Prologue

46.4K 690 127
                                    

"Lj naman! Matitis mo bang magutom ako? Ha? Ganyan ka na ba sakin ngayon? Masakit Lj!"

I can't help but to rolled my eyes. Wth! Ang OA talaga nitong babaeng to!

"Oo na! OA OA mo!" Sinabi ko nalang.

"Yes! I know you love me and Aylabyutu! Mwah!" And she laughs na parang...hindi rin ako sure. Ewan ko ba bakit ako sumasama dito eh! Joke.

Mga walanghiya kasi naming kaibigan puro may mga girlfriend na ayan palagi ko nalang kasama tong adik na to. Yung isa naman ewan ko ba kung nasan. Pero biro lang, masaya kasama yan. OA lang minsan. Parang ngayon lang.

Teka. Oo nga pala I'm gonna introduce myself.

I'm Louise Jayle Go, 16 years old and I'm first year college now taking Bachelor of Science Major in Business Administration. My parents are restaurant owners kaya nakakakain naman kami ng higit sa tatlong beses sa isang araw. I have two brothers and 1 sister.

So yeah, Hinila nya na ko papuntang cafeteria. Mabilis kaming nakakita ng bakanteng makakainan kaya pumwesto agad kami don. Bumili siya ng food nya, lunch na rin kasi pero busog pa ko kaya pinabili ko nalang sya ng Milo na malamig para sakin.

Daldal lang sya ng daldal kaya tumatango nalang ako sa pinagsasabi nya. Naku puro crush nya lang naman pinagk-kwento nya. Yung mga kilala nyang magaganda dito sa University.

Anyway, She's Sam Cruz. One of my close friends. Anim kami pero yung tatlo nga kasama nung mga girlfriends nila. Tatlong lalaki at tatlong babae kami sa grupo namin. University week ngayon kaya free silang maglandian. Joke lang. Well si Sam may girlfriend din yan, nasa ibang school lang pero matibay yong relationship nyan. Hayup din yan eh ganda ng girlfriend! Maganda din naman sya. Maputi, pouty lips, almond eyes, matangos na ilong at matangkad. Mas matangkad nga lang ako sakanya. 1 inch lang naman. She's 5'8 while I'm 5'9.

After namin kumain tumayo rin agad kami para umalis. Nag text kasi sila na magpunta daw kami sa horror booth. As if matakot ako dun tsh. Joke hahaha. Parang ayoko na ngang sumama!

Bumili pa sya ng candy kaya hinintay ko sya sa hagdan paakyat sa building namin. Sa sobrang inip ko pupuntahan ko na sana sya nang biglang may babaeng tumatakbo at sandaling tumigil sa harap ko...

"Hi!"

I'm stunned! Damn! What the hell?! She's so fucking beautiful! Ba't ngayon ko lang nakita ang ganyang kagandang nilalang?

"Ah H-hello!" Sabi nung mga lalaking sinabihan nya ng "hi" tas ngumiti lang sya tsaka tumakbo ulit. Narinig ko pa silang nagbulungan ng "shet men! Ang ganda nya!" habang sinusundan ko parin sya ng tingin. Obviously, she know these guys.

Shet talaga! Akala ko pa naman sakin sya nag Hi! Badtrip lang! Asang-asa tuloy ako.

Nang biglang may bumatok sakin kaya napa aray ako

"Anuna?! Kanina pa kita tinatawag ah?!" Lecheng to siya pa yung galit! Bwisit! Kaya binatukan ko rin siya tsaka nagtatakbo pataas.

I'll surely find you.

My Baby.

Napapilig ako ng ulo. What? Did I just say that?
Damn! I am freaking straight..


Right?

Ay, di pala 'ko sure.

Think TwiceWhere stories live. Discover now