THE BADBOY'S BIRTHDAY

1.3K 46 1
                                    


(Seol's POV)

Kriiiingg~~~*kriiiiiiinggg~~~*

Masaya akong bumangon sa aking kama saka nag-unat ng mga braso,,nilibot ko muna ng tingin ang aking paligid tapos nun pinatay ko na yung aking alarm clock



Agad akong kumuha ng tuwalya pati na pang-alis na damit saka na nagtungo sa banyo upang maligo,ng matapos ay binilisan ko ang pagkain ng almusal,sandaling nilinis ang kwarto,chineck ang mga librong dadalhin saka ang laman ng bag pagkatapos nun e lumarga na ko




"Hayy!excited na kooo~"pakanta-kanta kong bigkas habang sinasayaw ang paa sa paglalakad,,alam nyo ba kung saan ako papunta!?,secret mamaya malalaman nyo rin



Sumakay ako ng taxi at sinabi ang aking destinasyon,,ng makarating ay muli akong nasa tapat ng malaking gate,,parang yung pakiramdam ng una akong pumunta e ganun din ang pakiramdam ko ngayon.napabuntong hininga muna ko saka nagdoorbell




"SEOOLLLL!",sigaw ni manang minda habang patakbong pumunta sa gate para pagbuksan ako,,tama kayo folks babalik na ko sa pagiging tuitor ni thirdy boy



"Hi manang,,kamusta naman po ang tatlong araw kong pagkawala?baka dinamdam nyo ah!",biro ko pero yakap ang tugon nya habang himas-himas ang maikli kong buhok




"Oo naman,ikaw na bata ka kala ko hindi ka na babalik dito e..magtatampo talaga ko sayo,pero sya halika na sa loob at siguradong matutuwa ang iba pang katulong kapag nakita ka ulit nila pati na ni sir,stefan!".pumapalakpak pang sabi nya




"Nandito po si sir?wala ba syang pasok sa opisina?!".



"Wala,,lumiban sya kasi kaarawan ngayon ng nag-iisa nyang anak kaya gusto nyang samahan ito maghapon kahit pa ayaw ni third na nandito sya".may himig na hinayang sa boses ni manang,alam kong malulungkot na naman kami kaya agad ko na syang inakbayan at nangingiting hinila papasok sa loob,,baka kasi saan pa mapunta yung usapan e




Pagbungad ko e mga nakangiti na yung mga maids kaya natuwa ako..atleast mga maids welcome ako pero yung tinuturuan ko ayaw sakin,,hmfp!!


Isa-isa nila kong niyakap,,natawa pa nga ko at sinabing parang ilang taon akong nawala kahit ang totoo tatlong araw lang naman,,naghahanda na sila ng spaghettie,pancit for long life(kahit di na sila maghanda nyan kasi hahaba naman buhay ni third,masamang damo e..LOL!) At marami pa,nagpa-deliver nga raw ng ube cake si sir,stefan,favorite daw ni third yung ube cake e




Nasa kwarto pa raw si third kaya kusa na kong umakyat gaya ng lagi,,pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko syang nakaupo sa swivel chair nya habang naninigarilyo,nakatingin sya sa glasswindow na ngayon ay bukas na..seryosong-seryoso yung muka nya na parang may malalim na iniisip,,nilapag ko ang mga dala sa paanan ng kama saka umupo sa sahig katabi ng upuan nya




"Ang ganda talaga ng view dito noh?!,ang swerte mo kasi maganda ang lokasyon ng kwarto mo!",pagbasag ko sa katahimikan..naririnig ko lang ang paghithit buga nya sa yosi,,nag-cross legs sya pero hindi manlang ako tinapunan ng tingin



"Bumalik ka pa pala?,kahit anong gawin mo hindi ako mag-aaksaya ng oras sa klase mo ipis--



"Tss ano ka ba?!wala naman tayong klase ngayon.isa itong special day para sayo at sakin kaya hindi muna kita tuturuan ngayon,,magsasaya tayong dalawa!".nakangiting sabi ko dahilan para mapatingin sya sakin ng nakakunot noo


"Nung pinagsasabi mong ipis ka?!"



"Aish pwede ba third itapon mo muna yang pagiging masungit mo sakin kahit ngayon lang please?!.ibang araw ito noh!",sabi ko sabay tayo sa upuan,,pumunta ako sa dresser nya at naghanap ng magandang susuotin nya..napangiwi ako ng halos puro leather jacket na itim at brown ang naroon,,mga tshirt at yung nasa ibaba e puro rubbershes na mukang mamahalin at combat boots..may mga lalagyan din syang gawa sa glass para sa mga cap nya..



The Badboy And IWhere stories live. Discover now