I woke up this morning na parang mabibiyak na naman ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mga bagay na pilit na pumapasok sa isip ko. Fragments of memories na parang nangyari na dati pero kahit anong pilit kong isipin ay hindi ko talaga maalala. Sumasakit lang lalo ang ulo ko pag pinipilit kong alalahanin. Malaking tulong ang mga medicines na iniinom ko. Kahit papaano ay nababawasan ang pananakit ng ulo ko.

It's been a month since I got out of the hospital but I still couldn't remember what happened to me and why I was there. Sabi nila Mama ay naaksidente raw ako. My car was hit by a truck. Pero hindi ko naman matandaan how the accident happened.

And I'm still bothered when Gabriel Montreal hugged and kissed me and claimed me as his wife. Nagulat ako doon pero kasabay naman noon ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. I don't know why. Even I couldn't explain what I felt at that moment. I know him. Magkababata kami at alam kong womanizer na siya even when we were still young. But I know he has a girlfriend named Carmela. Naririnig ko lang sa mga rumors sa school pero di ko pa iyon nakikita.

Then all of a sudden he'll just claim me as his wife?! How come? I asked my parents about it. They confirmed to me that he really is my husband now but I really couldn't remember how it happened. They told me that I was suffering from an unusual kind of amnesia where I could remember my past but all my recent memories were totally obliterated that is why I couldn't remember anything. All I could remember are my memories until I was in third year high school. After that, wala na.

Everything was erased. They explained everything to me pero parang tumatanggi naman ang isip ko sa mga information na sinabi nila.

My parents want me to live with Gab. Doon daw sa bahay namin pero tumanggi ako. Ayaw ko dahil natatakot akong makasama si Gab. Manyak siya! Hinalikan ba naman ako noong isang araw. Kahit na asawa ko pa siya, still, hindi ko naman matandaan iyong mga pinagsamahan namin. Hindi ko nga maisip na posibleng magustuhan ko siya in a romantic way. Maiilang lang ako sa kanya.

Araw-araw pumupunta si Gab sa bahay na hindi naman niya ginagawa dati. Bibisita lang siya. Mangungulit. Tapos tititigan ako kaya lalo akong naiilang sa kanya. Hindi ako sanay sa mga titig at pang-aasar niya kaya umiiwas ako. Although my curiosity is bothering me. I wanted to ask him about us. I wanted to know how we ended up marrying each other pero umuurong naman ang dila ko whenever I'm trying to approach him.

All I could remember was the fact that I hated him. Yes, I hate Gab dahil napakababaero niya. Kabi-kabila ang mga babae niya kahit na may girlfriend na siya. I could still remember when we were in sixth grade, bigla na lang niya akong hinila at hinalikan noon para makaiwas sa mga babae niya. Tapos sinabihan lang ako ng "thank you"! Ang kapal ng mukha niya! He stole my first kiss tapos thank you daw! Kaya galit ako sa kanya.

Tapos ngayon bigla ko na lang malalaman na mag-asawa na kami? Sinapian ba ako? Ginayuma niya? Ako mai-in love kay Gabriel Montreal? Paano? Hindi ko matanggap na ang stupid ko pala para ma-fall sa kanya and worst, pinakasalan ko pa siya! What had gotten into me?

Sumasakit lang ang ulo ko kapag pilit kong inaalala kung paano kami naging mag-asawa at kung paano ako na-in love sa kanya. Pero kapag nakikita ko naman siya ay para naman tinatambol ang dibdib ko sa kaba. My heart is always telling me that I know him. That everything that they told me were all true. But my mind is telling me otherwise. Nalilito na talaga ako.

I closed my eyes. Gusto ko pang matulog ulit. Pero napadilat ako bigla nang marinig ko ang boses niya kasunod ng isang malakas na feedback mula sa speaker. Ano iyon? Nanaginip ba ako?

"Abigail Laire Fernandez-Montreal! Honey, you're way too beautiful than Sleeping Beauty kaya gumising ka na, please."

Napakunot-noo ako. Ano'ng katangahan na naman ang ginagawa ng freak na iyon? Mabilis akong napabangon at lumabas sa terrace ng kwarto ko.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now