******

Pigil ko ang mga luha ko habang nagmamaneho papunta sa bahay ng parents ko dahil natatakot na akong mangyari ulit iyong aksidente lalo na at kasama ko pa si Hash ngayon at pagabi na rin.

Itinigil ko ang kotse ko sa may pathway at pumasok sa bahay namin karga si Hash. Sinalubong kami ni Mama na ngiting-ngiti nang makita si Hash pero nawala iyon nang makita niya ang itsura ko.

"Abby?" she said worriedly pero napalingon kami pareho nang may nagsalita.

"Aba, may bisita pala kaming magandang baby," sabi ni Gomer na kalalabas lang mula sa office ni Papa dito sa bahay. Kasunod niya si Papa.

"Abby, hindi n'yo kasama si Gab?" Papa asked me.

Para namang tukso dahil bigla na lang pumasok sa front door si Gab.

Great! Lahat ng mga taong nanloko at naglihim sa akin ay nandito ngayon!

"Paano n'yo nagagawang humarap lahat sa akin nang nakangiti ha? Hindi man lang ba kayo nakokonsensya?" sabi ko sa kanilang lahat kaya natigilan sila. "Ang gagaling n'yong umarte lahat. You all deserve a round of applause and a standing ovation for a very good acting."

"Abby, what are you talking about?" Papa asked.

"Wag na kayong umarte na parang hindi n'yo alam ang mga sinasabi ko. Bakit, Mama, Papa? All my life I thought kakampi ko kayo pero bakit pinagkaisahan n'yo ako? Ang sakit-sakit na kayo pa mismong mga magulang ko ang nagtago sa akin ng isang napakaimportanteng bagay na may kinalaman sa buhay ko."

Hindi ko na napigilan ang maiyak. Ayokong sumbatan ang mga magulang ko dahil sobrang taas ng respeto ko sa kanila pero sobrang nasasaktan ako ngayon at pakiramdam ko ay wala akong kakampi dahil lahat sila ay pinagkaisahan ako. Sila lang ang inaasahan kong matatakbuhan kapag may problema ako pero hindi ko magawa iyon ngayon.

Papa turned to Gab. "Gab, hindi ba't napag-usapan na natin ito?"

Lalo na akong napaiyak. "Na ano? Na itago sa akin ang lahat? Niloko n'yo kong lahat, Papa. Ang sakit-sakit na malaman na pati kayo ni Mama ay involved sa paglilihim sa akin. Bakit, akala n'yo ba magiging permanent na talaga ang amnesia ko at hindi ko na maaalala ang lahat ng mga nangyari noon?"

Napaiyak na rin si Mama. "Abby, we only did that because we don't want you to go through all those pain again."

Umiling ako. "Mas lalo n'yo lang akong sinaktan sa ginawa n'yo. Bakit ba lahat na lang sa buhay ko ay kayo ang nagpaplano? Kung hindi sana kayo nakikialam, hindi ko sana mararanasan ang mga sakit at hirap na pinagdaanan ko. You planned everything for me dahil akala n'yo ay iyong mga iyon ang makakabuti para sa akin, but no!" Nilingon ko si Gab at itinuro ko siya bago bumaling ulit sa mga magulang ko. "He made my life miserable for a long time because he thought I was cheating on him for some other guys. Kayo ang pamilya ko and I thought you all love me pero wala pala akong matatakbuhan kahit isa sa inyo."

"Abby, ginawa lang namin kung ano ang sa tingin namin na makakabuti para sa iyo dahil mahal na mahal ka namin. You're now a parent too at alam namin na gagawin mo rin ang mga ito if this happens to Hash," sabi ni Papa.

Umiling ako ulit. "I don't know, Papa. Ang alam ko lang ngayon ay nasasaktan ako because I felt betrayed by all the people around me," sabi ko saka tumalikod sa kanila at naglakad na palabas ng pinto. They all called me, umiiyak pa si Mama pero hindi ko na sila pinansin.

Nilapitan ako ni Gab at pinigilan sa braso. "Abby, please hayaan mo naman akong magpaliwanag. Wag mo naman akong iwan."

"Stay away from me, Gabriel. Wag mo na kaming susundan. You've already hurt me beyond what I could take. Tama na. Wag mo nang dagdagan. Baka sakaling mapatawad pa kita sa lahat ng mga kasalanan mo sa akin kapag hindi na kita nakikita," hindi tumitingin na sabi ko sa kanya.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon