"Ha! Ang lawak ng imahinasyon mo. Sapilitan lang ang paghatid sa'kin ni Matthew. Saka, ikaw bakit mo ba ginagawang big deal 'yon? Umakyat kana nga sa itaas ang baho mo. Paano ka ba natitiis ng girlfriend mo sa amoy mong 'yan?"

"Nililihis mo ang usapan, eh. Syempre mahal ako nun. Pag mahal mo dapat tanggapin mo lahat ng kapintasang mayroon ang taong mahal mo."

"Gano'n? Corny mo, ah." Natatawang wika niya.

"Ikaw umakyat kana at maligo. 'Wag mo ng paki-alaman ang ate mo."

"All lright, ladies!" Patakbo itong umakyat sa itaas.

"Nagkita na pala kayo ni Matthew. Nakapag-usap ba kayo?"

She stood up and heaved a soft sigh.

"Niyaya niya akong mag-kape, we don't talk too much. I have this feeling na masama ang loob niya sa'kin. Gusto ko man sabihin ang totoo, pinanghinaan ako ng loob. When someone called in his phone. I saw happiness in his eyes. Masaya na siya, 'Ma. Masaya na s'ya sa iba."

"Sigurado ka ba? Bakit hindi ka nagtanong? Mas makakabuting makapag-usap kayo ng masinsinan nang sa ganon, magkaliwanagan kayo."

Matamlay s'yang ngumiti at tumango sa ina. Umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila.

PATAPOS na ang clinic hours at nagliligpit ng gamit si Shailine nang bumukas ang pintuan. Ang seryusong mukha ni Matthew ang bumungad sa kanya. Wala itong imik nang lumapit sa mesa kung saan siya nagliligpit ng gamit.

May diing inilapag ni Matt ang isang brown envelope na bitbit nito.

"W-what's this?"

"Why don't you open it." Seryoso at walang kangiti-ngiting tugon ni Matthew.

Atubiling kinuha ni Shailine ang envelope. Binuksan niya iyon, umuwang bibig kanyang bibig ngunit walang may lumabas na salita.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"I-i'm... I'm sorry, Matt."

"I'm sorry?" Ani Matt na parang hindi makapaniwala. Marahas na hinilamos ang palad sa mukha. "Just sorry, Sha? How could you hide from to me? How could you do this to me? Tell me! Pano mo nagawang itago sa'kin ang anak ko? Ipinagkait mo sa'kin ang karapatang maging ama kay Clarence! Ipinagkait mo sa bata ang magkaroon ng ama!" Sumbat ni Matthew.

Napapiksi si Shailine. Patuloy na umaagos ang luha sa pisngi. Umatras siya ng pukpukin ni Matt ang mesa.

"I-i didn't mean to hide you about Clarence, Matt. Maniwala ka, naunahan lang ako ng takot at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo. I'm so sorry."

"Ganyan ka naman 'di ba? Laging takot sumubok! Kung hindi ka tatakbo, magtatago ka naman. Duwag ka Shailine. At kahit ano pa ang paliwanag na gawin mo, hindi mababago ang katotohanan na ipinagkait mo sa anak ko ang karapatang magkaroon ng ama. You are a self-centered mother."

Humagulhol ng iyak si Shailine. Parang dinukot ang puso niya palabas sa mga binitawang salita ni Matt. Tama ang kanyang ina, kung nakinig lang sana siya sa sinabi nito. Hindi na sila aabot ng sumbatan ni Matt. Nasasaktan siya. Sobra. Pero lahat ng sinabi ng lalaki ay tama. Isa s'yang makasariling ina.

Itinago niya ang katotohanan dahil akala niya iyon ang makakabuti. Kung alam lang sana niyang mas magiging komplikado ang lahat dapat noon pa ay sumugal na s'yang sabihin sa pamilya ni Matt ang tungkol sa anak nila.

Tama ito, takot s'ya sa lahat ng bagay. Palaging nagtatago at tumatakbo, tuwing may problema sila noon. Tatanggapin niya ang ano mang maging desisyon ni Matthew. Igagalang niya ang pasya ng lalaki para kahit paano maibsan ang galit sa kanya.

You're MineWhere stories live. Discover now