Chapter 1

14.5K 248 7
                                    

"Hanggang saan aabot ang bente pesos mo?" Napasimangot ako ng marining ko ang commercial. Mabuti pa nga siya bente pesos, samantalang ako tanging ang sukli kong kinse pesos na lamang ang natitira sa coin purse ko.

"Ava, nakahanap ka na ba ng trabaho?" Lalong nanulis ang nguso ko ng lumapit si Aling Rosa at umupo sa katapat kong upuan.

Si Aling Rosa ang may ari ng inuupahan naming bahay. Mabait naman si Aling Rosa. Pero sobra na akong nahihiya sa kanya dahil halos dalawang buwan na akong hindi nakakapag bayad ng upa.

"Wala pa nga po e. Hindi ko po alam na ganito na kahirap maghanap ng trabaho ngayon."

"Aba'y mukhang pagod na pagod ka. Kumain ka na ba?" Umiling ako bilang sagot. "Kumain ka muna. May pancit ako bagong luto. Huwag mo na munang bayaran. Kapag nakahanap ka na ng trabaho saka mo bayaran." Nakangiting turan nito.

"Pasensya na po kayo. Napakalaki na po ng utang ko sa inyo." May awa ang mga mata nito ng tumingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na bago sa akin ang ganoong uri ng tingin. Mula noong araw na iwan kami ni Nanay.

Seventeen years old ako noong umalis si Nanay at sumama sa ibang lalaki. Naiwan kami ni Amiel. Si Amiel naman noong ay two years old lamang. Magkapatid kami sa ina.

Ang Tatay ko ay isang ofw. Marami silang pangarap ni Nanay noon bago pa man umalis si Tatay. Pero ang lahat ng pangarap nila ay naglahong parang bula noong pakasalan ni Tatay ang anak ng amo niya. Kinalimutan kami ni Tatay. Hindi ko matanggap ang lahat pero si Nanay ay madali niyang tinanggap ang lahat. Dahil na din sa hindi sila kasal ni Tatay.

Halos wala pang isang taon noong ipakilala ako ni Nanay kay Tiyo Albert. Isang pulis si Tiyo. Naging mabait siya sa akin at itinuring niya akong tunay na anak. Makalipas ang isang taon ay nagsilang si Nanay. Tuwang tuwa ako noong. Maging si Tiyo Albert ay natuwa sa pagdating ni Amiel sa buhay namin.

Sa loob ng halos dalawang taon ay naging masaya ang pamilya namin. Pero isang pangyayari ang naging dahilan ng pagkawasak muli ng pamilyang akala ko noon ay isang perpektong pamilya.

Nasa isang operation si Tiyo ng aksidenteng mabaril siya. Noong araw na kukunin na sana namin ang bangkay niya ay nalaman naming may pamilya na pala ito. Niloko niya si Nanay at ako. Akala ko ay gaya din noong mawala si Tatay, madaling matatanggap ni Nanay ang nangyari. Pero nagkamali ako. Pinabayaan kami ni Nanay. Nalulong ito sa masamang bisyo. Barkada, sugal at maging pag inom ng alak ay natutunan na din nito.

Hanggang sa isang araw bigla na lang itong umalis kasama ang isa sa mga kaibigan nito. Napapabalitang kasintahan umano ito ni Nanay. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa noong araw na iyon.

Tumigil ako sa pag aaral para maalagaan ko ang kapatid ko. At sa tulong ng mga kapit bahay ay nakahanap kami ng titirhan noong dumating ang taong pinagbentahan ni Nanay ng bahay at lupa. Masama ang loob ko sa ginawa ni Nanay pero hindi ko magawang magalit sa kanya.

"Aling Rosa, pakibalot na lang po ang pansit at iuuwi ko na lang para sa kapatid ko."

"Ito. Dinagdagan ko na rin iyan para sa inyong magkapatid." Ngumiti ako at inabot ang nakasupot na pancit. Tiyak kong matutuwa si Amiel. "Maraming salamat po. Mauna na po ako."

"Walang ano man."

Medyo malayo layo pa ang lalakarin ko pero masaya ako dahil alam kong matutuwa si Amiel sa pasalubong ko.

"Ate!" Tumatakbong sumalubong ang limang taong gulang na si Amiel. Napangiti naman ako noong makita kong suot parin niya ang school uniform niya.

Kasalukuyan itong nag aaral ng kindergarten sa eskwelahan malapit sa amin.

His Pretend Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon