CURIOUS VINA

1.1K 44 0
                                    

(Vina's POV)

"Huy ilang degree na yang hinahaba ng leeg mo,daig mo pa giraffe e,sino ba kasing hinihintay mong dumaan dito sa hallway?si Fafa ace ba?!"



Napatingin ako sa katabi kong si dianne na kanina pa nandito sa tabi ko,kaklase ko tong babaing to at wala rin akong ideya kung bakit sya nandito ng ganito kaaga,,bakit?para bwisitin ako?no thanks nalang nag-abala pa sya.*insert sarcasm here*



At gaya ko,,isa rin sya sa mga avid fan at kaagaw ko kay myloves na captain ng Archer..sino pa ba mga papsi ang my one and only Ace,simula pa lang ng una kong pasok sa university na to at nakita ko si ace ay nabighani na ko sa taglay nyang kagwapuhan at kakisigan,,actually mga mars may history ng unang pagkikita namin dahilan para mahulog ako ng husto sakanya..unang beses na kinausap nya ko,nahawakan nya ang balat ko,at ang una nyang ngiting iginawad sakin na syang nagpabilis ng tibok ng aking pulso,char!!




Pero later na yan mga mars.sa ngayon hinihintay ko syang dumaan para sabay kami,,kung hindi nyo naitatanong isa akong babaing makapal ang muka,ako na nga ang nanliligaw kay ace myloves,,minsan kasi mga girls kaylangan tayong mga babae ang kikilos at wag lang natin iaasa sa boys..if you know what i mean beybi..




Sandali kong sinungaw ang ulo sa loob ng room namin since katabi ko lang e sumilip ako sa bandang dulo,,may wallclock kasi dun at dun ako laging tumitingin and syempre alam ko ang oras ng pagdaan ng myloves ko dito



Pamaya't-maya akong hinahampas ni dianne,problema ng baliw na to?
Paulit-ulit ko ring tinatapik ang kamay nya pero hinihila naman nya ngayon ang laylayan ng palda ko.leche!!



"Ano ba dianne baka mahubaran ako sa ginagawa mo,,!!malalaglag pant---WAHH LAGLAG NA NGA PANTY KO!".sigaw ko dahil namataan kong palapit na si ace myloves sa pwesto namin.mabagal lang ang paglalakad nya habang nakayuko at may binabasang folders,seryoso ang muka nya na nakakunot noo pero sheeeett ang gwapo talaga nya




Nagtutulakan kaming dalawa ni dianne dahil maging sya ay nalunok narin ang dila,,hula ko lumuwag na garter ng panty nito.




Nakalagpas na sya samin pero kami ni dianne kapwa tulala.grabe ang layo na nya pero yung scent ng pabango nya nanunuot parin sa ilong ko.mukang mamahalin ang cologne nya mga beshie



Iniwan ko si dianne at hinabol si ace myloves,,buti at naabutan ko sya kaya sinabayan ko ito sa paglalakad.mukang hindi pa nya pansin ang presensya ko dahil patuloy lang sya sa pagbabasa sa folders na hawak.




"Hi ace.saan ka pupunta?pwede bang sumama sayo,kahit saan basta sasama ako sayo!",ngiting asong sabi ko sakanya,mukang napansin na nya ko dahil huminto sya at tuluyang napatingin sa maganda kong muka.nakangiti sya pero nawala rin yun agad ng mapatingin sa muka ko.



"Akala ko si Seol..diba ikaw si vina?if i'm not mistaken kaibigan ka nya?",alanganing tanong nya habang nakakunot parin ang noo..waahhh ayoko na mga friends bibigay na tuhod ko.kayo kaya titigan ng ganyan at kausapin ng crush nyong napakagwapo ewan ko lang kung hindi rin kayo magaya sakin



So kaya pala sya ngumiti kanina kasi napagkamalan nya kong si Seol?



"Oo ako nga si vina,,buti at natatandaan mo pa pangalan ko.ang swerte ko naman!",sabi ko na pabulong sa huli dahil syempre tanda nya pa name ko.perks of being Seol's friend nga naman




"Ace sinabi kasi sakin ni seol na wag na raw kitang pormahan kasi may iba ka na raw babaing nagugustuhan at sabi nya mukang inlove ka talaga dun sa girl.tanong lang kasi curious ako..sino ba yung babaing yun?maganda ba sya?mabait?",





The Badboy And Iحيث تعيش القصص. اكتشف الآن