ELEVEN**

7.9K 244 0
                                    

Eunice's POV

One week na ang nakakaraan ng alagaan ako ni Ace. Nang ikwento ko to kay Khate halos bugbugin na nya ako sa kilig.

"Best, ano nga pala yung mga kakantahin mo sa contest 2weeks nalang ah!" Biglang napatanong sya

Actually wala pa akong kakantahin e. I was so busy and occupied kaya di ko na masyado naisip yun.

"Hindi ko alam. Request ka naman oh." Sabi ko sakanya.

Kinuha niya ang Iphone niya at nilagay sakin ang isang earphone at isa sakanya.

"Pakinggan mo to."

At plinay nya ang kanta, Stay by daryl Ong. I was contemplating throughly while listening to the song.

"Gusto ko to best isa pa!" Sabi ko pa sakanya.

"Alam ko na, yung isa Uncover nalang at yung last Sad song ano? Ayus ba?" Request niya.

"Oo okay na yan mag papractice nalang ako."

Di nagtagal dumating na ang teacher namin.

"Good Morning class. Im going to assign two partners for your written report. Thats going to end when the Talent show end the next day. So I made a list of the partners;
...
Linsay-Arvii
Ace-Eunice
Karly-Janus
Khate-Marvin

So thats our partners"

Napatingin ako kay Ace. Shete ang sama ng tingin ni Karly. Si Marvin at Karly nag apir. Bestfriends na daw kasi sila. Friendzone naman tong isa.

"Our topic is about Love kaya girl by boy ang partners. It will rather your choice. A couple love, a love for you family, or friends. Basta hindi lang para sa mga couple. Kailangan ay iexplain nyo kung ano ang mga effects and cause ng Love, the side effects of being hurt and the feeling of being inlove thats all class dismiss."

Pagkalabas ni Mam ay nagpuntahan yung mga kapartner nila nag usap narin sila Khate at Marvin. tas ako? Eto nakatunganga hindi nag abalang lapitan si Ace kahit na kasama na ni Karly yung partner nya.

Pumasok na ang next teacher at hindi man lang kami nagusap. I don't mind.

"Good Morning Class."

"Good Morning Mam."

Nakaramdam ako nang onting inis kay Karly. Siguro sya yung dahilan kung bakit di ako nilapitan ni Ace. She was holding his elbow for crying out loud.

"So class magkakaroon ng onting changes sa Sing Offs kaya Eunice mag usap tayo mamayang Dismissal."

"Yes Mam."

Ano nanaman kaya yun? Di pa nga ako nakakapag practice may mga changes agad. Hindi ko pala ito napaghandaan nang maayos.

"Eunice alam mo na ba kung sino sino ang mga judges?" Pabulong na tanong ni Khate.

"Hindi naman ako interesado."

Napaismid naman sya kaya tumingin ako sakanya.

"Tanga talaga neto bahala ka nga basta ako papasok ako ng showbiz. Sabagay di ka naman interesado for sure naman pasok ako."

Parang automatic yung kamay ko at nabatukan ko si Khate.

"Aray! Ano ba!"

Ngumiti lang ako sakanya at pigil na tumawa. Nang dismissal na ay pumunta ako ng Faculty at nakitang naghihintay doon ang Prof.

"So Miss Williams, magkakaroon nga tayo ng pagbabago. That is yung sa isang kanta dapat dedicated mo yun sa isang taong mahalaga sayo. Okay ba yun?" Pagpapaliwanag nya.

Secretly Married to A HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon