Chapter 85: Swordhaven Empire

Start from the beginning
                                    

"Alam mo namang wala akong kaalam-alam sa pag manage ng guild kaya sa kanya lahat napupunta" Nakatawang sabi ni Red

"Yun na nga e, hindi kaba sasama sa amin?" Tanong ni Shan dito na inilingan lang ni Red

"Ayaw akong paalisin, kilala niya no kong sino" Sabi ni Red dito na agad na tinanguan ni Shan

"Mas nakakatakot yung ayaw mag paalis sayo kaysa sa nasa loob ng Swordhaven Office" Sabi ni Shan na tinawanan ng lahat

"Aalis na kami" Dagdag pa ni Shan ng makalapit sila sa Tree Portal

"Goodluck hintayin ko ang magandang balita" Sabi naman ni Red dito at agad na pumasok ang grupo sa Portal at mabilis na naglaho

Habang napabuntong hininga nalamang si Red dito at tumayo sa kanyang pagkakahiga ganon na din ang ngayon ay gising nang si Blue

Agad na pumasok ang dalawa sa castle at nagtungo sa resting hall dito ay makikita ang nakasimangot na mukha ni Airi habang katabi nito si Kate at Rosa

Sa oras na makapasok si Red ay agad na tumingin ng masama si Airi dito dahilan para mapahinto si Red at agad na umupo sa malambot na upuan

"Kamusta na ang project?" Tanong ni Red dito habang agad namang ibinigay ni Airi ang statistics ng project Swordhaven Empire

Agad na tumango si Red ng makita ito, makikita dito ang lahat ng mga Heroes na nag registered at nag accept ng quest, dito din ay makikita ang kanilang contribution points

Sa oras na matapos ang contribution points ay magbubukas ang contribution shop na kung saan ay pwedeng iexchange ng Heroes o Extra ang kanyang contribution points mapa items man ito o iba pa

Sa totoo lang masasabing madali lamang ang project na ito dahil sa lahat ng mga materials ay makukuha na sa Far Away Land at dahil na din sa tulong ng mga aboriginals extra dito ay madaling makakalikom ng mga materials na gagamitin ngunit may isang kulang at ito ay ang manpower

Hindi sapat ang manpower ng mga aboriginals ng Far Away Land para malaking project na ito na meron lamang 3 months time kaya naman nag pasya ang higher ups ng Century Shop na gawin itong isang open quest para sa lahat ng mga Heroes!

Madaming nag tatanong kong paano ang magiging pamamalakad sa itatayong Swordhaven Empire ganon paman ay napag-usapan na ito ni Red at ng mga Core members ng Century Shop Guild at ng higher officials ng Swordhaven Kingdom

Katulad dati ang Swordhaven Empire ay papalakadin ng Century Shop Guild, kong baga ang Century Shop Guild ang tunay na backbone nito habang ang mga officials nito ay mga title lamang

"Meryenda!" Agad na sigaw ni Ericka habang nakasunod dito si Aishia at may mga fruit sandwich sa kamay ng mga ito

Agad namang kumuha si Red dito at kumain habang tumabi sa kanya si Kate at sinubuan ito

"Paano ngapala ang Academy project?" Tanong ko ulit dito na tinanguan ni Airi at lumabas dito ang isa pang papel

"Ito ang unang plano ngunit agad ko itong pinabago sa mga architects" Sabi nito habang kanyang ibinigay kay Red ang dalawang blueprint

Isang itong blueprint ng academy habang agad na napatango si Red ng makita ang bagong plano

"Oo ngapala Airi may makikipag-usap sayo tungkol sa Academy at nag mumula ito sa World Education tinawagan ako ng mga at gusto nilang makipag partner sa atin sa project na ito" Sabi ni Red dito na nag pangiti sa labi ni Airi

"Totoo?" Tanong nito na tinanguan ni Red habang agad namang napabuntong hininga si Airi dito

"Isa sa mga kakaharapin nating malaking problema sa oras na magawa ang Swordhaven Academy ay ang kakulangan ng mga staff at instructor ngayong gustong tumulong ng World Education ay wala na akong problema" Masaya nitong sabi habang agad na kumagat sa kanyang fruit sandwich

Habang sa oras na iyon ay nagkatinginan si Red at Kate at hindi nila alam kong anong magiging reaksyon sa mabilis na pag bago ng mode ni Airi

Ganon paman ay hindi na ito pinansin ng dalawa at nagpatuloy sa kanilang pagkain

*****

Lumipas ang isang buwan na walang masyadong nangyari sa laro maliban nalamang sa iilang mga guild war na nagaganap sa Great Central Continent ganon paman ang mga pangyayaring ito ay hindi nakaka apekto sa ginagawang Swordhaven Empire sa Far Away Land Central Region bagkus ay mas bumilis pa ang production work ng buong lugar

Ang dating napakalawak na kapatagan ay mabilis na napalitan ng mga tinatayong mga buildings habang nakapalibot dito ang isang napakataas at napakalaking pader na sa oras na iyon ay malapit na ding matapos habang makikita sa taas ng mga ito ang mga anti siege magic canon!

Habang makikita naman ang nag papatrol na mga soldier ng Swordhaven ang Swordhaven Legion na nasa kamay ni General Kera

Masasabing puno ng buhay ang buong lugar at dahil sa mga world class engineers at architects at iba pang mga profession ay masasabing isang world class ang buong lugar ng Swordhaven Empire sa oras na matapos ito!

Ibat ibang idea at ibat ibang mga paniniwala ngunit iisa lang ang mga gusto ng lahat! Ito ay matapos ang Swordhaven Empire!

Habang lahat naman ng mga sumaling heroes at extra sa quest na ito bilang laborers at workers ay nakakatanggap ng libreng tent na kanilang tinutulogan at libreng pagkain na nagmumula mismo sa Production Department ng Century Shop Guild!

Dahil sa masasarap na pagkain na ginagawa ng Century Shop Guild Cooks ay masayang nakakapagtrabaho ang lahat!

Ito ang tunay na kapangyarihan ng masarap na pagkain!

Sa oras na iyon ang buong Far Away Continent ay unti-unting nababago sa dati nitong pamumuhay!

*****

Round Table Company

"Sir nakahanda na po ang main system para sa events"

Tumango si Ronan Lux ng marinig ito at tumingin sa malaking screen sa kanyang harapan

"Kong ganon i release ang events"

Sa oras na sabihin ito ni Ronan ay agad na nakatanggap ang lahat ng mga heroes sa loob ng World of Weapons!

Ting! World Announcement

The most awaited events is here!

World of Weapons Book I "Gods and Goddesses"Where stories live. Discover now