Chapter 1. - The beginning :)

110K 1.3K 201
                                    

Current mood: Editing slash revising. Thank you for understanding, readers!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=KATH'S POV=

"Kath! Si Daniel!" Sigaw ng kaibigan ko na si Julia.

"NASAN?! NASAN?!" Si ako naman hanap dito hanap doon.

"Joke." At ayon, isang napaka friendly na sapak ang natamo niya. HUHU! Pinaasa niya ako! Akala ko anjan si Daniel!

Teka.. bago ang lahat ng kaechosan magpapakilala muna ako. Ehem ehem.

Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. Kath for short na lang. 17 years of age. 1st year college. Hmm, ako nga pala ay mabait (sabi nila), matalino at nasa may kayang pamilya, pero di ko yun pinagyayabang, di nga halata sa itsura ko eh.

Hmm anung itsura ko? Maganda ako, sexy, fashionista, chix ng campus, maputi, matangkad.

Oh diba?! Lahat yan ay katangian ko.... kung babaligtarin niyo.

Ang totoo? Isa lang naman akong babaeng nagsusuot ng isang makapal na salamin, masyadong lumabis ang tela sa uniform ko kaya loose siya, ang palda na dapat above the knee ayun naging below the knee. for short nerd ako. Ms nerdy girl pa nga tawag nila sakin sa school eh. Hindi ako sexy, mapayat ako =_= Malaki pinagkaiba nun!

Fashionista? Naah, nagsusuot ako ng mahabang palda(kumpara sa tama) at loose na blouse. Ang laki kaya sakin -.- Chix ng campus? Oo, naging manok na nga eh. Maputi? Hindi, sabi nila morena daw. Matangkad? lalong hindi. Hayyy. Wala din akong masyadong kaibigan. Laking pasalamat ko na lang at kaklase ko ang nagiisang bestfriend ko dito sa subdivision namin.

Siya si Julia. Julia Montes. Ang ultimate mega bestfriend forever!

Kung ako hindi masyadong nagaayos kabaliktaran naman yung sa kanya. Siya ang Fashionista, maganda, sexy, chix ng campus, maputi at matangkad. Siya yun eh! Marami ngang nanliligaw sa kanya eh pero wala pa siyang balak pumasok sa isang relationship kaya yun hangang tingin na lang sila. Palaban din siya. Siya nga umaaway sa mga nangtitrip sakin sa school na mga walang magawa sa buhay. Kaya nga love na love ko yan eh. Super bait pa <3.

Anyways.. Balik tayo sa reality..

Hay nakakatamad naman bumangon, ano bang oras na? 6 lang pala..

OMEGAD 6:00 na!!! Napasarap ata kwentuhan natin. Kelangan ko pang pumasok.

Panaginip lang yung kanina. Nagiimagine kasi ako ng kung ano ano bago bumangon. Hehehe.

"Anak! bangon na! Tanghali ka na!" Ayun narinig ko si mama sumisigaw galing baba, nasa 2nd floor kwarto ko eh.

"Opo. Bababa na po ako." Sagot ko naman habang nagmamadaling maghilamos, toothbrush, maligo at magbihis bago kumain. Kasi late na akooo!!! Dali dali akong bumaba at kumain. kain. kain. kain. At ayun natapos na rin ako. Bilis ko noh. Diet ako! haha taray! Patayo na ako sa kinauupuan ko ng biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas ko si Julia lang pala.

"Bes! Good morning! Sabay na tayo" Sabi sakin ni Julia. Bes tawagan namin. Bestfriend ko na kasi siya for 3 years pamula nung lumipat sila dito sa subdivision.

"Sige Bes, tapos na rin naman ako kumain, Tara na!" Sabi ko kay Julia. "Ma! alis na po kami." pahabol ko kay mama.

"Sige ingat kayo" Sabay kiss sa cheeks ko si mama.

"Bes dun sa tayo sa kotse namin sumakay magpahatid na lang tayo kay manong" Sabi sakin ni bes.

"Ay. oo nga. Absent nga pala yung driver namin, sige tara na" sagot ko.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon