I'm pretty sure my tired eyes gave me away because his palms are now rubbing my back.

Nanginit ang aking mga mata sa kanyang ginagawa. Nakalimutan mo na ba talaga lahat Nash? Bakit kung makaasta ito ay wala siyang ideya kung sino ang aking tinutukoy?

Ako lang ba ang umasang may espesyal na namagitan sa amin noon? Inangat ko ang aking tingin sa mga bituing kumikislap sa langit.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang malaking bituing rumaragasa pababa. This is childish and bullshit but I closed my eyes and made a wish.

Can you please wash every bit of my heart that still beats for him? Can you please make me as happy and contented as he is now?

I woke up to the sound of chirping birds outside our house. May call time ako mamaya para sa taping ng bago naming teleserye ngunit wala akong lakas bumangon.

Nanatili akong nakatulala sa dingding ng aking silid. Bumalik sa aking pananaw ang istura niya noong sinabi sa amin na kami uli ang kanilang pagtatambalin.

Wala roon ang gusto kong makita. Gulat, pagkadismaya at lungkot ang aking nasilayan sa kanyang mga mata. Alam ko sa loob-loob niya ay gusto niyang magprotesta ngunit malamang ay ipinairal nito ang propesiyonalismo kaya tinikom nalang nito ang kanyang bibig at sumang-ayon.

Gusto ko ulit maiyak. I only wanted one guy pero hindi pa siya maibigay sa akin. Life really is unfair. I may deny it before, pero ngayon na paulit-ulit niyang ipanaranas sa akin ang pagkadaya nito ay paniwalang-paniwala na ako.

"Shar?"

Pagkarinig ko sa boses ni Mama ay agad kong pinahid ang naglandas na luha sa aking pisngi.

"Po? Eto na po babangon na po." I acted all cheerful and jolly.

"Sige. Wag ka nang umiyak ha? Tama na iyan."

Nagulat ako sa pahayag ni mama. Of course she knew. She knows me better than I know myself. Sa simpleng mga salitang binitawan ni mama ako humugot ng lakas upang bumangon.

Pinagmasdan ko ang repleksiyon ko sa salamin. My skin was glowing, as usual but my eyes were the opposite. They were dull and dark. They perfectly describe how dead I am inside.

Sinubukan kong ngumiti nang sinsero ngunit hindi nito naabot ang aking mga mata.

"Who did you bad baby girl to the point that you lost your spark?" I asked myself.

"Let's light them back up again, okay?"

Imbes na lumakas ang aking loob ay lumandas uli ang maiinit na luha sa aking pisngi. Ilang taon mo pa ba ako planong saktan ha? Tama na pakiusap.

Puno ng vans at trucks ang paligid ng barangay na aming shoo-shootingan. Marami na ring mga staff ang hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos ng lugar. May mga nakikiusyoso rin na tagabarangay.

Lumapit ako kay Direk Mac upang ipaalam sa kanya ang aking presensya. Nakarating ako nang medyo maaga kaya siguro hindi pa pulido ang mga wirings at camera sa paligid.

"Good morning po, Direk." I beamed at him.

"Good morning, Shar." bati niya balik.

"Asaan ho si..." she breathed out, "Nash?"

My heart raced when his name rolled out of my tongue. I can't erase all the pain in one sitting, can I? What's important is that I'm willing to forget.

Nasapo ni Direk Mac ang kanyang noo. Hindi pa ba nakarating si Nash? Ngunit hindi ugali nun ang magpalate. Laging maaga iyon lalo na kung maaga rin ang call time.

Twisted and Turned. { NashLene }Where stories live. Discover now