"Dude, wag gano'n. Pahalagahan mo rin ang asawa mo. Di ka na makakahanap ng tulad niyang kayang sikmurain ang pag-uugali mo! Pag hiniwalayan ka niya, nganga ka, dude!" si Travis.

Binigyan ko sila ng matalim na tingin.

I feel so frustrated. Hindi ako mapakali. Gusto kong halughugin ang buong mundo para makita ang mga hayop na lalaking iyon sa pictures at bugbugin sila isa-isa hanggang sa malumpo silang lahat. Galit ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may gustong sumabog sa dibdib ko. Nasasaktan ako.

Fúck it! Hindi pwede. Hindi. I can't love a person na natikman na ng iba't-ibang mga lalaki.

I stood up. Pumunta ako sa may terrace and I shouted. I wanted to let all my frustrations out. "Putanginaaaaaa! Aaaaaahhh!" Naninikip ang dibdib ko at parang maiiyak na ako dahil sa sobrang frustration. Alam kong malaki na ang pagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya noong college but they all faded at napalitan ng galit when I saw those fúcking pictures! Hindi ko pa rin iyon matanggap hanggang ngayon!

Hinayaan lang ako ng mga kaibigan ko. Sanay na sila sa akin kapag ganoon. Alam nilang may problema ako.

******

Nagpahatid ako kay Monique noong gumabi na. Baka hanapin ako ni Gab. Ayaw kong maulit na naman iyong nangyari kahapon. Madilim pa rin ang bahay pagdating ko. Wala pa si Gab. I wonder where he is right now. Ano kaya ang ginagawa niya? Sino'ng kasama niya? I sighed. Baka si Carmela. I went inside. I can feel the loneliness inside the house. I feel so alone.

I went upstairs and prepared myself to sleep. As I lay down, napatingin ako sa kabilang panig ng kama. Nami-miss ko na si Gab. Kapag ganitong oras at tulog na siya, iyon lang ang panahon na natititigan ko siya nang matagal. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa dalawin na ako ng antok. But now there's no Gab beside me. Our baby and I are waiting for him.

******

When I went home, patay na ang mga ilaw. Tulog na siguro si Abby. I parked my car and went inside. Dumiretso ako sa kwarto namin. I saw her lying on the bed. Nakahawak ang kamay niya sa tiyan niya.

Lumapit ako. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha. I felt guilt all over me when I saw the bruises on her face and arms. I want to touch her face. My breathing became heavy as I tried my best to suppress the emotions that I am feeling inside my chest right now.

"Gab..." she moaned while sleeping peacefully.

Umupo ako sa gilid ng kama. My eyes were still fixed on her face. I shut my eyes tightly bago ko inilapit ang mukha ko sa kanya.

"Abby, I'm so sorry..." I whispered on her ear.

******

Maaga akong nagising. Pagtingin ko sa side, wala si Gab. Nalungkot ako. Parang gusto ko na namang umiyak. Lately nagiging iyakin na ako. Dala lang siguro ito ng pagbubuntis ko.

I fixed myself and went downstairs. Ipagluluto ko si Gab. Baka dito siya mag-aalmusal. Pababa pa lang ako ay may narinig na akong nagtatawanan. Nagulat ako dahil ang aga naman para magkaroon ng bisita.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Sa garden. To my surprise, I saw him with Carmela, magkaharap na nakaupo. Nakatalikod si Gab sa akin kaya di niya ako nakikita while Carmela's the one who's facing me.

Parang tinusok ng kung ano ang dibdib ko. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Masaya silang nagtatawanan habang nag-uusap. Gusto kong sugurin si Carmela at sampalin. Gusto kong ipagsigawan sa mukha niya na may asawa na ang nilalandi niya pero di ko magawa. Wala akong lakas ng loob.

Nakatingin lang ako sa kanila nang biglang dumako ang mga mata ni Carmela sa akin. She smiled evilly habang nakataas ang kilay.

Alam kong maaaring dumating ang pagkakataong ito na maaaring bumalik ulit si Carmela at agawin si Gab sa akin, after all, si Carmela lang naman talaga ang alam kong nag-iisang minahal ni Gab noon. But this is too early. Hind pa ako handa. Hindi ko pa kayang bitiwan si Gab lalo na at magkakaanak na kami.

Naiinggit ako sa nakikita ko. Nagseselos ako. Ang sakit na sa mismong bahay pa namin sila nagkikita. Biglang inilapit ni Carmela ng mukha niya kay Gab, parang gusto niyang halikan ito. Hindi na ako nakatiis sa nakikita ko kaya tumalikod na ako at pasimpleng pinahid ang mga luha ko. Ang sakit-sakit.

I went to the kitchen. Parang bumaliktad na naman ang sikmura ko. I threw up again on the sink. After I gargled, hingal na hingal ako dahil sa kasusuka ko. Pinahid ko din ang naiwang luha sa mga mata ko. Nagulat pa ako nang biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Tsk! Ang drama. Sino kaya ang ama niyan? Pagkakaalam ko ayaw ni Gab magkaroon ng anak sa 'yo."

Hinarap ko siya. Tiningnan ko lang siya. Di ako nagsalita. Ayaw ko siyang kausap. Nilagpasan ko siya pero bago pa ako makalayo ay hinila niya ang buhok ko kaya napaaray ako.

"Sa lahat ng ayaw ko ay ang tinatalikuran ako!" she said. Bigla niya akong binitiwan kaya bigla akong napasandal sa sink.

Napangiwi ako dahil sa sakit. "Ano ba'ng problema mo?!" sigaw ko.

Lumapit siya sa akin at sinampal ako."Ikaw ang problema ko, bítch ka! Inagaw mo ang dapat ay sa akin! Mang-aagaw ka!" galit na sigaw niya.

Sinampal ko siya pabalik. "Wala kang karapatang sampalin ako sa loob ng pamamahay ko!"

"Huh? Pamamahay? Ito? Pamamahay ba ang tawag sa lugar na ito? Eh halos kahit saang parte nito ay nadaan na namin ng milagro! The héck, Abby! Di ba nasabi ni Gab sa iyo na kapag tumatalikod ka ay ako ang kasama niya rito? Well, acctually we did sex in every corner of this house kaya paano mo nasasabing pamamahay to?" sarkastikong sabi niya na halos ikayanig ko.

"Hindi totoo yan," naiiyak na na sabi ko.

"Eh di tanungin mo si Gab para malaman mo," mataray at kampanteng sabi niya.

Umiling-iling ako. "Hindi totoo yan!" umiiyak na sigaw ko sa kanya.

Ngumisi siya. "At kaunti na lang ay iiwan ka na ni Gab. Babalik na siya sa akin. He believes that you're a slút. Iba talaga ang nagagawa ng technology 'no?"

Biglang kong naalala ang mga pictures. "Sa'yo ba galing iyong mga pictures na may mga mukha ko?"

"Oh! Nakita mo pala? Parang totoo 'no? Paniwalang-paniwala nga si Gabriel eh," nang-iinis na sabi niya kaya nag-init pa lalo ang ulo ko.

Naiiyak na ako. I clenched my fists in anger. Sinira ako ni Carmela kay Gab. Siya ang dahilan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ni Gab sa akin. Hindi ko na napigalan ang sarili ko. Galit ako. Sinugod ko si Carmela at sinabunutan siya. "Hayop kang babae ka! Sinira mo ang pagkatao ko kay Gab!"

"Mas hayop ka! Mang-aagaw!" Pinagsasampal ako ni Garmela.

Ganoon din ang ginawa ko. Bigla niya akong tinadyakan sa hita kaya napahiwalay ako sa kanya. Napahawak ako sa tiyan ko. Galit na galit ako. Siniraan niya ako sa asawa ko. Sinugod ko siya at sinabunutan. Napahiga siya sa sahig. Gumanti siya kaya nagpagulong-gulong kami habang nagsasabunutan.

Sampal. Kalmot. Sabunot. Ayoko siyang tantanan hanggang hindi siya nakakalbo. Ako naman ang nasa ibabaw niya. Sa ganoong posisyon kami inabutan ni Gab. He tried to pull me away from Carmela pero wala siyang nagawa. Carmela asked for help na para bang aping-api siya. Umiiyak pa siya.

"Abby, ano ba! Stop that!" sigaw ni Gab pero di ko pinansin iyon. Muli siyang sumigaw. "Tangina, Abby! I said stop!" Hinila niya ako nang marahas mula kay Carmela at itinulak.

Napalakas ang ginawa niya kaya pabagsak akong napaupo sa sahig. Tatayo na sana ako when I suddenly felt an excruciating pain in my stomach. I screamed in pain. Naramdaman kong may kung ano sa pagitan ng mga hita ko. Parang malalagutan ako ng hininga. I cried in pain and scream again when I saw blood in between my thighs.

I looked at Gab. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya habang namumutlang nakatitig sa pagitan ng mga hita ko. "Gab..." I sobbed.

Noon lang parang natauhan si Gab. "Bùllshit!" Itinulak niya si Carmela saka mabilis akong dinaluhan. "Abby, I'm so sorry." Hindi niya malaman kung saan ako unang hahawakan. "Dàmn it! I'm really sorry, Abby." Mabilis niya akong kinarga at dinala palabas ng bahay.

"Hold on, honey. I'll bring you to the hospital. Just hold on, okay?"

I closed my eyes tightly habang patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. "Ang baby ko..." I whispered weakly and fearfully while sobbing.

He muttered another strings of expletives habang mabilis na naglalakad patungo sa kotse niya.

******


Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now