HIS SUDDEN MOOD

1.2K 51 1
                                    

(Seol's POV)

Nagpaalam ako kay idna na uuwi na dahil umalis na si third,,nung una ayaw pa nila kong paalisin tapos may mga nagre-request pa nga sa audience na kumanta ako ng ganito-ganyan,,may nag-request pa nga ng my way e (ayoko pa kayang mamatay LOL) pero sinabi kong kaylangan ko naring umalis kaya pumayag din sila bandang huli pero nangako akong dadalaw muli dyan sa Hustler Bar




Nilibot ko ng tingin ang buong labas,,may mga kakaunti nalang na nagdadaang taxi,,sa di-kalayuan may simbahan na madalas din naming puntahan noon ni papa kapag tapos namin mag-happy happy galing sa paglilibang sa bar,,wala si third






Napagdesisyunan ko nalang na bumalik sa bahay ng mga Valiente since gabi na.habang nasa cab ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa mga nangyari kanina,,yung pag-blow ni third sa candles nya,,ang saglit na pagsilay ng ngisi sa labi nya ng matitigan ang ube cake na may dedication..ang uncomfortable feeling nya kapag kasama ako







"Mukang maganda ang nangyari sayo iha,,ang ganda ng ngiti mo e!",biglang singit ni manong driver kaya napatingin ako sakanya gamit ang rareview mirror,nakangiti din sya saakin kaya napahawak ako sa magkabilang pisngi






"Talaga manong halata mo?,kasi meron akong friend na mukang napasaya ngayong araw sa kaarawan nya!".sagot ko





"E lahat naman ng tao masaya kapag dumadating ang espesyal na kaarawan satin diba?isang beses lang sa isang taon ang birthay natin kaya dapat masaya lang"







"Yun na nga manong e,,iba yung kaibigan ko na yun,,may pangit at madilim syang nakaraan nung bata pa sya at hanggang ngayon dala-dala nya parin yun to the point na kahit kaarawan nya kinasusuklaman nya,,ayaw nya rin sa pasko at galit sya sa panginoon na lubos kong kinalulungkot,kung may magagawa lang sana ako para kunin ang kalahati ng kalungkutan nya matagal ko ng kinuha"..shit napaiyak tuloy ako kapag naaalala si third,naaawa ako na nasasaktan din






"Iha dapat sa mga ganyang pangyayari damayan mo ang kaibigan mo,,wag mo syang iiwan at iparamdam mo sakanyang may saysay ang buhay natin,iparamdam mo sakanyang sa bawat araw ay may pag-asa at magandang plano satin ang diyos..manatili lamang tayong manalig sakanya siguradong hindi nya tayo pababayaan.at iha maging malakas ka para sakanya,kung may pangit man syang nakaraan,,ipalimot mo yun sakanya..siguro ikaw ang magiging instrumento ng diyos para maisaayos ang kaibigan mong yun,basta payo ko lang iha wag mo syang iiwan at kahit magalit man sya sayo dahil sa pakikialam mo sa pribadong buhay nya ay wag kang susuko..tignan mo balang araw magbabago ang tingin nya sa buhay,malay din natin maging isa ng mabuting tao ang kaibigan mo,napaiyak ka at isa lang ang ibig nyan sabihin--mahalaga sayo ang kaibigan mo"






Napangiti ako habang may luha parin sa mga mata pero sa kabilang banda nakaramdam ako ng pag-gaan ng loob,




"Tama po kayo manong,,salamat po talaga sa mga sinabi nyo mas na-motivate pa akong palakasin ang loob nya at ibalik sya sa isang mabait at mabuting lalaki"






"Lalaki?gwapo ba iha!?"nagulat ako sa pilyong tanong ni manong kaya napangiti ako at parang namula ang magkabilang pisngi





"Sobra manong,sa katunayan tuitor nya rin ako.at talaga namang napakasungit nya,palamura,palikero, pero kahit ganun alam ko naman pong may kabutihan parin sa puso nya"






"Haha,,baka naman kayo pa ang magkatuluyan nyang kaibigan mo,kung hindi mo naitatanong yung bunso kong dalaga e nagkaasawa na sya ng isang engineer na dati nyang bestfriend,,may mga pagkakataong hindi naging maganda ang kanilang pagsasama at may mga away pero natural lang naman yan sa magkarelasyon at hindi yun nawawala pero kahit ganun mas nagtibay sila at meron ng dalawang kambal na anak..wala na kong pinapag-aral dahil halos tatlong anak ko e gradweyted na sa kolehiyo e nanatili parin akong nagta-taxi driver dahil pangit naman kung tengga ako sa bahay..iha may mga pasahero narin akong naka-engkwentro na gaya mo karamihan problema e pag-ibig,,pero nabibigyan ko sila ng payo at sinusunod nila at ang siste---maganda ang naidudulot nito sakanila"






The Badboy And IWhere stories live. Discover now