May kung anong kasiyahan akong naramdaman nang umiling si Gab.

"It's not what you think! She's different! Iba siya!" Si Gab.

"No, babe! Akala ko ba kilala mo siya? Bakit hindi mo alam na may tinatago ring kalandian ang babaeng iyon? Puta rin siya at kaya kong patunayan sa iyo iyon!"

"Don't ever call her that because unlike you, she never looked at any guys around her and she never left my side especially during those times when I was too broken after you left me," sigaw ni Gab sabay alis.

Napalunok ako. Ako ba ang tinutukoy nila? Maaari rin naman na hindi. Sa dami ba naman ng mga babae ni Gab na patay na patay sa kanya, alam kong bukod sa akin ay may ibang mga babae pa rin siya. But why is my heart telling me otherwise? Dahil simula nang magkasama kami, pakiramdam ko ay ako lang ang babae sa buhay niya.

"No! Gabriel, you can't do this! Maaayos din natin 'to, Gab. Hindi mo pa naman siya mahal di ba? Ako pa rin ang mahal mo di ba, Gab!" sigaw ni Carmela. She ran after him and hugged him from behind. She looked so desperate.

Nakayuko lang si Gab sabay tanggal ng mga kamay nito sa kanya. "Hindi ako option lang, Carmela, na babalikan mo kung kelan mo lang maisipan. Wala ka nang babalikan dito kaya tigilan mo na ako," he told her before walking away.

******

Finals na namin at sobrang worried and stressed ako dahil halos hindi ko na rin nakikita si Gab. Isang linggo na rin siyang absent. Sobrang nami-miss ko na siya. Classmates kami pero ewan ko doon, di man lang tumatawag or nagte-text. Feeling ko may problema siya.

Huling pagkikita namin ay sa condo niya. Ayon, nag-sparring lang kami buong magdamag noon at kinaumagahan ay inihatid niya lang ako sa bahay. After that ay di na siya nakikita dito sa school.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang eksenang nasaksihan ko between Gab and Carmela. Hindi ko alam kung sino ang pinag-aawayan nila. At bakit biglang bumalik si Carmela? Kinakain din ako ng takot dahil baka nagkasundo at nagkabalikan na pala sila ni Carmela kaya di pumapasok si Gab lately.

Nasa library ako ngayon at nagre-review for the exam tomorrow. Madalas ay si Gab ang kasama kong nag-aaral dito kaya ngayon ay ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko. Nabo-bored ako at tinatamad mag-aral. Nasanay na kasi ako na kasama ko palagi si Gab para i-review ako at siya ang nagtatanong sa akin ng mga possible questions na maaaring lumabas sa exam. Siya ang ginagawa kong inspiration sa pag-aaral.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may naramdaman akong humahalik sa mga labi ko, sa pisngi ko pababa sa leeg ko na ikinatayo ng mga balahibo ko. Nakapikit man ako ay kilala ko ang init ng mga labing iyon at iyon din ang idinidikta ng puso ko.

I slowly opened my eyes and I saw my life. Napangiti ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Di ko mabasa ang expression sa mukha niya. Ang lalim ng mga mata niya at ang laki ng eye bags niya na para bang pagod na pagod siya at di nakakatulog. Namumula rin ang mga iyon na parang galing siya sa pag-iyak? I frowned in confusion. May nangyari ba sa kanya? I can see sadness on his face.

"Gab?" bulong ko dahil baka marinig ako ng librarian at palabasin ako dito.

He gave me a weak smile. Hinalikan niya ang sentido ko. Napapikit ako. I cupped his face at hinalikan siya sa mga labi. Napapikit siya sa ginawa ko. Siya ang unang bumitaw sa halik na ipinagtaka ko because he loves kissing me long and passionately. He heavily sighed at hinila ako palabas ng library.

We went to his car. Hila-hila niya lang ako at hinayaan ko lang siya. Nakakapanibago lang kasi ang tahimik niya habang nasa biyahe kami. Ni hindi siya nagsasalita. I was so curious kung ano ang iniisip niya.

Faded Memories (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora