Chapter 16

6.5K 132 2
                                    

Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang inis. Kanina pa kasi ako kinakabahan. Natatakot ako sa maaring mangyari ngayong tuluyan nang nakapasok sa buhay namin si Zake.

Ngayon pa lang ay alam kong may posibilidad na masaktan ako ulit dahil kay Zake. Pero tuwing naiisip ko ang anak namin. Tuwing nakikita ko kung gaano kasaya si Zirius. Nawawala sa isip ko ang takot.

Napalingon ako kay Zake ng tumikhim siya.

"Tulog na ba si Zirius?" I asked.

Ngumiti siya at tumango. He walks toward me. Akala ko ay uupo siya sa tabi ko kaya naman umusog ako ng bahagya para bigyan siya ng space. Pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko. I can feel that he is staring at me.

"Can we talk?" Tanong nito.

Tumango ako. "Ano naman ang pag-uusapan natin?"

"About us. About Zirius."

"Ano naman ang pag-uusapan natin tungkol sa ating dalawa?" Naupo siya sa upuan sa tapat ko.

"Ahm.." He sighed. "Let's get married. For Zirius sake." Mabilis na bumaling ang tingin ko kay Zake. Seryoso ba siya?

Unti-unting bumangon ang galit sa dibdib ko ng makita ko ang seryosong mukha nito. He is looking at me as if he's waiting for me to say yes. "What? Nagbibiro ka ba?"

Muling bumalik sa isip ko ang araw na alukin ako ng kasal ni Zake. Or rather, he asked me to pretend as his wife. And now what? He's doing it again.

"No Avery. I'm serious. This is for the better." Seryoso paring sagot ni Zake.

For the better? Paano niya nasabi ang bagay na iyon? Sigurado naman ako na hindi niya ako mahal. Paano kami magsasama bilang mag-asawa kung wala kaming nararamdamang pagmamahal para sa isa't isa? Baka sa bandang huli ay maghiwalay din ulit kami.

"Ayaw kong magpakasal sa'yo." Gulat ang bumalatay sa mukha ni Zake. Is he expecting me to say yes? At pagkatapos ano? Magpe-pretend na naman akong wife ni Zachary Kelvin Romero for the sake of our son?

"Pero bakit?" Did he really ask me why?

I let out a deep breath. "Hindi kita aalisan nang karapatan para maging ama kay Zirius." Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "At iyon lang ang magiging koneksyon natin sa isa't isa. Wala nang iba." Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya. Maarte na kung maarte pero sa tingin ko naiintindihan ko na kung bakit mahirap magbigay ng second chance sa isang taong nakasakit sa'yo. Lalo na kung alam mong hindi maganda ang kakalabasan ng chance na iyon.

Nagkamali ako nang akala na kaya ko nang kalimutan ang nakaraan. Nagkamali ako nang isipin kong kaya ko nang patawarin si Zake. I still can't. Bitter na kung bitter. Pero hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang lahat.

"Why?" Nalilitong tanong niya. "Gusto kong maging isang pamilya na tayo. That's why, I'm asking you to marry me."

"Alam ko ang gusto mong mangyari Zake. Pero hindi naman ganoon kadali ang hinihingi mo. You're asking me to marry you, but do you even love me?" Natahimik siya sa tanong ko. I thought so. "Hindi di ba? Nililigawan mo lang ako dahil gusto mong mapalapit kay Zirius. You're only doing everything to please our son."

"Of course not."

"Kung ganoon, bakit mo ginagawa ang mga ito? Sinabi mo na liligawan mo ako. At hinayaan kita. Dahil gusto kong patunayan na mali ako. Na hindi mo ito ginagawa para kay Zirius. Gusto kong paniwalain ang sarili ko, that somehow you feel something for me."

"Yes I'm doing it for Zirius. Gusto ko lang naman bigyan ng kompletong pamilya ang anak ko. Masama ba iyon?" Para akong sinampal sa sinabi ni Zake.

His Pretend Wife (Completed)Where stories live. Discover now