Prologue

21.6K 437 65
                                    

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Yeah! Another winning race, man!" Nixon said as he raised his hand to give me a high-five. "Yayaman talaga 'ko sa kakapusta sa 'yo, Lance," he also told me while grinning widely.

I smiled at him. Racing and gambling were just pieces of cake for me. They had been my hobby since I entered college. Libangan ko lang noon hanggang sa naging parte na sila ng buhay ko. Mas mabubuhay pa ako na walang babae sa tabi ko kaysa ang tumigil sa pagsusugal at pagkakarera dahil ako na ang hari pagdating sa mga larangan na ito. Unlike before na kailangan ko pang seryosohin nang husto ang pagkakarera at pagsusugal para lalo pang gumaling. Ngayon, laro na lang talaga para sa akin ang mga ito.

Pero kahit alam kong gago ako, maipagmamalaki ko naman na kahit kailan ay hindi ako gumamit ng droga. Marunong din naman kasi akong matakot—doon sa lolo ko. Siya kasi ang madalas na sumasagip sa akin kapag nasasangkot ako sa mga gulo. He was my lifesaver at siya na ang tumayong parang magulang para sa akin. Pero sinabihan na niya ako dati na huwag na huwag kong susubukan mag-drugs dahil siya pa mismo ang magpapakulong sa akin. Alam kong seryoso siya sa sinabi niya na 'yun because he was a man of his words and authority. But intrinsically, ayoko rin naman talagang gumamit ng drugs. I was never even tempted to try it. Alam ko kung ano ang epekto nun sa users at hindi pa ako nasisiraan ng ulo para sirain ang buhay at sarili ko. Dahil kahit gago ako, may mga pangarap din naman ako sa buhay at gusto kong patunayan ang sarili ko sa lahat ng mga taong walang tiwala sa kakayanan ko lalo na sa mga magulang ko na wala nang ibang nakitang magaling kundi yung kapatid ko.

Sinusulit ko lang ang mga araw at mga oras ko sa pagkakarera at pagsusugal. Alam ko kasi na hindi habambuhay ay ako ang nasa tuktok ng mga yan. Alam kong darating ang araw na may makakatalo rin sa akin at papalit sa pwesto ko. Gago ako pero praktikal akong tao. Siguro 'yung mga hindi magagandang karanasan ko rin sa buhay ang nagturo sa akin para mag-isip nang ganito. Gusto ko lang din kumita nang kumita ng pera para sa kinabukasan ko. Because of these two hobbies, I was able to put up my own architectural firm. Within five years, I was able to expand it and it progressed rapidly. Now, at the age of 29, I already owned one of the top architectural companies in the country and I was thinking of expanding abroad. Ability was my best way in succeeding.

"Sige, dude, alis na 'ko!" paalam ko sa kanya bago sumakay sa black Aston Martin Vanquish ko. This is my latest baby and I'm only using this for racing because this cost me millions of peso.

I started driving my way to my condo unit. It was already past Sunday midnight at para sa iba ay maaga pa ang ganitong oras para matulog. Pero hindi ko kasi ugali ang mag-celebrate at maglustay ng pera para sa alak at babae. Sobrang matipid ako. Sabi nga ng mga pinsa ko, kuripot daw ako masyado. I'd rather drink alone in my unit. Dati kasi palagi kong nakakasama 'yung dalawang pinsan ko sa inuman sa mga bars and clubs. Sina Gab at Misty. I've been really close to them dahil sa lahat ng mga pinsan ko ay silang dalawa ang close sa age ko. But since the two of them got married around seven years ago, hindi ko na sila halos nakakasama. Halos puro sa mga family gatherings ko na lang sila nakaka-bonding na dalawa.

I was turning in one corner when a familiar memory from the past crossed my mind all of a sudden.

"Lance, tingnan mo, bilis! Nag-first place 'yung drawing na ginawa mo para sa 'kin oh!" my ten-year-old Kuya Justine told me as he entered the door of my room, showing me the ribbon that he was holding as an award.

Lumapit naman ako at tinapik pa niya ang braso ko. "Oo nga, Kuya!"

Ngumisi siya sa akin. "Sabi sa 'yo dapat sumasali ka sa talaga mga contests sa school eh. Ang galing-galing mo kayang mag-drawing."

"Nanalo din kaya ako ng first place, Kuya, pero hindi sa drawing contest." Napangisi ako sa kanya habang kinukuha mula sa bulsa ko 'yung medal na natanggap ko kanina sa school. "Oh!" sabi ko pa habang ipinapakita sa kanya 'yung medal.

Teach Me How to Love (Complete)Where stories live. Discover now