Pretend Wife No More (the real ending)

9.3K 172 6
                                    

Dalawang linggo na kami hindi nag-uusap ni Zake. Ay mali, rather dalawang linggo ko na siyang hindi kinakausap. At mukhang nagsawa na din siya na lambingin at kulitin ako.

"You're early, may meeting ka?" I asked. Pero hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin at muling ibinaling ang tingin niya sa laptop na nasa harapan niya. "So, ikaw naman ang hindi papansin sa akin ngayon?" Naiinis na ako. May dapat pa akong sabihin sa kanya pero hindi ko alam pa'no sasabihin. "I miss you." Wala sa sariling sabi ko.

Pero nakakainis kasi wala man lang siyang reaksyon. "Ayaw mo akong kausapin? Fine! Bahala ka sa buhay mo." Naiiyak na tinalikuran ko siya.

Nagsawa na ba siya sa kaartehan ko kaya siya ganyan? Baka naman hindi na niya ako mahal.

"Good morning Nanay. Why are you crying?" Malambing na yumakap sa akin si Zara.

"Inaaway ako ng Tatay mo." I said. Hindi naman talaga. It's just that I can't control my emotions these past weeks. Hindi ko din alam kung bakit.

"Tatay I hate you!" Sigaw ni Zara. Nginitian lang ito ni Zake. Mukhang hindi lang siya ang malapit ng masiraan ng bait. Maging si Zake din.

"I love you bunso." Sabi nito. "Lenny, pakigising na si Zirius, ako na ang maghahatid sa kanya sa school."

Kumunot ang noo ko. Out of way kasi ang school na pinapasukan ni Zirius sa Romero Hotel. "Hindi ka ba mapapalayo kung ihahatid mo si Zirius?" I asked.

"May kausap ako malapit sa school ni Z."

"Sumagot ka?" Na-shock talaga ako. "Akala ko galit ka sa akin at wala ka ng balak na kausapin ako.

"I'm not. Busy lang ako at hindi kita maintindihan nitong mga nakaraan."

Yumuko ako. Naiiyak na naman ako. "Sorry." Ako din hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko sanang idugtong pero baka mag-alala siya sa akin at maisipan niya akong dalhin kay Angel.

"Nay, bati na kayo ni Tatay?" Tanong ng bagong gising na si Zirius. Naka-pajama pa ito at yakap-yakap nito ang unan.

"I guess so." I'm not sure. Okay na ba kami? Hindi ko alam.

"I'm happy na bati na kayo." Padapa itong nahiga sa couch. "Can I go back to sleep? I'm so tired."

"At paano ka naman mapapagod Kuya? You just woke up. Ako nga kanina pa gising, I don't feel tired at all."

"Mag-breakfast ka na." Sabi ko.

"Kuya you're turning ten in two months, bakit feeling baby ka pa rin?" Pang-aasar ni Zara dito.

"Nay, p'wede ba akong lumipat ng school. Balik na lang ako sa dati kong school." Sabi nito.

"Why? May problema ka ba sa school? Gusto mo bang kausapin ko ang school admin?" Tanong ni Zake.

Sumimangot si Zirius. "Bakit kaya hindi si Tatay number two ang kausapin mo Tay. Pakisabi po sa kanya na malapit na ako mainis ng sobra kay Dria."

"Bakit ano ba ang ginawa ni Dria sa'yo?" I asked.

"Hinalikan niya ako."

Pinigilan kong hindi matawa sa sinabi ni Zirius.

"Okay lang iyon. Di ba nga sabi mo papakasalan mo si Dria."

"No, I changed my mind."

Biglang tumawa si Zake. Ano bang nakakatawa sa sinabi ni Zirius?

"Kiss lang naman iyon Kuya. Hindi ka naman nagrereklamo kapag kini-kiss kita?"

Tinakpan ni Zirius ang mukha nito ng unan. "You are my sister."

"Isipin mo na lang na kapatid mo si Ate Dria. Mas matanda ka naman sa kanya ng two years."

His Pretend Wife (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu