Chapter 12

7.2K 162 3
                                    

Six Years Later

"Zirius!" Halos namumutla na ang mukha ko sa kakasigaw. Ang tigas ng ulo ng anak ko.

"Bakit po?" Inosenteng tanong nito sa akin. Asar na tiningnan ko siya.

"Ano ito?" Palagi na lang akong nakakatanggap ng sulat galing sa school niya.

Noong makita niya ang hawak ko ay agad siyang umiling na para bang hinang hina. "Bakit naman po kasi kinakalkal mo na naman ang bag ko po? Ayan tuloy. Nakita mo po iyan. I can settle that without you. Kaya hayaan mo na lang po iyan. Ako na po ang bahala diyan." Parang matandang sabi nito.

Hindi ko alam kung saan nakuha ni Zirius ang ugali niya. Baka sa ama niya.

Nang maalala ko si Zake ay napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na dapat siya iniisip. Ilang taon na ang nakalipas.

"Zirius! Huwag mo namang pasakitin ang ulo ng Nanay. Kay Tito Amiel mo nga lang sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit e. Dadagdag ka pa."

Hindi ko alam kung anong nangyari sa dalawang ito. Si Amiel, sobrang laki ng ipinagbago niya mula ng mawala si Nanay three years ago.

Habang si Zirius ay inborn na yata ang pagiging sutil.

"Hayaan mo Nay, kakausapin ko si Tito Amiel na huwag na niyang pasakitin ang ulo mo. Ako na lang magpapasakit sa ulo mo. Okay po ba iyon?"

"Ikaw talagang bata ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo."

"Nay naman kasi. Relax ka lang po." Suko na talaga ako sa batang ito.

Naglalambing na yumakap si Zirius sa akin. Siya namang pagpasok ni Amiel. "Hi Ate. Hello kulit."

"Bakit late ka na naman umuwi?" I asked.

Pero binalewala lang ako ni Amiel. Papagalitan ko na sana dahil sa inasal niya ng bigla itong magsalita.

"Nakita ko pala si Kuya Zake sa labas."

"Anong sabi mo?"

Ang huling balita ko kay Zake ay noong nagpakasal sila ni Sophia. Isang linggo pagkatapos kong ipanganak si Zirius.

"Ilang araw ko na siyang nakikita diyan sa tapat. Baka siya ang nakabili ng bahay."

Ang alam ko nga ay binebenta ng may-ari ang bahay sa tapat namin. Pero sobrang laki ng bahay ng mga Romero para bumukod pa si Zake. Isa pa ay ayaw na ayaw ni Mr. Romero na hihiwalay ang mga anak niya ng bahay. Zake tried to live on his own before. Pero gumagawa ng paraan ang Daddy niya para umuwi siya sa bahay nila.

"Si Tatay, Tito?" Tanong ni Zirius na ikinalingon ko. Zirius knew about what happened between me and his father. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang ilihim ang totoo kay Zirius.

Nakakapagtaka nga na madaling natanggap ni Zirius ang sitwasyon namin.

Tumango si Amiel bago tumalikod. Siguradong magkukulong na naman iyon sa kwarto niya.

"Nay, okay lang po ba kung pupuntahan ko si Tatay minsan?"

Hindi pa nakikita ni Zirius ng personal ang tatay niya. Tanging sa picture lang na naka-save sa mobile phone ko.

Palagi nitong sinasabi na magkamukha daw silang mag-ama.

Natakot ako noong una na baka magaya sa ibang bata si Zirius. Pero sa murang edad ay napakalawak na ng pang-unawa niya. Ayaw ko din naman na magtanim siya ng galit kay Zake. Wala naman kasi dahilan para magalit si Zirius sa ama niya.

Maging ako ay inalis ko na din sa puso ko ang galit. Ganoon kasi siguro. Kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo magawang magalit sa kanya.

Inaamin kong nasaktan ako. Pero parte na lang iyon ng nakaraan ngayon. I already moved on.

His Pretend Wife (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora