Chapter 7

10.5K 436 30
                                    

"PUMAPARITO ako sa lugar na'to, sa tuwing nag-iisip ako. Bukod sa nakaka-gaan sa dibdib na tanawin ay tahimik ang lugar na ito." Wika ni Matt.

"Tama ka," wala sa loob na sagot ni Shailine.

Ngumiti si Matt kahit hindi iyon nakikita ng dalaga, "ang buhay ng tao ay parang tubig sa dagat," he simply glance at her. "Minsan, tahimik at ang payapa tingnan pero nakakatakot din, dahil darating at darating talaga oras ng kahagupitan, na sa gitna ng pananahimik nito ay may paparating na pa lang trahedya. Sa buhay ng tao, gayon din maraming unos. Gaya ng natural disasters, hindi mo alam kung kailan darating o matatapos. Pero madalas ang pagdating ng unos ay may malaking kabuluhan sa'ting buhay."

"Ano'ng gusto mong palabasin, Matt? Pwede bang diretsohin mo na lang."

"Patawarin mo ako-"

She raised hands to cut him off.

"Pinatawad na kita 'di ba?"

"Oo, pero ramdam ko na kulang pa rin ang paghingi ko ng tawad sa'yo."

"Mahal mo pa rin ba ako, Matt?"

"Walang nagbago, Sha."

"Kung ganon bakit mo nagawa ang bagay na yun sa'kin?" Mapait nitong tanong. "Am I not enough, para magtaksil ka? Ano ang rason mo, ha? Bakit lahat na lang ng tao tinatanong ako kung pinakinggan ba raw kita o kung nakapagpaliwanag kana. Ano ba talaga, Matt?"

"Kung sakaling sabihin ko sa'yo ang rason, mababago ba niyon ang isipan mo?"

"No, I won't change my mind. I can't afford to hurt Jerome."

"At ako nagagawa mong saktan?" May hinanakit na sambit ni Matthew.

Lihim na ikinuyom ni Shailine ang kamao, "Ang kapal din ng mukha mo. Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? sa ating dalawa ikaw ang nanakit! Ilang taon na tayong wala bago dumating si Jerome sa buhay ko."

Yumuko ang binata, pinaglaruan ang buhangin sa paanan.

"I'm sorry," may nakita siyang bato, kinuha niya iyon at buong pwersang hinagis sa tubig dahilan para lumikha ng zigzag na linya. "Ang swerte niya sa'yo. Pero kapag nakita ko na pina-iyak ka niya hindi ako magdadalawang isip na bawiin ka."

"You're crazy, Matthew."

"I know," he said donefully. Pinagpag niya ang dalawang palad. Tumingin siya gawi ni Shailine, ini-angat ang kamay at akmang hahawakan sana ito ngunit sa huli ay ibinaba na lang niya sa kandungan. He remembered what was she said and it resound on his mind, 'don't you dare touch me again, nandidiri pa rin ako sa'yo!'

"I-I wanted to hold you... but I'm afraid to. Hindi dahil takot akong masampal, kundi ayokong madagdagan ang galit sa puso mo."

"Umalis kana, Matt. Iwan mo na ako rito."

"Sha..."

"Paki-usap Matthew, umalis kana!"

Sapilitang tumayo si Matt at nanatiling nakatayo ng ilang minuto habang ang paningin ay nasa kalawakan ng dagat. Humugot siya ng malalim na paghinga. Isang huling sulyap ang ibinigay niya kay Shailine bago tumalikod.

Lulungo-lungo niyang tinungo ang sasakyan na nakaparada 'di kalayuan sa pinag-mulan. He let his tear dropped. Oo, umiiyak siya dahil nasasaktan siya.

NANG masiguro na nakalayo na si Matthew ay saka lamang pinakawalan ni Shailine ang luhang kanina pa gustong malaglag sa mga mata. Niyakap niya ang tuhod at humagulgol ng iyak. Nasasaktan siya gayong hindi naman dapat. Alam niya sa sarili na kahit anong mangyari ay may puwang pa rin sa puso niya ang lalaki.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon