Chapter 11

7K 152 2
                                    

"Let's talk." Sabi ni Zake. Nilock nito ang pinto ng kwarto namin bago lumakad palapit sa akin. Nagtataka na nakatingin ako sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba dapat ay magkasama sila ni Sophia?

"Anong ginagawa mo? Nag-usap na tayo kanina. Wala na tayong dapat pag-usapan." Inirapan ko ito at itinuloy ko na ang pagliligpit ko. Damn hormones. I'm acting lije a kid.

Lumapit naman ito at hinawakan ang mga kamay ko dahilan para matigil ang ginagawa ko. "Ano ba Zake!?"

"Mag-uusap tayo." Matigas na sabi nito. Inilabas pa niya ang damit sa luggage ko.

"Fine! Anong pag-uusapan natin? Magsalita ka na! Bilisan mo! Nagmamadali ako!" Pasigaw na sabi ko. I'm freaking mad right now.

"Tungkol sa sinabi mo kanina. Alam ko na alam ni Daddy ang tungkol sa amin ni Sophia." Sabi niya na ikinatigil ko. But I need to pretend that i'm not affected. Yes Avery! You're good at it. Pretending.

"So? Iyan lang ang sasabihin mo? Ano naman ngayon?" Inirapan ko siya.

He sighed. Mukhang malapit na siyang mainis sa akin. "Alam ko din na hindi fake ang kasal natin." Muntik ng mabali ang leeg ko sa bigla kong pagbaling kay Zake dahil sa sinabi niya.

"Alam mo?" I asked looking surprised. Akala ko ba hindi niya alam. But how?

"Yes. Dad told me before he transferred the Hotel under my name." Tumikhim ito. "Alam ko din na buntis ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman?"

"Sinundan kita sa hospital noong araw na nagpa-check-up ka."

"Alam mo na buntis ako tapos wala ka man lang sinasabi." Nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"I'm sorry. Inaayos ko pa ang tungkol sa amin ni Sophia. I tried to break up with her pero ayaw niyang makipaghiwalay sa akin. She attempted to commit suicide."

"Kaya ba iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw?" Humihikbing tanong ko.

Tumango ito. "I'm scared for you and to our baby. Baka kung ano ang gawin ni Sophia sa inyo." Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Naiintindihan ko. Pero pwede bang doon muna ako kila nanay?" Ngumiti ako sa kanya. "I don't want to be your pretend wife anymore. I want to be your real wife pero sobrang gulo ng isip ko sa ngayon."

"You are my wife for real. Kaya iyon ang isipin mo. Not as my pretend wife." Hinawakan nito ang kamay ko. "Aayusin ko lang ang problema namin ni Sophia tapos ako mismo ang susundi sa'yo. You'll wait for me, okay."

Tumango ako. Napapikit na lang ako ng maglapat ang labi namin. I'm waiting for him to say the three words pero wala itong sinabi. Panghahawakan ko na lang ang sinabi niya. Dahil mahal ko siya.

Tinulungan niya akong magligpit ng mga gamit ko. Ipapahatid na lang daw niya ako sa driver. Baka malaman pa daw ni Sophia kung saan kami pupunta. Baka daw guluhin ako ni Sophia.

At gaya ng napagkasunduan namin ay ang driver ang naghatid sa akin. Nagtataka pa si Nanay ng makita niyang dala ko halos lahat ang mga gamit ko.

Umiyak din si Mama Kate ng magpaalam ako sa kanya kanina. Habang si Daddy Zandro ay pinupukol lang ng masamang tingin si Zake.

"Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Tanong ni Nanay. Matapos niya akong tulungan magligpit ng gamit ko sa bago kong kwarto ay inaya niya akong bumaba para mag meryenda.

"Hindi po Nay." Sagot ko habang sarap na sarap ako sa pagkain ng mainit na sopas. Kung sopas ngang matatawag ang macaroni na may gatas at asin lang.

His Pretend Wife (Completed)Where stories live. Discover now