Chapter 20

12.4K 494 36
                                    

"Hey, how's my little boy?"

"Mommy!"

Lumukso sa tuwa ang puso ni Shailine nang marinig ang matinis na tinig ng anak. Patakbo itong lumapit sa kanya.

"Oh, God!" She spread her arms wide. Pumaloob si Clarence. Humagikhik ito nang pugpogin niya ng halik ang buong mukha.

"Mommy, miss you so much, honey."

"Ghanny tesh me to say, mommy."

"Wow! Mommy's so proud of you."

"And, da-daddy-" natigilan siya. Saktong lumabas ang ina mula sa kusina.

"Nandiyan kana pala, tamang-tama itong niluto ko. Dito na kayo maghapunan bago umuwi."

Tumango siya. Inilapag niya si Clarence. Tumakbo ang anak sa mga laruang nagkalat sa living room. Sinundan niya ito ng tingin.

"Si Matthew..." bumaling siya sa ina. "Nandito siya kanina, nakita niya si Clarence."

Nahilo yata siya sa sinabi ng ina.

"A-ano, anong sinabi niyo sa kanya?"

Umiling ang ina. "Wala akong sinabi, ayoko panghimasukan ang buhay mo. Pero bilang isang ina, alang-alang sa anak mo. Ito na siguro ang tamang panahon para malaman niya ang totoo."

Nanghina ang kanyang tuhod. Ngali-ngali siyang umupo sa upuan. Muling napako ang kanyang mga mata sa anak na ngayon ay nawiwili sa paglalaro.

"I'm afraid, 'Ma. Paano kung hindi niya matanggap si Clarence? Sa tingin ko kasi, masaya na siya. Ayoko naman na maging dahilan na masira ang maayos na niyang buhay. Masyado ko na siyang nasaktan."

"Paano mo malalaman kung hindi mo subukan? Don't be unfair to him, karapatan niya malaman ang totoo. Imposibleng hindi niya tanggaping anak si Clarence. I know that boy since little, sabay kayong lumaki. Parang anak ko na rin si Matthew. Pinagtakpan ko ang katotohanan sa mga magulang niya alang-alang sa kahilingan mong 'wag ng gambalahin pa si Matt."

"Susubukan ko, 'Ma."

"Gawin mo hanggang maaga pa. 'Wag mong hintaying mahuli na naman ang lahat. 'Wag mong hayaan na kusang malaman ni Matthew ang tungkol sa anak niyo. Bilang nanay mo, wala akong ibang ginusto kundi ang mapabuti ka, kayo ni Clarence-"

"Hey, guys! What's up?"

Naputol ang sinabi ng ina dahil sa biglaang pagsulpot ng kapatid.

"Hey, buddy!" Pinuntahan nito si Clarence at nakipag-high-five.

"Itong magaling mong kapatid, naku! Imbis na tulungan ang daddy mo, hayun at bola ang ina-atupag." Sermon ng ina sa nakakabatang kapatid. Ngumisi ang binata at napakamot sa ulo.

"By the way, Ate Sha. I saw Kuya Matthew's car. Did he drive you home?"

Napatingin sa kanya ang ina. Naghihintay ng sagot ang mga matang nakatutok sa kanya.

She cleared her throat. Kailangan yata niya ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan.

"Nagmagandang loob lang iyong tao, naubusan kasi ako ng gas. Nadaanan niya ako sa daan kaya pinasakay na niya ako."

"Kaya pala ang driver ng Altamonte ang nagdala ng sasakyan mo rito." Tugon ng ina. "At bakit nauna pa ang sasakyan mo rito kaysa sa'yo?"

"Oh, talaga 'Ma? Oy, si ate. Nag-date kayo 'no?" Pang-aasar ng kapatid.

Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Hindi kami nag-date!" Singhal niya.

"Naku, 'Ma. Mag-deny pa si Ate, mukhang nakakarinig na ako ng wedding bells."

You're MineOnde as histórias ganham vida. Descobre agora