Chapter 2

14.1K 485 30
                                    

"Hi babe..."pumulupot sa bewang niya ang kamay ng nobyo sabay halik sa pisngi,"still busy?"

Lumingon si Shailine sa lalaki, marahan niyang hinaplos ang mukha nito na kay aliwalas tingnan.

She smiled sheepishly,"hindi naman..."inayos niya ang necktie nito, "ikaw?"

"Hindi na rin, tapos na ang duty ko. So shall we?" Inilahad ng nobyo ang kamay sa kanya. Malugod niya iyong tinanggap.

"Saan tayo pupunta?"

"I'll take you out on a date."

"Wow! Really?" She smiled.

"Of course."

Kinabig siya ni Jerome. The sweet smile vanish on her lips when Jerome planted a kiss on her hair. It made her remembered one person. Bahagyang inilayo siya ni Jerome sa katawan nito.

"Are you okay? Bigla ka yatang natahimik."

Kinuha niya ang kamay ng kasintahan, pinagsalikop niya ang kamay nila. Tumingala siya rito at kiming ngumiti.

"Yup! I'm okay, ano ka ba? So where to?"

Jerome grinned. Hinigpitan nito ang kamay niya. He opened the car for her, umikot ito sa kabilang side at sumakay na rin. They were heading to Qlark Quay restaurant. One of the finest and expensive resto in Singapore near the central business district. When they reached the place, he parked the car. Pinagbuksan siya nito pinto.

Mag-iisang taon na silang magkasintahan ni Jerome. He's half Singaporean and half Filipino. Gaya niya, lumaki at nagka-isip ito sa pilipinas. At ngayon ay naka-base ito sa Singapore bilang isang resident doctor sa Mt. Elizabeth hospital novena kung saan siya ay nagtatrabaho rin bilang doctor.

Walong taon na nang iwan niya ang Pilipinas, tanging ang mga magulang at kapatid lamang niya ang bumibisita sa kanya. Mahirap sa kanya ang paglayo, pero 'yun ang pinakatamang dapat gawin ng mga panahon na lugmok ang puso niya sa kabiguan. Moving on wasn't easy for her. Ilang taon ang ginugol niya bago tuluyang naghilom ang sugat sa puso.

Jerome helped her alot, mabait ang lalaki, maalaga at nararamdaman niyang mahal na mahal siya nito. Gusto niyang kalimutan na nang tuluyan ang nakaraan, ang lalaking unang minahal at nanakit sa kanya.

She wants to start anew with Jerome. Alam niyang nagbabalak na itong mag-propose dahil palaging nagpaparinig ang lalaki.

Palihim niya itong sinulyapan na tutok na tutok ang mga mata sa menu. She studied his movement. Wala na siyang mahihiling pa, alam niya na aalagaan siya nito at hinding-hindi sasaktan pero parang may kulang at hindi niya matukoy kung ano.

Tumaas ang paningin ni Jerome sa kanya, she smiled. Tinawag nito ang waiter at umorder na sila. While eating, kung ano-ano ang kanilang napag-usapan. Inilapag niya ang chopsticks, she wipe her mouth, hinintay niya na matapos si Jerome bago sabihin ang plano na pag-uwi.

She cleared her throat and looked at him in the eye.

"Jerome, may sasabihin sana ako." Panimula niya. Pinunasan ni Jerome ang bibig at tumingin din sa kanya.

"Go on." He replied and sipping the wine.

"I'm planning to go home."

"When?"

"Two weeks from now."

"What? Why didn't you tell me this early? Sana, masamahan man lang kita."

Hinawakan niya ang kamay ni Jerome na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Masuyo niya iyong hinaplos.

"I'm sorry, kung ngayon ko lang naipaalam sa'yo. Noon pa kasi ako nag-file ng leave at noong nakaraang linggo lang na-approved. Don't worry kaya ko naman ang sarili ko. Matagal na rin na hindi ako nakakauwi, si Mama naki-usap na magbakasyon ako dahil death anniversary ng lola ko." Malumanay na paliwanag niya.

You're MineWhere stories live. Discover now