"Forever baba ka na talaga, Montreal!" He turned to Hash. "Hash, he's not baba. He's a mumu. You say mu-mu."

Sinuntok ko siya sa braso pero tawa pa rin siya nang tawa.

"Wu-wu," sagot naman ng anak ko.

Lalo pang lumakas ang tawa niya. "Hash, it's mumu. Come on, you say mu-mu."

"Wuwu!" sigaw ni Hash saka tumawa ulit.

"Baliw ka talaga, Arellano! Wag mo ngang turuan ng mga kalokohan ang anak ko!" bulyaw ko sa kanya habang itinatago ko sa bulsa ang phone ko.

His laughter slowly died and his face suddenly became serious. "Iyong anak ko kaya, nakakapagsalita na rin siguro siya. Madaldal na siguro siya ngayon. One year old na siya this April eh."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kinarga ko si Hash dahil baka nangangawit na dahil kanina pa nakatayo. Tumayo na rin kami ni Gomz.

Inilibot ko ang mga mata ko dito sa park. "Dude, may sasabihin sana ako sa iyo, eh. Mukhang nakaligtaan na kasing banggitin ni Abby sa iyo. Kaya nga dinala din kita dito sa park kasi nagbabaka sakali din ako na makita ko sila ulit."

He frowned. "Sinong sila?"

"Noong minsan na ipinasyal ni Abby si Hash dito mismo sa park na ito, nagkita si Abby saka si Gwynne."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Sigurado kang siya iyon?"

"Ano naman ang tingin mo sa akin? Bobo? Kahit ang laki ng ipinagbago ng itsura niya, nakilala ko pa rin siya. Saka tinawag din siya ni Abby. Nagka-usap pa nga sila."

"Kasama niya iyong anak ko?"

"May kasama siyang bata. Malamang anak mo iyon. Kamukha mo eh. At tama ka, lalaki nga iyong bata."

"Fúck it!" he hissed under his breath. "Ang tagal ko nang naghahanap pero nandito lang din pala sila."

"Kaya lang biglang may lalaking tumawag at sumundo sa kanila. Di ko alam pero baka boyfriend niya iyon, dude."

Biglang naging blank ang facial expression niya at hindi na nagkomento pero alam kong nag-iisip na siya ng mga hakbang kung paano magsisimulang hanapin ang anak niya.

******

"Okay, baby, last one! Open your mouth. Say aaaah..."

Ibinuka naman ni Hash ang bibig niya. "Aaaaaaaah..." she said bago ko isinubo sa kanya ang last teaspoon ng yogurt. Nandito kami sa terrace ng kwarto namin, dito ko siya pinakain.

Pinaghahalikan ko ang mukha niya. "Very good ang baby ko na iyan. Lakas-lakas kumain. Look oh, chubby na ang cheeks mo." Pinunasan ko ang konting yogurt sa corner ng mouth niya.

Napansin kong tumingin siya sa likod ko. "Baba!"

Napalingon naman ako sa likod ko para tingnan kung sino iyong tinatawag niyang baba pero wala naman. Natakot pa ako na baka nakakakita na ng multo itong anak ko dahil ang alam ko ay wala naman nakatira sa bahay na iyon.

"'Nak, masama na iyang kakatawag mo ng baba na iyan ha. Baka may third eye ka na pala, hindi ko pa alam."

Tumingin ulit siya sa likod ko at kumumpas pa ang mga kamay at sumigaw ulit ng baba saka tumawa.

"Stop it, little princess. Kakantahan na lang kita. Your papa's not there. Walang tao doon, okay?"

"Baba!"

Nataranta na ako kaya kinanta ko ang first song na pumasok sa utak ko. "Pearly shells from the ocean. Shining in the sun. Covering the shore. When I see them, my heart tells me that I love you. More than all those little pearly shells.♪"

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon