**THREE

9.7K 330 1
                                    

Eunice's POV

Huh?

"Anong problema mo? Nakikipagkaibigan lang naman sya ahh?"

Nakatitig lang ako sakanya. Pero agad nagsalubong ang kanyang mga kilay. Umiwas siya bigla nang tingin sakin.

"Alam mong may namumuong tensyon sa pagitan ng corporation namin diba. Ayaw kong lumalapit ka sakanya. Tsaka playboy yun. Manloloko." Sabi ni Ace.

Naguguluhan ako. So? What's the difference? Ganon din naman ikaw? Char. Di nga seryoso wala namang masamang intensyon ang pakikipagkaibigan ni Marvin sakin. Naginit bigla ang ulo ko.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Ayoko siyang layuan. Kaibigan ko sya, stop acting stupid like that!" Sigaw ko din sakanya.

Tiningnan nya ako ng masama at tiningnan ko rin sya ng masama.
Tsk! Nagaaway na kami sa lagay na to. Pramis!

Ugh! Nakakaasar sya! Bat ba ayaw nya kay Marvin. Porke ba magkalaban ang Corporation nila! Whats wrong with that? Hindi naman sya yung niyaya makipag kaibigan e. Ako hindi sya.

"You're  acting stupid! Im just protecting you from that guy!" He shouted in front of me.

"Protecting?! What a word Angelo! Do you really protect me. Alam mo pala yung word na yun? Bakit sa ganitong paraan?! Ha? Bakit?!" Now namumuo na ang luha sa mata ko.

For the first time, pinagawayan namin ang tungkol sa pagprotekta nya sakin. Which clearly di ko naman ramdam.

"So this is all about me now? Will you stop acting like a kid! Lagi kong pinaparamdam na prinoprotektahan kita? Alam mo ba yun? O sadyang manhid ka lang at hindi mo nararamdaman yun?"

Anong mga pinagsasabi nito? Now Im questioning myself. Hindi ako manhid, I know myself.

"Hindi ako manhid ! Gago ka ba?! Ikaw yung manhid! Ang tanga mo. Halos di mo nga ako maprotektahan! Tas isisigaw mo sakin yan. Wag ako Gelo!!" At tuluyan nang tumulo ang traydor kong luha.

"Lets stop this nonsense argument! Lumayo ka kay Marvin. " I can see veins in his forehead. 

"Wag mong diktahan ang mga ginagawa ko. Doon ka sa Karly mo. Sabagay para kang linta kung makadikit sakanya! Baka nga nagkakamali ka nang sinasasabihan, nang pinoprotektahan. Hindi mo hawak ang buhay ko Angelo." Sigaw ko sakanya at tunakbo na sa kwarto ko.

Nahagip ng mata ko si Manang na nakikinig lang sa away namin ni Angelo. Mas halatab naman kasi, when a rumor always rise up against Karly he always do his way to shut people up. Obviously hindi ako ang pinoprotektahan nya.

Ganun ako pag nakikipag away sakanya. First name basis, para alam nyang seryoso ako.

Pag akyat ko sa kwarto nilock ko agad ang kwarto ko at sumiksik sa gilid ng sidetable ko. Ganun din ako palagi pag nagaaway kami. Hikbi ako ng hikbi. Ayaw ko kasi na nagaaway kami ni Ace. At ito ang unang beses na nagaway kami ng dahil sa pakikipagkaibigan sakin ng isang lalaki. Kasi naman ang mga pinagaawayan namin maliliit na bagay lang. Pero dahil sa babaw ng luha ko. Laging ako ang natatalo at lagi akong umiiyak dito sa kwarto ko.

Inabot ko ang phone ko kahit nanlalabo ang mga mata ko at tinawagan si Khate.

[Girl?]

"Khate...*sob*"

[Bat ka umiiyak? Anong nangyari?!]

"Sunduin....mo....naman ako *sob* dito.. please.."

[Huh? Sige sige hintayin mo ko ah. Wag ka na ngang umiyak! atakihin  ka sige]

Secretly Married to A HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon