"Sa 'yo ba galing iyong mga pictures na may mga mukha ko?"

"Oh! Nakita mo pala? Parang totoo 'no? Paniwalang-paniwala nga si Gabriel eh."

I clenched my teeth and stopped walking. Dàmn it! Kay Carmela galing iyong pictures kaya galit na galit si Gab sa kanya. Pero nasaan iyong anak namin? Hindi iyon mawala sa isip ko.

Palabas na ako dito sa bathroom na malapit sa kitchen, I was about to turn the door knob when something hit me hard that almost tore my world apart.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sa sobrang galit ko ay sinugod ko si Carmela at sinabunutan siya. "Hayop kang babae ka! Sinira mo ang pagkatao ko kay Gab!"

"Mas hayop ka! Mang-aagaw!" Pinagsasampal ako ni Garmela. Lumaban ako sa kanya. We fought until Gab found us. He pulled me from her and pushed me so I fell on the floor and I felt an excruciating pain in my abdomen.

Napailing ako. No! Dàmn it, no! Napaluhod ako sa harap ng pinto kasabay ng pagtulo ulit ng mga luha ko. Hindi kayang tanggapin ng utak ko iyong nangyari. How I wish they weren't true. Sana nagkakamali lang ang utak ko sa mga naiisip ko dahil sobrang sakit. It pained me a lot to know what really happened to my baby. I covered my mouth to stop myself from sobbing loudly. I wasn't able to give birth dahil nakunan ako.

Dàmn it! Dàmn it! Nakunan ako!

I shook my head again. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang mga nangyari.

Iyong sakit na naramdaman ko dati ay parang bumalik lang. Naging sariwa lang ulit iyong sakit at iyong sugat. Parang paulit-ulit na naman akong pinapatay ngayong naiisip kong nawala iyong anak namin ng dahil sa kanya. He pushed me para tigilan ko ang pananakit kay Carmela pero buhay naman ng anak ko ang naging kapalit no'n. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nasasaktan ngayon. Hindi ko man lang nahawakan iyong anak ko na tulad ng nagagawa ko kay Hash ngayon.

Biglang bumalik sa isip ko iyong mga panaginip ko dati. Iyong dalawang bata. They called me Mama in my dreams. Kaya ba nakakapanaginip ako ng mga ganoon dati dahil ang totoo ay sila iyong magiging anak dapat namin? Kung ganoon kambal pala dapat ang anak namin? Sabi ko na nga ba eh. Malakas ang pakiramdam ko na konektado sila sa akin. Pero kahit paulit-ulit kong sinasabi iyon kay Gab dati, kung anu-anong mga palusot lang ang sinasabi niya sa akin. Sinadya niyang itago iyon sa akin! Bakit, akala ba niya hindi ko na ulit maaalala ang mga iyon so he played safe by keeping those things from me?

Bullshít! Gusto kong magsisigaw para malaman ng lahat kung gaano ako nasasaktan ngayon. Bakit, Gab? I thought you love me? Bakit naglihim ka sa akin? Umupo ako ulit sa lapag at sumandal sa pinto. I embraced my knees and leaned my head on them and wept silently.

******

Nilagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko tulad ng parati niyang ginagawa. Kwento pa siya nang kwento habang kumakain.

"Honey, di mo ginagalaw ang pagkain mo. Ayaw mo ba ng ulam? Bigla mo kasing iniwan iyong iluluto mo sana kanina kaya kay Manang ko na lang ipinatuloy. Do you want me to cook something else?"

Umiling ako saka pinilit na sumubo ng pagkain na halos hindi ko naman malunok. No matter how much sweetness he'd show me, hindi ko pa rin iyon ma-appreciate pagkatapos kong maalala iyong mga bagay na itinatago niya sa akin. Kahit na nagawa ko na siyang patawarin noon tungkol sa bagay na iyon ay sobrang sakit pa rin sa dibdib ko ngayon na naalala ko na ulit ang mga nangyari noon.

When those memories came back to me, they also brought back the pain and my agony. Iyong 'yong times na alam kong sobrang nanlalamig na siya sa akin and I was thinking na kapag nalaman niyang magkaka-baby na kami ay baka magbago na ang treatment niya sa akin.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon