***Finale***

7.2K 130 1
                                    

******

Note: Long update. Finale na! Huhu! Hope you'll like it. Beware of POV changes on the latter part of the chapter.

******

"Mama! Look! I can already swim from here up to there!" nagmamalaking sigaw ni Hash at nagsimulang lumangoy papunta sa kabilang dulo ng pool.

Gab was happily swimming on her side to guide her.

Kumaway ako ay ngumiti sa kanila when they reached the other end of the pool. Nasa gilid kami ng bahay. Like what Gab said before ay nagpagawa nga talaga siya ng swimming pool dito sa gilid ng garden namin.

He really loved swimming kaya pati ako ay nagustuhan na rin iyon. Pati anak namin ay idinamay na niya. Two years old pa lang si Hash ay sinanay na niya sa tubig kaya ngayong five years old na si Hash ay mabilis at magaling nang lumangoy kahit sa ilalim pa ng tubig.

But even though Hash was already good in swimming ay inaalalayan pa rin niya dahil masyado siyang paranoid. Takot na kasi siyang maulit iyong nangyari when Hash was almost three years old. Dahil sa sobrang kaharutan nilang mag-ama sa kakahabulan ay tumalon si Hash sa pool. Takot na takot kaming dalawa dahil nakainom ng maraming tubig si Hash noon. Buti na lang at naagapan namin.

Pareho kaming nasermunan ng husto nila Mama at Mommy dahil sa kapabayaan namin. Two weeks naming di nakasama si Hash dahil doon. One week siya sa parents ni Gab and another week kila Mama. Iniiyakan ko na nga sila noon para ibalik na si Hash sa amin dahil pareho kami na hindi sanay na hindi nakakasama parati ang anak namin pero dapat daw kaming turuan ng leksiyon.

Wala na akong masabi pa dahil in-spoiled na masyado ng mga lolo at lola niya si Hash. Lalo na si Gab na lahat ng gusto ng prinsesa niya ay ibinibigay niya kahit madalas ay hindi naman kailangan ni Hash. But the good thing is hindi naman spoiled brat ang anak namin. She was actually a very good daughter. I taught her to always follow whatever we are telling her to do. I taught her to be respectful. Kahit na medyo may kakulitan ay madali rin naman siyang sawayin at pangaralan.

Umahon silang mag-ama sa pool. Pinunasan ni Gab si Hash ng towel. They were both laughing while fondly talking to each other. Nag-high five pa silang dalawa. Super close talaga silang mag-ama. Gab was always telling us that Hash was her small girl version dahil parehas sila ng mga hilig.

After Hash almost drowned in the pool ay sinabihan ko si Gab noon na i-enroll sa isang swimming class ang anak namin but he refused. Bakit naman daw niya gagawin iyon if he could teach her princess by himself. Baka daw bosohan lang ng ibang mga batang lalaki si Hash doon. Like what the heck! Sinong bata naman ang makakaisip na bosohan ang kapwa niya bata? Masyado kasi siyang overprotective kay Hash.

Tumakbo si Hash papunta sa akin.

"Princess, careful! You might slip on the floor!" saway ni Gab sa kanya.

My princess was wearing her favorite pink swimwear. Sobrang cute niyang tignan sa suot niya.

"Mama! Did you see that? I can swim now up to the other end of the pool!" excited na sabi niya nang makalapit sa akin at nagtatatalon pa.

I kissed her and she giggled. "Yes, baby. Mana ka talaga sa papa mo, princess. Ang galing mo nang mag-swimming. I love you, Hash."

She kissed my lips. "I love you, too, Mama!" Bumaling siya sa tiyan ko. "I love you, too, baby brother! Hey, did you see that? I can swim longer distance now! I'm gonna teach you how to swim soon, baby. Kaya labas ka na sa tummy ni Mama, okay?" masayang saad niya habang hinahaplos ang tiyan ko.

I smiled while caressing her wet hair. I was now almost eight months pregnant. Medyo hirap na akong gumalaw dahil malaki na ang tiyan ko.

Kinuha ko ang towel niya at pinunasan ang basang buhok niya. "I made your favorite lasagna."

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now