(For visuals.)

Onti nalang at matatapos na dahil yung stage set up at stairs arrangements nalang ang gagawin ng staff. Within three days na ang debut nya.

Second day na to at nagpumilit sumama si Marvin sakin kaya naman sinama ko ulit sya.

"Kailan pala ang debut mo Khate.?" Marvin turned to me.

"Next month pa. Nauna lang sakin si Eunice pero same day lang kami pinanganak. Ang Galing no? Meant to be na talaga kami ni Bhest"

Napangiti naman sya. I want Marvin to be my 18th roses. Gusto ko rin syang maging escort sa debut ko pero mukhang imposible.

"Siguro one of the best day na siguro ni Eunice yung debut nya no?"

"I hope so." Nagbuntong hininga ako. Yes it will be the best day ever of my Bestfriend but the next day Im sure it will be a complete chaos.

"Eto naman, para namang sinasabi mo may mangyayaring di kanais nais kay Eunice pagkatapos ng Debut nya." Inosenteng sagot nya.

Napangiti ako. "Meron nga. For sure nakahanda na yung body guard ni Eunice. Lagi na syang kasama ni Ace and for sure she will be guarded over night."

I sighed in my thoughts. It means everytime na maghahangout kami lagi na syang may bantay.

"This place is a magical place, and for sure. Eunice will be super happy."

Halos tapos na nga ang lahat. At ang gown nya ang pinakamaganda. Its been made by the famous designer in Italy.

"Khate, what if i fall for you?"

Out of the blue napatingin ako sakanya.

"Ah-ahm..."

Nastutter ako. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Nabigla ako ghadd!! Wanjo naman bat ampogi nya. Nakatingin sya sa mga taong nagaayos ng mga garments sa stairs habang hinihintay yung response ko.

Ako, nakatingin lang sakanya habang hinahanap ang mga salitang gusto kong sabihin.

"I-I dont know. Are you falling for me ?"

Napatingin sya sakin habang nakangiti

"What if nga eh." He said and pinch my cheeks.

"I dont know what should I feel. Siguro ako na yung pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa mundo." I said with full of admiration in my eyes.

"Tara kain na tayo."

At hinila na nya ako papunta sa kotse nya. Nasa Laguna parin naman kami at masasarap ang mga pagkain dito.

Pero mas yumanig sa pagiisip ko yung mga sinabi sakin ni Marvin. Will it come true ? What if everything goes wrong...

"I think im inlove with you..."

Eunice's POV

"Charlieee!!!!!"

Napatingin ako kay Ace ng bigla nya akong tinawag.

"Galit kaba sa pangalan ko?" Tanong ko sakanya.

"Aish! Bat nandito ka ? Dapat nagpapahinga kana diba. Bakit ang kulit mo! At hindi ka nakikinig sakin!"

Andito kasi ako sa kusina at nagbabake. Dahil uuwi na sila mama maya maya. Wala rin si manang dahil umuwi sya sa kanila dahil may problema.

"I just want to bake a simple brownie para kala mama. Eh ikaw? Bakit di ka pa bihis. Susunduin mo pa sila ah."

"They can do it in their own. May mga guards naman silang kasama and their going straight in the mansion first bago sila dumeretso dito." Sabi nito at lumapit sakin

"Tulungan na kita."

Sya na naglagay ng mga brownies sa loob ng oven at nagset ng time. At ako naman ay nagligpit na ng kalat.

Hindi nagtagal ay nagluto narin kami ng iba pang putahe.

"Ace, tikman mo nga.." Sabi ko at pinatikim sakanya ang niluto kong adobo, favorite kasi yun ni Daddy ko.

"Hmm. It taste good. Okay nayan."

Tumango tango nalang ako at inihanda na ang mga pagkain. I cooked Adobo and Tinola. While Ace on the other hand cooked Caldereta and isang italian dish. Pagkasi umuuwi sila mama dito sa pilipinas gusto nila na ang laging handa sa hapag ay filipino dish kaya puro filipino dish ang niluto ko. Ewan ko ba kung bakit nagluto si Ace ng isang italian dish.

"Ayan tapo---"

*dingdong*

"Andyan na ata sila." Sabi ni Ace at dali daling pumunta sa maindoor at syempre nakasunod ako.

"Goodevening po." Nakangiting bati ko sakanila.

"Babyyyy!!!!"sigaw ni Mommy at Agad akong niyakap.

"Mommy naman parang nung nakaraan lang nagkita tayo miss mo na ako agad. " biro ko sakanya.

"Ano ka ba? Nagaalala ako dahil sa nangyari sayo. Okay kana ba baby?" Sabi nito at chinecheck ako.

"Honey, Tingin mo ba makikita mong nakatayo at humihinga at anak mo dyan kung hindi yan okay?" Sarcastic na sabi ni Daddy.

"Ayy nako. Kumain na nga tayo at naamoy ko na ang mga niluto ng magasawang ito." Pahayag ni Dad.

Nagpunta kami sa dining Area ag nagusap usap tungkol sa nangyari sakin at mga nangyari kala mama In their business.

"Since na dito na tayo. Why not talk about the upcoming debut of Eunice." Suggestion ni Dad.

"Yeah, I highly agree about that." Sabi naman ni Ace.

"Anyway, Angelo your contract is now out of the way. I want you to start handling our company here after ng debut ni Eunice." Daddy talked to Ace.

"Yes daddy, yung nga po yung plano."- Ace.

And ayos na lahat lahat para sa darating na event. This might blow the business world and your personal life. Gusto ko lang sabihin na kailangan nyo na ng onting pagiingat dahil iaannounce na sa publiko ang magaganap na engrandeng kasalan ninyong dalawa." Mom explained.

"I was thinking po sana na magbigay tayo ng 2 months preparation para po sakaling humupa yung nakakabiglang announcement about kay Eunice. And kahit papaano ay umonti ang gulo sa personal Life namin Dad."- Ace.

"Oo nga po, lalo na po na sa sarili kong kaligtasan." Dagdag ko.

"Dont worry ija, all things are undercontrol. Pili ang mga taong pupunta sa iyong debut. At sainyong kasal. Hindi namin kayo papabayaan syempre basta lagi nyo lang tandaan na kahit anong mangyari ay dapat magkasama kayo. Dahil kung isa lang ang lalaban sainyo, baka mabaliwala lang ang paghihirap namin."

Nagkatinginan kami ni Ace. Ngumiti sya sakin, a sign that he says na hindi nya ako pababayaan.

"Angelo, I'll see tomorrow morning okay." Huling pasabi ni Daddy at umalis na sila.

Hinawakan ni Ace ang kamay ko at tsaka nagwave kala mama paalis ng bahay.

"Pumasok na tayo, malamig pa naman ngayon." Sabi ko sakanya.

"Tara painit tayo." Napatigil ako sakanya at tumingin sakanya. Isang mapaglarong ngisi ang nakita ko sakanya.

"Nakakatakot ka. Anong painit ka dyan! Magpainit ka magisa mo. May maligamgam na tubig dun!" Sabi at sabay takbo sa Loob ng bahay ngunit rinig ko paden ang halakhak nya.

ARRGHH! Ano bang iniisip ko!!! Ang dumi dumi.

*****

A/N;

Dont forget to vote😊 and comment. Follow me for more updates.

Edited.

Secretly Married to A HeartthrobWhere stories live. Discover now