Chapter 29

4.6K 92 0
                                    

It's now Abby's fifth month of pregnancy. Nawala na ang morning sickness niya. Hindi na rin siya maselan sa pagkain unlike before na kung anu-ano ang mga hinahanap niya at ipinapabili sa akin. Although matakaw pa rin siya dahil sabi ng OB niya ay natural lang daw iyon sa buntis dahil dalawa na sila ng baby na kumakain.

Napalingon ako kay Abby nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ang lamig ng palad mo, Gab. Natatakot ka, 'no? Kanina ka pa parang aso na di maihi bago pa lang tayo umalis ng bahay eh," sabi niya na halatang nagpipigil ng ngiti habang nakaupo kami dito sa waiting area ng OB-Gyne clinic at naghihintay na tawagin ang pangalan niya for her appointed check up today.

Nang-aasar na naman itong asawa ko. "Geeez, stop tripping on me, Abby." Taena! Nababaklaan talaga ako sa expression na iyon pero nasanay na rin ako katagalan. Si Abby mismo ang nagre-remind sa akin palagi na iyon ang sasabihin ko at wag nang magmumura dahil maririnig daw ng baby namin iyon.

Saka ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako ngayon. Last month naman ay nagkaroon ulit siya ng prenatal check up para i-check ang blood pressure niya at ang paglaki ng tiyan niya and all went well naman. Relaxed pa nga ako that time. But now I'm having mixed emotions. Excitement and nervousness is making me uncomfortably crazy. Ngayon na kasi ang second ultrasound niya at ngayon na rin namin pwedeng malaman ang gender ng baby namin. Would it be a HashLeigh or a Gyle? Or would it be twins like what she's insisting?

"Gab, paano kung twins nga ang nasa tiyan ko?"

Here she goes again. I entwined our fingers and held her hand tightly. "Abby, what did I tell you before?"

Nalungkot bigla ang mukha niya. "Not to hope about that," parang maiiyak na sabi niya.

I turned my upper body so I could take a look at her closely. I touched her cheek and caressed it with my thumb. "Will you be disappointed if you're only carrying one baby inside your tummy instead of two?"

Umiling siya, teary eyed. She looked down on our entwined fingers. "Siyempre hindi. Nae-excite lang siguro ako dahil doon sa mga panaginip ko. Paulit-ulit kasi even until now and they're calling me Mama."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya kaya maagap ko iyong pinahid ng mga kamay ko. Niyakap ko siya. "Ssssh... Wag ka nang umiyak, honey."

"Ano ba 'yan, alam na ngang buntis iyong asawa, pinapaiyak pa."

"Oo nga, kawawa naman iyong babae. Dapat sa mga lalaking ganyan di lumiligaya eh."

Tumaas ang kilay ko sa mga narinig kong komento ng mga katabi namin dito sa waiting area. Nilingon ko sila. Isang babaeng buntis na mukhang nasa early twenties at bakla iyong kasama. Sisinghalan ko na sana dahil sa inis ko pero pinigilan ako ni Abby. She looked at them.

"My baby and I are so blessed for having a very loving and caring husband and father. Ikaw, nasaan ang asawa mo?" taas-kilay na sabi ni Abby.

Napanganga na lang iyong dalawang dahil sa sinabi niya saka nag-iwas ng mga tingin dahil halatang napahiya.

"Ang sexy and hot mo talaga pag nagtataray ka. You're turning me on without any effort, Mrs. Montreal."

She smiled and kissed my lips. "Ikaw naman bakit ba ang gwapo-gwapo mo na kahit kasama mo na ang asawa mong buntis eh pinagtitinginan ka pa rin ng mga babae sa paligid?"

"Di kaya."

Ngumuso siya sa likod ko kaya napatingin ako. True to her words, meron ngang grupo ng mga babae ang biglang nag-iwas ng mga tingin nang lumingon ako. I turned to her again. "Gwapo nga kasi."

She rolled her eyes on me. "Tumaas na naman ang storm signal."

"Eh kahit naman mapatingin ako sa kanila, your eyes are like magnets, hinahatak ang mga mata ko pabalik para sa iyo lang tumitig." Natawa ako nang bigla siyang napangiti at namula. I kissed her lips. "Blushing momma!"

Faded Memories (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt