FINALE

21.2K 749 68
                                    

1 week later...

Walang magawa na trabaho si Shailine. Buong linggong hindi niya nakita ang anak. Pabalik-balik ang ginawa niya sa condo ni Matthew ngunit ayaw pa rin siya nitong harapin. Ang malas pa dahil mukhang magkakasakit pa siya.

Hinilot niya ang ulo. Ina-atake na naman siya ng migraine. Mag-isa lamang siya sa bahay dahil pansamantalang pinabakasyon niya ang yaya ni Clarence. Ayaw niyang umuwi sa bahay ng mga magulang. Gusto niyang mapag-isa para makapag-isip. Masyado na rin niyang nagagambala ang ina.

Humiga siya sa mahabang sofa. Hilot-hilot ang kanyang ulo. Matitiis pa naman niya ang sakit. Sabik na sabik na siya na makita ang anak.

Tumayo siya at kinuha ang susi. Lumabas siya ng bahay. Muli siyang tutungo sa condo ni Matt, baka sakaling kausapin na siya ng binata.

Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan nang biglang magdilim ang kanyang paningin. Bago pa tuluyang bumagsak sa aspalto ay may dalawang brasong mabilis na sumalo sa kanya.

"WHAT TIME WILL SHE WAKE UP?"

"Relax, Matt. Magigising din si doctora, kapag nawalan na ng bisa ang gamot na ibinigay ko sa kanya. It will help her relax, sobrang stress at pagod kaya siya nag-collapse." Ani ng kaibigang doctor ni Matthew-ang tumingin kay Shailine.

"It was my fault." Sinapo niya ang mukha. Tinapik naman ng kaibigan ang likod niya.

"Malakas si Dra. Aguilar. She will be fine. Don't blame yourself, man. Paano, I have to go, marami pang pasyente sa hospital."

"Thanks, man."

"No problem, man. Just give me a ring kung kailangan mo ng tulong ulit. But I'm sure hindi na." Mapanuksong saad ng kaibigan.

Hinatid ito ni Matt sa labasan pagkatapos ay bumalik sa silid ni Shailine.

He sat beside the bed. Held her one hand and gently massaging it. He brought it to his lips and gave a soft kisses.

"I'm sorry, Sha. Please, wake up. Hindi na ako galit sa'yo. Patawarin mo ako. Masyado lang akong nasaktan nang malaman ko ang totoo. Hindi ko naman balak na ilayo si Clarence mula sa'yo. I'm sorry, hindi ko naisip ang nararamdaman mo. Baby, gumising kana, kanina pa ako alalang-alala sa'yo." Anya. Ang mga mata'y nakapako sa natutulog na babae.

Yumuko siya at ginawaran ito ng matagal na halik sa noo. Damn, he missed her so much. Tinaas niya ang kamay at masuyong hinaplos ang buhok nito.

"Hmmm..."

"Sweetheart?"

Muling umungol si Shailine na tila may ini-indang sakit.

"Baby, ano'ng masakit?" Mahigpit na hawak ni Matt ang kamay nito.

She was half awake. Disoriented ang mukha. Nakatingin kay Matt ang namumugay na mga mata.

"M-Matt?" Bulong nito sa namamaos na tinig.

Hinigpitan ni Matt ang pagkakahawak sa kamay niya. Ngumiti si Shailine kahit nahihirapan.

"Ako nga, magpahinga ka muna. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Nandito lang ako, hindi kita iiwan."

Pumikit si Shailine na may ngiti ang labi. Nanghihina ang kanyang katawan. Sumasabay pa ang pag-atake ng kanyang migraine. She felt drained and intoxicated. Pagod ang kanyang mga mata, mas minabuti niyang ipikit na lamang iyon.

NAALIMPUNGATAN si Shailine nang makaramdam na parang may kamay na nakayakap sa kanya. Gumalaw siya upang sipatin sana ang katabi. Ngunit mas humigpit lamang ang pagyakap ng kung sino man. Imposibleng si Clarence iyon dahil malaki ang braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're MineWhere stories live. Discover now