"Hindi mo ba nararamdaman na nasa paligid n'yo lang ako? Hindi ka ba nagtataka kung bakit di umiiyak si Hash every night at tulog na tulog ka? Because I was always there, Abby. Kasama n'yo ako parati. Nayayakap kita at nakakasama ko kayo ni Hash habang tulog ka. Binabantayan ko si Hash sa kabilang bahay, ipinapasyal ko siya habang nag-aaral ka. I kept my promise to always guard and protect you."

Nakatingin lang siya sa akin until her forehead creased. Her jaw tightened and she started hitting me. "Akala mo ba nakakatuwa iyong ginawa mo? Nandito ka lang pala at pinagmumukha akong tanga! Bakit ka ba ganyan ha? Why do you always keep things from me? Akala mo matutuwa ako na palihim mo kaming binabantayan? Lalo lang akong nabubwisit sa ginawa mo!"

Tumayo siya pero pinigilan ko siya sa mga braso at ibinalik sa pagkakaupo niya.

"Please, Abby. Just hear me out. And please, gusto kong mag-usap tayo ng maayos ngayon. Ilabas mo lahat ng mga sama ng loob mo sa akin. Sumbatan mo ako. You can hit me again and again just like before you left me if it would make you feel better. Just please, ayusin naman natin itong mga problema natin. Hindi ko na kasi kayang malayo sa inyo ng anak natin."

She took a deep breath bago bigla na lang humagulgol ng iyak. It pained me too much to see her weeping like that dahil parang bigla na lang niyang inilabas sa iyak na iyon ang lahat ng sakit na inipon niya sa loob niya dahil sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya.

I smiled bitterly while my tears began swelling from my eyes before I sat beside her and embraced her tightly. I let her cry and pour her heart out inside my arms while I was crying also.

She gripped my shirt tightly at my back. "Bakit? Gusto ko lang masagot ang lahat ng mga bakit sa isip ko," hirap na sabi niya habang umiiyak. "Bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan noon at mas naniwala ka pa sa mga kasinungalingan ni Carmela kaysa sa akin? Gano'n ba kababa ang tingin mo sa pagkatao ko? Sa pagkababae ko? Na kaya kong ibigay sa kung sinu-sino lang ang sarili ko? Di ba sabi mo noon sa island, mahal mo na ako dati pero nagse-self-denial ka lang dahil natatakot kang masaktan na naman? Bakit hinayaan mo lang na sirain niya tayo at iyong pinagsamahan natin kung talagang mahal mo ako?"

Ilang segundo rin akong natahimik dahil sa mga itinanong niya. Masakit ang isampal at isumbat sa mukha mo ang mga nagagawa mong pagkakamali at kasalanan.

Inilayo ko siya ng bahagya para matingnan. "Because when it comes to my feelings for you, nagiging idíotic ako. Nagiging selfish ako. All I could think about that time was just my own feelings and how I was badly hurt when I thought that those fabricated photos were true. At kung may pinakamalaki man akong nagawang mali sa buong buhay ko na sobra-sobrang pinagsisisihan ko ay iyon 'yong hindi ako nagtiwala sa iyo na naging ugat ng sunud-sunod na mga problema sa buong pagsasama natin mula noong bago pa lang tayo ikasal hanggang sa ngayon. We lost our children because of that, Abby. Hindi ko rin matanggap iyon kaya habambuhay ko nang pagsisisihan iyon."

"Bakit instead na sabihin mo na lang sa akin eh inilihim mo pa ang tungkol sa pagkawala nila? Di mo man lang ba naisip na mas masakit para sa akin na malaman na nagtago ka sa akin ng ganoon kaimportanteng bagay kaysa sa nagsabi ka na lang sana ng totoo?"

"Abby, you know that I'm gonna do everything just to protect you, right? And that meant not only about protecting you physically but also protecting you emotionally. Na-witness ko noon kung gaano ka nasaktan when we lost our first baby and I don't want you to go through that pain again kapag nalaman mo ulit ang tungkol doon lalo na kapag nalaman mong isang beses pa ulit na nangyari iyon sa iyo. At kahit dumating pa iyong time na gusto ko nang sabihin ang totoo sa iyo ay pinipigilan naman ako ng takot ko na baka iwan mo ako at masira and pamilya natin lalo na at kasama na natin si Hash dahil mahal na mahal ko kayo pareho.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now