Chapter 27

86.3K 3.2K 318
                                    

Chapter 27:
Family

"TAMA na, Alessandro." Binawi niya ang kamay rito. "Puwede kitang patawarin pero hanggang doon lang."

His jaws moved. "Patricia."

"Alessandro, huwag mo na 'kong guluhin. Hindi ko ipagdadamot ang bata kung may pagbabago akong makikita sa'yo." Itinaas niya ang noo. "I don't need the fixing, Alessandro. You do."

"Patricia--"

"Please, spare me. Spare yourself. Spare the baby."

Mabilis na siyang tumalikod at mas matuling naglakad para lang makasakay sa sasakyan. Ang driver ay naghihintay na sa kanya kaya hindi naman siya nagkaproblema na makalayo agad kay Alessandro.

Pagkadating niya ng bahay nila ay nagpahinga lang siya. Wala naman nang gagawing trabaho kaya walang kailangan asikasuhin. Sabi ng Daddy at Mommy niya, ang pinakadapat niyang asikasuhin ay ang baby lang niya.

"Here, ito ang magagandang prutas na dapat mong kainin," sabi ng Mommy niya pagkauwi nito. May mga dala itong prutas, gatas, at pagkain para sa kanya. "Ihalo mo sa banana split kung gusto mo. Bawasan mo ang chocolate syrup, hija."

Napangiwi siya. "Eh, Mommy, doon nga po ako naglilihi..."

"I know. But we must always check your sugar level. Mapanganib kapag tumaas iyon ng sobra. I also bought some vegetables for you."

"Okay." Napapangiti si Patricia dahil sa alaga ng mga magulang niya. "Si Daddy po ba, gising na?"

"Oo at nanonood ng business news."

"Kailan po ang official turn over ng management ng PAL, Mommy?"

"Minamadali nga ng Daddy mo. Baka next week na. Para daw makaalis tayong agad na pamilya."

"Hindi po ba siya napapagod agad?"

"Don't worry. Donato is making all the physical preparations. Ang Daddy mo lang ang taga-instruct." Pinaghiwa siya nito ng hinog na mangga. "Kainin mo 'to, anak. Mangoes are healthy for the baby."

"Thank you, Mommy." Habang kinakain niya iyon ay nagpe-prepare ito ng banana split dahil alam nitong iyon ang pinakagusto niya sa lahat.

Bakit naman niya kailangan pa ng ibang mag-aalaga sa kanya? Heto na pala ang Mommy niya na first hand na-experience ang pagbubuntis at maraming pregnancy hacks na alam.

Lumipas ang isang linggo. Ganoon lagi ang pag-aalagang natatanggap niya. Pati ang pag-aalaga ng anak ay pinapayuhan na siya ng Daddy niya.

Storge became very busy because of his delayed projects. Ngunit nakakatawag naman ito kahit mga five minutes at kinukumusta siya palagi.

And Alessandro... well, he indeed spared her. Sobrang tahimik ang buhay ni Patricia.

"We got our tickets," anunsiyo ng Mommy niya nang nasa hapag na sila. "Next month na ang alis natin. Enough time to get a broker for our house."

"My doctor also released my papers. I'm safe to travel," ani ng ama. "But with medical team to stand by during the whole flight."

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon