Dàmn it! Ang gago mo, Gab! You deserve all that's happening to you right now.

"Gab...?"

Napabalik ako sa realidad when I heard my name. Ang sarap talagang pakinggan kapag tinatawag ng mahal mo ang pangalan mo.

"Uy, Gab, nakatulala ka diyan. Kanina ka pa ba diyan?" untag ulit ni Abby.

Napakurap pa ako. Hindi ko napansin na napatulala na pala ako. "Ahhmm... Ahhhh... H-hindi naman. Good morning, honey!" nabubulol pang sabi ko.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "You're thinking about pervert things na naman about me 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko. "What?! Hindi 'no!"

She gave me a scrutinizing gaze. "Yeah, yeah, talk to my foot, Gabriel. Para namang di ko kabisado ang mga tumatakbo diyan sa utak mo."

Napangiti ako. "Bakit, ano ba sa palagay mo ang mga tumatakbo sa utak ko?"

"Puro kahalayan!" diretsong sagot niya.

Natawa ako ng malakas. "Mahalay nga ang utak ko, Abby, pero di naman kita oras-oras minamanyak sa isip ko. Right now I'm thinking about how lucky and how blessed I was for having a very lovely Abigail Laire Montreal in my life as my wife," I said smiling.

Her cheeks turned crimson red and she gave me a shy, gentle smile. Kumalabog ang dibdib ko. Shít, ngiti pa lang iyon pero nag-somersault na ang puso ko sa loob ng rib cage ko. I smiled back.

"Ang cheesy mo. Di bagay sa iyo."

"Eh ano pala ang mas bagay sa akin?" nakangiting tanong ko.

"Mas bagay sa 'yo ang maging mahalay," she said then she giggled.

Natigilan ako saglit dahil sa pagtawa niyang iyon. For the first time since I brought her here ay ngayon lang siya tumawa ng ganoon sa harap ko dahil madalas ay tinatarayan niya ako. It made me so happy dahil hindi na siya naiilang sa akin ngayon.

"Gab! Hoy! Tulala ka na naman."

I looked at her and smiled.

"Tsssss... Freakin Pervy Gabriel Montreal, maupo ka na nga diyan. Saglit na lang ito. Hindi na kita ginising, ikaw na lang kasi parati ang nagluluto kaya naiisip ko na ako naman ngayon," sabi niya habang naghahalo ng niluluto niya.

I walked slowly towards her without removing my gaze on her. Dàmn! I missed my Abby so much. Without saying anything, I just hugged her from behind.

"Gab..." she said surprisedly pero mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Abby, miss na miss na talaga kita. I miss my wife already. Please hayaan mo muna akong yakapin ka nang ganito. You don't know how much I want this to happen again, so please just let me do this," I pleaded.

Naramdaman kong kumalma siya. She turned the stove off at hinayaan akong yakapin siya.

I buried my face on her neck and kissed it lightly. "Mahal na mahal talaga kita, Abby. Please, huwag mo akong iiwan ha? Kahit anong mangyari, please just stay with me. Hindi ko kakayanin na pati ikaw eh mawawala pa sa 'kin. I'd rather choose to die than to see you leaving me." Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga lumabas sa bibig ko. Maybe because those are the things that my heart wants to say. What my heart knows. God knows how much I love this woman. Napasinghot ako.

"Gab..." she whispered. Naramdaman kong may pumatak sa braso ko. Iniharap ko siya sa akin. Umiiyak siya? I smiled apologetically as I wipe her tears. I cursed myself for making her cry again. Nasasaktan akong nakikita siyang lumuluha because of me.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon