**SEVEN

8K 191 10
                                    

Ace's POV

Kinakabahan ako, really kahit wala naman talagang dahilan o sadyang dahil lang katabi ko si Eunice. Bigla kasi syang nanahimik sa tabi ko. At naka earphone habang nakatingin sa daan. Sila mama naman sa harap namin ay tulog.

*ring *ring

Napatingin ako sa phone nya. agad nya naman itong binuksan.

Isang MMS. May nagsend sakanya ng video. Hindi ko mapigilang hindi tumingin dahil katabi ko lang sya. Hindi naman ako pinagkaitan ni Eunice at lalo nyang nilapit para makita ko.

"Oh." Sabi nya sabay abot ng usang earbud kaya sinuot ko.

At nakita ko dun si Karly na nakatayo sa isang table.

"Hey! I just want to announce that me and Ace are officially Dating! So if I were you girls wag na wag nyong lalapitan si Ace. Kahit fans pa nya kayo. Dahil ako ang makakalaban ninyo. Wag kayong ano! Like duh?!"

Napatingin ako kay Eunice. Iba din ang sinabi ni Khate kanina sa pagkakarinig ko.

"Khate send me this. Kanina pa ito pag alis natin sa school." Sabi nito at ngumiti.

"And Oh By the way?!" Agad nabalik ang atensyon namin ng magsalita ulit si Karly.

"kung sino man yung Eunice Charlie Williams nayan!! I make sure na hindi kita makikita sa dinadaanan ko. Dahil dalawang araw mawawala si Ace. I'll make sure you will reach hell." Then pagkatapos ay namatay na yung video.

Fuck, Paano nasasabi ni Karly yun. Totoo ba ang laging sinasabi sakin ni Eunice? Am I too blind to see it?

"Di ko alam, sa likod ng mala anghel nyang ngiti may demonyo rin syang ugali. Hindi ko alam nagmamahahal ka na pala ng demonyo ngayon? Hindi ako nainform." Halos pabulong na sabi ni Eunice.

"Eu—" magsasalita pa sana ako ng magsalita si mommy.

"Eunice, Ace. bili na kayo ng gusto nyong bilhin o di kaya mag cr kayo. Stop over muna tayo dito." Tumingin ako sa labas. Nasa mini stop kami.

Naalala ko yung mga marshmallows na nasa bag ko. Hindi ko pa pala nabibigay kay Eunice.

Tsk Kung ano ano nanaman kasi ang pumasok sa isip ni Karly at ginawa nya yun. Andito ako para mag refresh ang mind ko at makasama sila mommy. Hindi para intindihin si Karly.

Nang bababa na si Eunice ay agad ko itong pinigilan. Hinawakan ko ang kanyang braso. Tumingin muna siya doon bago nya ako tignan.

"Galit ka?"

Umiling naman sya.

"Bati tayo ha? Ayaw ko muna ng away, please." Malambing na sabi ko sakanya.

Im not a showy person but mahal ko si Eunice....

Bilang bestfriend na laging nandyan para sakin kahit ayaw ko syang kausap ay laging nandyan at lagi akong pinapayuhan kaya di ko magawang iwanan so Eunice. Pero feel ko mas matimbang ang nararamdaman ko kay Karly kaysa sa nararamdaman ko sankanya. Sometimes I also act weird infront of her pati sarili ko di ko maintindihan.

Basta ang gulo!

"Ace di naman ako galit. Nababahala lang ako sa maaaring gawin sakin ni Karly. Kahit sabihin ko na nandyan sila Khate at Marvin para ipaglaban ako. Alam kong gagawa at gagawa parin sya ng paraan masolo ka lang nya. Wag kang magaalala. Di ako katulad nya na igaganti ang sarili ko." Sabi niya at ngumiti.

"Kilala naman kita Eunice. Wag kang magalala hindi ko sya hahayaang masaktan ka." Sabi ko at ngumiti rin sakanya.

"Kikiligin na ba ako nya?" Sabi niya at tumawa kaya pati ako napatawa.

Secretly Married to A HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon