Chapter 1

20.1K 550 46
                                    

"Magmahal ka man ng totoo, di pa rin iyon sapat sa taong DI MARUNONG MAKUNTENTO. All you have to do is to accept the fact and move on with your life." Pangaral ng kaibigan ni Shailine o Shasha.

"It's hard to believe na nagawa niya akong lukohin, we've been for 6 years. Pero sa isang iglap lang nawala ang lahat." Naghinanakit na sagot niya.

Nakisimpatiyang bumaling sa kanya si Jasmine, her friend. Rubbing her back to calm her.

"There's more to life than being trapped in loving him. 18 ka pa lang, marami ka pang bagay na magagawa sa buhay mo. Ituloy mo ang pangarap mo, use that pain he caused you as a motivation to be a better person."

"Masakit Jass, sobrang sakit. He's my childhood, my best friend, my buddy, my protector, my saviour, my one and only love, my first love... and I thought my forever. 12 years old lang ako nang maging kami, those years had past. Walang naging problema, kaunting tampo at away lang and later on, nagkakabati rin. Ngunit iba ngayon, he literally cheated on me. Ang masakit pa do'n, ay nakita mismo ng dalawang mata ko how he made her shout his name while doing those thing. Ang sakit-sakit, Jass."

"It's okay to be hurt, Sha. Kapag nagmahal ka asahan mo na masasaktan ka. Sugal ang bawat relasyon, walang kasiguraduhan. Ang kailangan lang ay magtiwala sa isa't-isa. Araw-araw maraming temtasyon na nakapaligid sa'tin, gaya ni Matt. He was tempted to taste the sin. And so, it was the results."

Napatingala si Shailine, ikinulong ang mukha sa dalawang palad. Pinipiga niya ang utak kung ano ang nagawang kasalanan kay Matt. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa sakit na nararamdaman. Hindi siya makapag-isip ng matuwid.

"Ayusin mo ang buhay mo, Sha. Ang pag-aaral mo, muntikan ka ng mabagsak noong second sem. Napabayaan mo ang pag-aaral mo dahil kay Matt. Kalimutan mo na siya, ngayon na wala na kayo. Magsimula ka muli, kailangan mong makabawi sa susunod na exam. Nangangayat ka na rin, matulog ka sa tamang oras, panahon na para ang sarili mo naman ang mahalin at bigyan mo nang pansin at hindi puro si Matt lamang."

Ibinaon ni Shailine ang mukha sa palad, muling bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

"It's easy to say like that, Jass. But how can I forget the person who gave me so much to remember?"

"Sinabi ko na sa 'yo noon, 'wag magmahal ng sobra kaysa sa sarili."

"Ibinigay ko sa kanya ang lahat dahil ayokong pagdating ng araw ay isumbat niya sa'kin na hindi ako naging sapat."

"Katangahan Shailine, hindi lang si Matt ang lalaki sa mundo. Get a life and move on! Sa una, iisipin mo talagang hindi mo kaya but eventually magugulat ka na lang na kaya mo naman pala."

"Nagmahal kana ba, Jass?"

Sandaling bumalot ang katahimikan sa pagitan nila ng kaibigan. Nilingon niya si Jass, kumibit balikat ito.

"I was once fell in love."

"At nakalimutan mo na?" Shailine asked tears streaming down her cheeks.

Tumayo si Jass, humakbang patungo sa magazine racks. Kinuha nito ang isang magazine kung saan naka-published ang buong pamilya ng Altamonte noong kaarawan ni Clarke ang bunsong anak ng pamilya.

Napako ang mata nito sa iisang mukha na tumatak sa kanyang isipan. Ang lalaking una at huli niyang minahal sa loob ng ilang taon.

Bata pa siya noon nang makita ito sa mansyon, dahil sumasama-sama siya sa ina. Natuto siyang mangarap sa murang edad. Lihim na nagkaroon ng pagkagusto ang batang puso sa ikatlong anak ng pamilya Altamonte. Bumuntong hininga siya at humarap sa kaibigan.

"I'm trying... pero hindi naging dahilan iyon para pabayaan ko ang sarili ko at ang pag-aaral ko. Alam mong mahirap lang kami Sha, kailangan kong magsikap, magbanat ng buto habang nag-aaral."

You're MineWhere stories live. Discover now