"Ms,ganda nandito na po tayo sa Valiente residence!"..masiglang sabi ni manong driver at ng makabayad ay bumaba na ko at humarap sa gate,,this is it,,this is really is it.*inhale*exhale*



Nagdoorbell ako at tumambad sakin ang isang katulong na nakangiti



"Ikaw ba yung bagong tuitor ni third?!"



"Ah opo,napaaga po ba ko?naabala ko po ba kayo?pasensya--




"Aynaku iha,,ayos lang yun ako pala si minda ang mayordoma,halika at mainit na dito sa labas,,ipagtitimpla muna kita ng kape at tulog pa kasi yung tuturuan mo,,okay lang ba na maghintay ka sandali hanggang sa magising sya?!" hyper na sabi aling minda.sunud-sunod akong tumango habang nakangiti




Hindi pa man ako nakakahakbang papasok sa pintuan ay narinig ko na ang isang napakalakas na sigaw at mura,-_-




"Ilang ulit ko bang dapat ipaalala sainyong hindi ako kumakain ng carrots?,,nasan ba mga utak nyo ha?nasa talampakan?ginagago nyo ata ako e..!"



"Sir sabi po kasi ng daddy nyo i-serve daw namin ngayon na breakfast nyo may carrot--



"PUKINANG INA..E ALAM NYO NAMANG ALLERGIC AKO SA CARROTS DIBA?.MAGSILAYAS NGA KAYO SA PAGMUMUKA KO AT BAKA UMAGANG-UMAGA MAKASAKIT AKO NG BOBONG UTUSAN!"




"Oh Third bakit ke-aga-aga naka-megaphone na naman 'yang boses mo sa lakas?".tanong ni aling minda.naka-sunod lang ako sa likuran nya at nakita ko na agad ang naka-sando at pajamang si third habang magulo pa ang dilaw nyang buhok.,napabungisngis tuloy ako dahil hindi ko akalaing ang badboy e parang bata ngayon sa ayos nya..yun nga lang nakakasilaw parin yung mga hikaw sa tenga nya..gangster kasi e



"Yaya naman kasi..tatanga-tanga 'yang mga maids na yan..alam namang ayoko ng may carrots sa pagkain ko tapos me--




"HOLY SHIT,,WHAT IS SHE DOING HERE?BAKIT MAY IPIS NA NAKAPASOK DITO SA BAHAY?!"..turo nya sakin habang nanlalaki ang mga mata,tinatakpan tuloy namin ni aling minda yung tenga namin,palikero talaga 'tong lalaking to




"Third yung boses mo,,maaga akong mabibingi sa kakasigaw mo e..sya si Seol Palensya..yung daddy mo ang nag-hire sakanya as your tuitor.daddy mo rin ang magpapasahod sakanya kaya hindi mo sya pwedeng palayasin,mamaya may session na kayo since sabado ngayon".



Lumapit si third,,nagulat ako ng ilapit nya ang muka sa muka ko,,ang gwapo talaga sa malapitan >//////<



"Tuitor?ikaw?.ibig sabihin lagi kang nandito sa bahay?",maang na tanong nya kaya tumango ako ulit habang nakangiti sakanya..napahilamos sya ng muka


"Aling sellia.!"



"Bakit sir?"


"Itong pera pumunta ka sa pinakamalapit na mall at ibili ako ng dalawang bote ng alcohol alam mo na yung brand ng gamit ko ayoko ng iba,,bumili ka rin ng tatlong spray bottled ng pesticide.!".bilin nya sa katulong na tinawag at binigyan ng sampung libo kaya umalis agad yung inutusan



"Tss arte!",bulong ko



"Oh iho aanhin mo ang pesticide bakit ang dami mo naman atang pinabili?wala naman tayong mga insekto dito sa bahay?!".takang tanong ni aling minda pero bubuka palang ang bibig nya ay inunahan ko na,,alam ko namang puro mura lang ang lalabas sa bibig nyan



"Ako po ang gagamitan nya nun manang..muka raw po kasi akong ipis e.!"



umupo na ko at nilapag ang mga dalang puro makakapal na libro,



"Ipagtitimpla kita ng kape ha Seol,,nag-almusal ka na ba?gusto mo sabayan mo na yung mag-am---




"WHAT?'YANG TAONG 'YAN ISASABAY SAKIN?!".malakas na bulyaw ni third pero hindi ko sya pinansin



"Wag na ho,,kape nalang po sakin,ayaw po kasi ng tuturuan ko na may kasabay na ipis sa pagkain,at dun nalang po ako sa kwarto ni third maghihintay hanggang sa matapos syang kumai---



"HOY BABAE HINDI AKO NAGPAPAPASOK NG KAHIT NA SINO SA KWARTO KO,,SUBUKAN MO LANG PUMASOK DOON AT BIBIGWASAN KO 'YANG PAGMUMUKA MONG MUKANG IPIS!"..galit na sabi nya




Dapat na ata akong masanay sa ganyang lumalabas sa bunganga nya.kahit masakit masasanay din ako




Naghintay nalang ako bandang huli sa sala,,binuksan ni aling minda yung tv para raw hindi ako mabagot,,nasa kalagitnaan ako ng magandang korean drama ng biglang namatay,,nangunot ang noo ko hanggang sa makita ang nakahalukipkip na si third habang nakataas ang isang kilay,kita kong nasa kamay nya yung remote



"Ang bastos mo,,hindi mo ba nakikitang nanonood ako!",asik ko sakanya.sa trabaho kahit mahal ko pa ang lalaking tuturuan ko still ipinangako ko kay mr,stefan na hindi ko ihahalo ang damdamin sa trabaho..as his tuitor kaylangan strict ako at masungit




"At hindi mo rin ba alam na nandito ka sa pamamahay ko!?.hoy babaing mukang ipis kung inaakala mong magtatagal ka as my tuitor pwes nagkakamali ka!.hindi ba nya nabanggit sayo na halos daan na ang naging tuitor ko?at gaya sa madaliang pagpapalit ko ng babae kada-araw ganun din ang nangyayari sa mga nagturo sakin!"



Huminga ako ng malalim..relax Seol kaya mo yan



Pansin kong naka-leather jacket syang itim at ripped jeans..nakaayos din ang dilaw nyang buhok



"Teka--may lakad ka ba?hoy may lessons tayo ngayon baka nakakalimutan mo..hindi ka pwedeng umali--



"Pwede ba tumigil ka na sa kakasalita mo na parang nanay ko dahil nakakairita na 'yang putang inang bunganga mo.aalis ako kung kaylan ko gusto at wala ka ng pakialam,,itigil mo na 'yang pagkapakialamera mo at magpanggap na nagmamalasakit ka dahil sa totoo lang nakakasuka..kung gusto mo talaga kong turuan e di maghintay ka kung kaylan ako uuwi,,tignan ko lang kung hindi ka pa mag-resign bukas na bukas din!"..pokerface nyang sabi saka na kinuha ang susi ng kanyang kotse at walang lingon na lumabas ng pintuan




Sinilip ko sya sa bintana at nakitang umalis na ang kotse nya,napaupo nalang ako sa tindi ng panghihina ng tuhod

The Badboy And IOnde histórias criam vida. Descubra agora